Sweet as sugar, hard as ice , hurt me once, I'll kill you twice.
----------------------------------------------------------------------
PAK!"Wala kang kwenta! Bakit hindi mo nagawa ang pinapagawa ko sayo!? Inuuna mo pa ang pakikipaglandian sa babaeng yun! Alam mo ang ginagawa ko sa mga taong hindi marunong sumunod sa akin! " Saad ng lalaking may kalakihan, mababanayad mo sa boses nito ang isang taong maawtoridad, iginagalang, pinagsisilbihan at higit sa lahat kinatatakutan.
Ang babae ay hindi nakaimik, dala na rin ng takot na kanyang nararamdaman, takot na baka sa isang iglap, bumulagta ang kanyang katawan na wala ng buhay. Nakakakilabot.
"Sumagot ka!!! Bakit hindi mo pinatay! Pinalagpas mo ang pagkakataon na sana ngayon ay isa na siyang bangkay! Kung ikaw na lang kaya ang tapusin ko! Tutal wala ka rin naman pakinabang!" Mapanakit ang bawat salitang binibitiwan ng ginoo, wari walang halaga , walang pagmamahal , walang simpantya sa taong kaharap.
"Sorry po, hindi na po mauulit, patawarin niyo po ako" Mangiyak-ngiyak na pagsusumamo ng babae sa ginoo. Batid nito na nabigo siya sa kanyang misyon, ngunit ang isang katotohanan ay hirap itong ipagpatuloy pa ang misyon niya na paslangin ito dahil sa personal nitong dahilan.
"Siguraduhin mo! Huling pagkakataon mo na yan at kung di mo pa magagawa, pasensyahan tayo!" Napakuyom na lamang siya, habang tinatanaw palabas ang ginoo.
Sumalampak siya sa upuan na malapit sakanya, alam niya na kailangan niya ng kumilos, ngunit may pagaalinlangan siya, hindi niya alam paano sisimulan na mapalapit dito muli dito lalo pa't marami ng may alam na gusto itong patayon, pero hindi siya pwedeng mabigo. Kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili niyang kaligayan, nakasalalay din sa misyon na ito ang kalayaan niya.
Kinuha ng babae ang cellphone niya para matawagan ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya.
"Hello, ako to"
"Yes sweetie?" Saad ng nasa babae sa kabilang linya.
"Tuloy ang plano, magsisimula na ako bukas"
"Okay, ako na ang bahala" Agad niyang ibinaba ang cellphone at mataman na nagisip, ano ba ang meron sa iyo binibini at ganon na lang ang interes ng amo ko sa iyo, ayon sa pagkakakilanlan ko sa iyo, wala naman espesyal sa iyo, pero bakit? bakit gusto ka niyang mawala sa mundo.
Napagtanto niyang wala na siyang dapat aksayahin na oras, wala din naman siyang pagpipilian kundi ang tapusin na ang misyon ng makalaya siya sa kamay ng ginoo.
----------------------------------------------------------------------
Habang nasa byahe pauwi ng bahay, di ko mapigilan ang mapakanta, goodvibes na goodvibes ako dahil simula sa makalawa ay makakasama ko na si Rain sa iisang bahay, may kaunting kaba, pero mas namumuo ang excitement. Ngayon pa nga lang hindi na ako magkanda-ugaga na makaisip kung paano ko siya papaaminin sa feelings niya sakin.
Napakapakipot naman kasi ng mga tipo mo, ganyan din si Kim noon Sumingit na naman yung other side ko, panira ng moment.
Though may point, pero iba talaga ang tama ko kay Rain, palong-palo, swak na swar at hulog na hulog. OA man pakinggan pero ganoon talaga eh. I wonder if Glen felt the same way as what I am feeling right now, lalo pa't alam ko at kita ko naman na mahal na mahal niya si Rain, alam ko up to now, hindi pa din niya yun accepted, wala lang siyang magawa dahil wala siya dito.
Pinark ko ang sasakyan ko sa labas lang ng bahay, dahil hindi rin naman ako magtatagal, may usapan pa kasi kami ni Calvin na magkikita sa studio ko.

BINABASA MO ANG
I Can Think Straight, But I can't.
FanfictionA straight girl who happens to be indenial towards her feelings with his boyfriend's bestfriend.