Chapter 14

4 0 0
                                    


Ilang araw pa ang lumipas at nagsimula na akong masanay sa mga ginagawa ko. All day work, and before falling asleep, hinihintay ko pa rin kung magtetext or chat si Kath. Sina Lola naman ay tumawag nung isang araw. Hindi ata nila alam ang naging sagutan namin ng kapatid ko.

Naho-homesick na ko, pero laking pasasalamat ko na rin dahil sa trabaho ko kasi ang dami ko kaga nae-experience. At nakapasok pa ako sa isang tanyag na music event. Mas madaming artista at musikero akong nakita dun.

Though, asa backstage at dressing room lang, na-enjoy ko pa rin ang selebrasyon.

Friday ang schedule ng day off ko habang wala pang pasok, kapag nagsimula na kasi ang pasukan, mas kailangan daw nila ako, doble daw ang sahod kapag tumulong ako sa araw na yun.

Inilaan ko ang buong araw sa pagpapa-enroll. Nireport ko kagad kay Verna ang ibinigay na schedule sakin para sa pasukan, nagtext siya na next week namin ia-ayon ang oras ko sa banda.

Palayo na ko sa assessment office. Pinagmamasdan ko ang ilang sasakyang nagpa-park sa gilid ng building. Napaka high class pala talaga ng university na to. May ibang estudyante na rin ang nagpapaenroll, halos lahat ay may sasakyan, kung hindi man ay inihahatid.

Napahinto ako nang nakita ko ang pagbaba ni J sa itim na kotse. Papunta siya sa gawi ko. Naestatwa lang ako sa kinatatayuan, hindi alam kung paano makikitungo.

Babatiin ko ba siya? Kakawayan? Snobbin? O yuyuko na lang para hindi niya ko mapansin?

Late reaction ata talaga ang katawan ko dahil hindi na ko nakapagdesisyon. Nakatayo lang ako habang naglalakad siya papalapit.

Parang bumagal naman ang oras nang nagtama ang paningin namin, lalo na nung slow motion na ngumiti siya. Sht.

Nag-aalburoto na yung asa loob ng dibdib ko. Hindi ata ako masasanay sa presensya niya kahit halos araw-araw ko siyang nakikita.

"Hey." Tumigil siya sa harapan ko, nakangiti pa rin.

"Coincidence. Nag-aaral ka dito?" Nakakahilo pala pag nakatingin lang siya sayo, para akong nililigaw ng mga mata niya. Parang curious siya sa akin, o assuming lang talaga ako. I slowly nodded. Nahihiya ako. Hindi pa rin alam kung paano magrereact. Ni hindi ko alam kung ano ang magiging trato ko sa kanya kapag asa loob na ng eskwelahan. Should I still act as their P.A.?

"Then why are you still working?"

Mas kinabahan ako dahil sa tanong niya, magsisinungaling ba ko sa kanya? Kailangan kong itago yung responsibilidad ko sa trabaho ko.  Halo-halong mga salita ang naisip ko. Ngunit wala akong masabi. Fck.

He sighed then tapped my shoulders, "You don't have to answer if you don't want to." Nawala na ang ngiti sa kanyang labi. Damn. Did I do something wrong? Dapat ba mabilis ako laging rumesponde sa kanya?

"P-pasensya na." Napayuko na lang ako dahil sa hiya.

"No worries. I respect your privacy." Nagsimula siyang maglakad sa gilid ko, pero nakaharap pa rin siya sa akin. Sinundan ko ng tingin ang gawi niya. "But I do appreciate if you'll open up. See you around." Kinawayan niya ako, ni hindi ko maitaas ang kamay ko para kawayan siya pabalik.

Gusto kong murahin ang sarili ko sa pagiging slow. Damn, I'm too obvious!

Paano bang hindi eh halos kumawala na sa ribcage ko yung puso ko  sa sobrang lakas at bilis ng tibok?

Pagkasara ko ng pintuan ng dorm ay ni-lock ko iyon. Napasabunot ako sa sarili dahil sa frustration. I should act cool! Nanghihinayang akong nahiga sa kama ko, pero hindi pa rin maitatago yung kilig.

Damn it J! What have you done to me?!

Napahawak ako sa dibdib kong mabilis pa rin ang tibok ng puso, daig ko pa ang nakipag-marathon.

Huminga ako ng malalim, paulit-ulit para kumalma ang tibok nito.

Medyo nakakabagot din pala pag ganto, gusto ko sanang gumala, kaso mag-isa ko lang, hindi kagaya noon na laging nakabuntot si Kath. Tss. Nami-miss ko na yung baboy na yun.

Then I realized, aside from Verna, Miss Lara, some staffs, and the band, wala na kong ibang kakilala dito sa Manila. I don't even have friends here! Verna, may be, pero hindi naman kami nag-uusap after work.

Nakatulog ako sa mga isipin na yun. Madilim na nang nagising ako, at kumukulo na ang tyan ko. Punong puno na ng pagkain sa fast food ang katawan ko. Nagmadali akong nag-ayos tsaka lumabas ng dorm.

Wala akong mapiling kainan dahil nauumay na ang dila ko sa pagkain ng fast food chains. Sinubukan ko pang maglakad-lakad para makahanap ng ibang makakainan na may mura at malinis na pagkain.

Nakakita ako ng isang food garage, natetempt akong pumasok pero sigurado akong may kamahalan ang mga pagkain dito. Napalunok ako tsaka napahagod sa tyan.

Dinala pa rin ako ng mga paa ko sa lugar na yun. Sinubukan kong tignan kung anu-anong mga pagkain ang binebenya ng bawat stall, ang ibang pagkain ay hindi pamilyar sakin.

Habang nililibot ko ang mata ay nakita ko yung batang babae na nilalaro ko noon sa pila sa isang malapit na fast food chain dito!

Naglo-lollipop siya at mukhang mag-isa lang. Awtomatikong napalibot ulit ang mata ko sa mga taong andito, hinanap ang lalakeng naalala kong may tattoo, pero wala akong nakita. Halos kabataan ang mga kumakain dito, karamihan ay magsyota.

Nilapitan ko yung bata, napansin niya agad ako, umaliwalas ang mukha niya, at inulit yung pagme-make face namin noon, tumawa siya nang nasa tapat niya na ko.

"Hi!" Nagkawayan kami, umupo ako sa harap niya. "Mag-isa mo lang?" Umiling siya. "Kasama ko po si Daddy." Sagot niya nang hindi tinatanggal ang lollipop sa bibig.

"Gusto mo Ate?" Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya, kaya hindi agad ako nakatango o iling sa alok niya, ganun man ay naglabas agad siya ng isang nakasupot na pink na lollipop.

"Salamat!" Tinanggap ko agad yun. Pinanood niya lang ako sa pagbubukas nun.

"Asan yung Daddy mo?"

Bago pa makasagot yung bata ay may nagtawag na sa kanya.

"Ria. Halika na." Madiing sabi ng lalake, siya yung may tattoo, bitbit ang isang paperbag, mukha siyang galit.

Nag-pout lang yung bata tsaka bumaba sa inuupuan. "Bye Ate." Kinarga siya ng lalake. "Di ba sabi ko sa'yo wag kang makikipag-usap sa ibang tao basta-basta..." Rinig kong pangaral ng lalake habang papaalis sila.

Hindi ba katiwa-tiwala ang mukha ko?

Tumayo na ko. Maghahanap na lang ako ng karinderya. Tinignan ko yung inupuan ko baka may nahulog ako, wala naman, pero yung bata, meron ata.

Pinulot ko yung hello kitty na wallet, maliit kasi kaya inassume ko na pagmamay-ari ng bata yun. Binuksan ko baka sakaling may nametag o address ng bata dun.

Bente pesos na papel ang andun at isang picture ng babaeng mukhang asa early twenties palang. Nagsimula na kong tumakbo palabas sa lugar na yun, sinubukan kong hanapin kung hindi pa nakakalayo yung mag-ama, swerte naman at hindi pa, hinabol ko sila, kahit medyo maraming tao ay tiniyak kong hindi mawala sa kanila ang paningin ko.

"Manong!" Karga niya pa rin yung bata, hinihintay kong tumingin siya sa likod.

"Manong sandali!" Nang naabutan ay kinalabit ko siya, nakuha ko ang atensyon nilang dalawa. "Ate!" Lumiwanag ang mukha ng bata.

Hinahabol ang hininga kong sinabi, "Naiwan mo ata to." Winagayway ko ang hello kitty na wallet. Sa bata lang ako nakatingin, ayokong makita yung mukha ng lalakeng may tattoo kasi nakakatakot yung tingin niya.

"Waaahh! Thank you po!" Kinuha agad ng bata yun. "You're welcome!" Bati ko, tsaka nagsimula nang magpaalam. Siniguro kong hindi talaga magagawi sa lalake yung mga mata ko. "Ingat kayo." Tatalikod na sana ako, "Sandali lang Miss.", pigil ng lalake.

"Sumama ka na lang sa aming maghapunan."

Pagkasabing pagkasabi niya nun ay tumunog bigla ang tyan ko. Kumakalam na talaga. Sht. Bakit ngayon pa?! Nakakahiya!

"Sige na Ate! Masarap magluto si Daddy!"

Mukha namang katiwa-tiwala yung bata, kaso nahihiya talaga ako.

DistancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon