Chapter 15

3 0 0
                                    


Nagbabadyang lumayo sa mag-ama ang katawan ko habang tinititigan ang bawat detalye ng restaurant ng isang five star hotel sa harap ko.

Kanina pa kami nagkukwentuhan ni Ria, sinabi niya sakin na magwawalong taong gulang na siya, inimbitahan niya pa ko sa magaganap na party niya nun, hindi ko matanggihan kasi bata.

"Dito po nagtatrabaho si Daddy." Ibinaba siya ng ama niya, "Sumunod ka lang." Sabi nito, hinawakan naman ni Ria ang kamay ko tsaka hinila papasok.

Binabati siya ng mga nakakasalubong naming crew. Dumiretso siya sa likod, na tingin ko ay kusina, pinigilan ko ang sarili sa pagtatanong.

"Mauna na kayo sa loob Ria." Utas niya tsaka pumasok sa main kitchen.

"Tara Ate." Hinila lang ako ni Ria papunta sa tingin ko'y VIP room.

Inilibot ko ulit ang mata ko sa buong kwarto, napanganga pa ko sa pagkamangha, first time ko sa gantong klaseng lugar!

"Chef ba dito ang Daddy mo?"

"Mm-mmm! Opo!" Binuksan niya yung paper bag na dala ng ama kanina. Inilabas nito ang isang tupperware. "Ate Kim, look! Ang daming kimchi!" Tsaka pinakita sa akin yung laman. "Favorite po namin ni Daddy." Ngiting ngiti siya habang nakatingin doon.

"Mahilig kayo sa maanghang?" Hindi ba masama sa bata yun?

"Opo! Favorite din po namin yung spicy ramyeon dun!"

Nagpatuloy ang pagbabatuhan namin ng tanong, nakakagaan ng loob. Parang ngayon lang ulit ako nakipag-usap na hindi tungkol sa trabaho o pag-aaral ang topic.

"Andyan na si Daddy!" Napabaling ako sa pagbukas ng pinto, iniluwa nito ang lalakeng may kasunod na waiter, nilapag nun sa mesa lahat ng nakalagay sa tray na pagkain. Ang dami! Naglagay ang waiter ng isang plato ng steak sa tapat ko. Pagkatapos ay sinalinan nito ng wine ang baso namin ng lalake at juice para kay Ria.

Fck! Mauubos ba namin to?

"Kain na tayo Ate!" Alok ni Ria. Nagsimula na silang dalawa sa pagkain, gumaya na din ako. Inalok nila ko ng kimchi, sinabi ko na lang na hindi ako kumakain nun. Hindi naman maitatanggi na masarap nga tong kinakain ko. Inalis ko na lang sa isip ko kung gaano kamahal ang kinakain kung ako man ang magbabayad.

"Kamusta sa school Ria?"

"Enjoy po!" Binaba ng bata ang kubyertos tsaka inilahad ang kamay. "Tatlong stars! Sabi ni Teacher Daisy maganda daw yung drawing ko!"

Nagpatuloy sa pagtatanong yung lalake. Nakakatuwa silang panooring mag-ama. Halatang close na close sila.

Busog na busog ako pagkatapos, takam na takam pa ko sa dessert na ini-offer nila sa akin, masyado atang halata sa mukha ko kaya ipinilit nila na kumain lang ako. Bahala na magmukhang patay-gutom.

Nagpaalam saglit yung lalake nang may nagtawag sa kanyang isang waiter.

"Ate Kim. Pwede po bang samahan niyo muna si Daddy? Kailangan ko na pong matulog pag gantong oras e. Wala po kasi siyang kasama lagi. Kayo lang po ulit yung nakasama namin ng matagal."

Nabigla ako sa pakiusap bigla ng bata. Humikab siya pagkasabi nun. Sasamahan ko yung Daddy niya? Sa kusina? Mag-isa niya lang ba dun? Ano namang maitutulong ko dun?

Walang anu-ano'y sinandal ni Ria ang ulo niya sa upuan at pumikit. Natutulog na ata.

Ayoko namang gisingin dahil malamang pagod to galing sa eskwelahan.

"She fell asleep again." Muntik na kong mapatalon sa inuupuan ko. Magugulatin na ata ako masyado. Naglakad palapit sa bata ang lalake. Binuhat niya si Ria. "Wait for me at the lobby."

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon