Chapter 18

4 0 0
                                    


Tinawag ako ni Ford pagkalabas na pagkalabas ng Prof namin tsaka ako linapitan, taka kong tinignan silang apat nina J, Lee at Cody, akala ko si Ford lang ang lumapit. "Taga-La Union ka di ba?"

Bago pa ko mapatango ay kinalabit ako ni Agnes na katabi ko, may kasama silang isa pang babae at lalake, "Kim, kulang kami ng isa."

Kanina lang namomroblema ako sa pagiging loner ko, tapos ngayon, ganto.

"Saglit lang Agnes." Hinarap ko sina Ford.

"Di ba? Mas madami kang alam sa agriculture kasi laking probinsya ka. Samin ka na maki-grupo." Yaya niya.

Nilingon ko ulit sina Agnes, nag-aabang sa pagsang-ayon ko. Nalibot ko ang paningin ko sa buong klase, pati ata sila ay naka-abang kung kanino ako sasama. May isa pang group na inaya ako dahil sa narinig mula kay Ford. Karamihan naman sa mga babae ay iba ang tingin sa akin, I know those stares.

By the looks of it, hindi naman mahihirapan makahanap ng ibang kagroup sina Ford, lalo na at kilala sila. Tingin palang ng girls na kaklase namin eh, baka gawan pa sila mismo ng proposal.

"Sorry Ford, may ka-grupo na ko." And then I turned to Agnes and Margo's group.

"Yeyy! So this is Jas, and Lex." Pakilala niya sa dalawa. They said their hello's and mukhang all-girl group kami base sa posture ni Lex.

Since, last subject na namin to, konting usapan lang at nagkayayaan nang gumala. I rejected their offer dahil kailangan daw ako ni Verna. Asap.

Masaya silang kasama. Lalo na dahil kay Lex, puro tawanan lang sila.

Sinabi na lang nila na bumawi na lang ako sa susunod, which is I bet wouldn't happen.

"Yiiiee. Girl power na ito!" We cheered then bid our goodbyes.

Nagmadali naman ako sa pagpunta sa dorm para iwan ang notebook ko at magpalit.

Right after I looked myself in the mirror, lumabas na ako ng kwarto.

Sinalubong ako ni Verna na lukot ang mukha pagkadating sa network building. "May problema ba?" Nakakahawa kasi yung pagkataranta niya ngayon. Sanay na siya sa stress sa work pero iba yung dating ng pagkastress niya ngayon.

"May pinapagawa kasi sa akin si Madam." Dinala ko siya sa nook dahil pinagtitinginan kami ng ibang empleyado sa hallway, I kept my mum to let her continue. "Sa Sabado kailangan kong mag-scout, hindi kasi laging pumapasa sa standards ni Madam yung mga naga-audition." Hindi naman siguro mahirap yun, pero mukha talagang malaki ang problema niya.

"Ang kaso... walang kasama si J, sa akin din siya ibinilin e, yung iba naman sa banda may kanya-kanya ding gagawin." Bakas ang panlulumo sa boses niya. "Di ka ba pwedeng sumunod na lang sa kanya? Ako na bahala sa iba." Pag-alo ko.

"Kung pwede nga lang sana. Kaso sa Pangasinan pa yun e! Ilang oras din ang byahe."

"Ako na lang sasama sa kanya."

"Di pwede, sa akin nga siya ibinilin."

"Eh di ako ang mag-iscout."

Inirapan niya lang ako tsaka bumalik sa pagkakalukot ulit ang itsura.

"Maayos naman ako mag-trabaho di ba? Ako na ang bahala." I assured her.

"Pero--Sige na nga." Sa wakas ay sinabi niya,"Nga pala, kailangan mong i-report sa akin lahat ng observations mo sa band ha. Kapag may nakita kang umaligid, tapos pinatulan nila, dapat alam din namin yan."

"Eh paano yung sa club? Alam din ba dapat ni Ma'am Zara yun?" Wala sa sarili kong tanong. Nang naalala ang nangyari noon...

"Oo naman! Ako naka-toka sa pagka-club ng mga yun."

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon