Chapter 13

3 0 0
                                    


Ilang na ilang ako sa bawat pagsulyap niya sa akin. Hindi ko naubos ang pananghalian dahil nahihiya ako. Masyado akong naco-conscious sa bawat galaw ko.

Pasado ala una ng hapon dumating ang isang may katandaang lalake, halata sa postura na hindi siya purong Pilipino, trainor ata ng grupo at isa pang lalakeng tingin ko ay operator ng recording studio.

Naka-upo ang lima at sa harap nila ay pumwesto ang trainor. Inanunsyo niya na puro OPM ang ipapakanta sa kanila sa isang event na gaganapin sa susunod na araw. Tinake note ko na yun, malaking event yun dahil ang mga kagaya ni Sir Rey Valera, Oggie Alcasid, at iba pang kilalang composer ay dadalo. Dalawang kanta ang nakalaan para sa banda.

Ngayon ay nagbe-brainstorm sila sa kung anong kanta ang pipiliin. Isa-suggest ko sana yung madalas kantahin ni J kaso, umurong agad ang dila ko dahil napansin ko kagad ang tensyon sa kaseryosohan ng mga mukha nila.

Lalo na nang muntik pang magtalo si Russel at Neil dahil hindi sila magkasundo sa isang kantang medyo may mataas na parte.

"We're gonna sing as a group Russel, walang lamangan. Calm down." Pigil sa kaniya ni Tristan. Ilang kanta na rin ang ni-reject ng trainor nila.

"Verna..." lumingon sa gawi namin ang trainor, na-alerto naman ang kasama ko kaya pansamantalang ibinaba ang cellphone. "Ano ba ang madalas kantahin ng mga alaga niyo?" Tuloy nito.

"Uhmm." Napa-isip pa si Verna, halos mabuhol na ang dila ko dahil ang lahat ng kanta ng grupo ay kinakabisa ko. "Mostly, yung mga uso po e. Para makasabay ang kabataan, since, sa kanila sila mabenta, specially sa girls."

Bakas ang iritasyon sa mukha ng trainor dahil sa broad na sagot ni Verna, hindi ata nagustuhan. Halos trenta minutos na din ang nasayang. Alas kuwatro ay dapat na kaming bumyahe para sa mall tour.

Ako naman ang binalingan, bahagyang nakataas na ang kaliwang kilay nito sa akin, nagbabadyang magwala kapag mali din sa pandinig niya ang magiging sagot ko.

"May gusto kang i-suggest?"

Ilang sandali pa ang lumipas na hindi ako nakasagot dahil nahihiya ako. Siniko ako ni Verna na siyang nagpalabas sa bibig ko ng title ng isang kantang isa sa mga paborito ko.

"W-With a smile po." Hindi ko maiwasan ang ma-utal lalo na at nakatingin sa akin silang lahat. "Eraserheads."

Umayos naman ang mukha ng trainor sa sagot ko, pero tila naguluhan dahil may pilit inaalala.

"Paano na nga ba ang chorus nun hija?" Kinabahan ako doon. Nagtatalo na naman ang utak ko kung kailangan ko bang sabihin lang ang lyrics o kantahin pa iyon.

I chose the latter.

"Baby you don't have to worry. Coz there ain't no need to hurry. No one ever said that there's an easy way."

I sang. It felt like I still need to continue the song, so I did. And J tried to blend with my voice.

"When they're closing all their doors, and they don't want you anymore, this sounds funny but I'll say it anyway.."

Nagkatinginan kami ni J, ngumiti siya sa akin at kumindat. Halos tumalon ang puso ko dahil doon!

"Girl I'll stay, through the bad times. Even if I have to fetch you every day. You'll get by with a smile--"

"Okay! Okay! Naalala ko na! Salamat hija, your voice blend with J!" Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawang kumanta. "Try to surf the internet and find the lyrics kung hindi ninyo memorized." Bumalik ang tingin niya sa grupo. Napapalakpak pa ang trainor tsaka sinuhestyon na ang isa pang piece nila ay Kahit Maputi na ang Buhok Ko, para daw hindi na sila mahirapan sa pag-aaral ng notes.

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon