"There is no progress or accomplishment without sacrifice"
--------------------------------Kensley
"Where is she?" Hindi ko inaasahan to'. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata, siguro dahil na rin sa nangyari sakanila ni Rain, alam kong galit siya sa akin, I miss my bestfriend, but I can't lose Rain, not now.
"I'm asking you, CK, where is my girlfriend!" Napataas ako ng kilay dahil sa huling sinabi niya, girlfriend? sa pagkakatanda ko, nakipaghiwalay sakanya si Rain, at wala na siyang karapatan para sabihing girlfriend niya pa ito.
"The last time I checked, wala ng kayo Glen, and please, huwag mo na siyang guluhin pa" Mahinahon na sabi ko, ayokong makipagsabayan sakanya ng galit, dahil kasalanan ko rin naman kung bakit kami nagkaganito ngayon, yung ilang taong pinagsamahan namin bilang magkaibigan ay nasira na lang ng dahil lang din sa akin.
Am I too selfish?
Am I the one to blame?
"Kung hindi ka kasi umeksena, hindi siya makikipaghiwalay sa akin! Kasalanan mo lahat ito! I trusted you! I treated you as my sister! But you chose to betrayed me! Sabi ko bantayan mo siya! Hindi ang agawin siya! " singhal niya sa akin. Kulang na lang dumagundong ang boses niya sa buong studio ko.
"Kensley? Anong nangyayari?" Napabaling kami pareho sa may likuran ko. Mababakas ang pagtataka sakanyang mukha. Marahil maging siya ay hindi rin inaasahan na pupunta ang ex niya rito.
"I'm looking for you, come with me. Let's talk" baling nito kay Rain, hindi siya sumagot, bagkus ay ibinaling nito ang tingin sa akin at ako nama'y mabilis na nagbaling ng tingin kay Glen. Magkahalong galit at sakit ang makikita mo sakanyang mga mata.
"Hindi ba natin pwedeng pag-usapan na lang dito ang kung ano man sasabihin mo?" Sabi ni Rain, tama yan, para na rin mas mapanatag ako. Lalo pa't nababahala pa rin ako sa text na nareceive niya kanina.
"No, hindi makakatulong sa pag-uusap natin, kung nandito ang babaeng yan!" Baling ni Glen sa akin. Napairap naman ako sakanya.
"Mabuti pa nga ng matapos na rin ang kung ano man ang dapat ninyong pag-usapan, just make sure na once nakapagdesisyon na si Rain ay rerespetuhin mo at tatanggpin" Turan ko kay Glen, kahit alangan ako na sumama sakanya si Rain, wala akong magagawa. Kailangan nila ito para na rin makapagsimula kami ng maayos, one step at a time ikanga, at least may isang gusot na ang mareresolba sa pagitan nilang dalawa at umaasa pa rin ako na sa huli eh babalik kaming lahat sa dati.
Napabuntong hininga na lang si Rain at agad tumalima pabalik ng kwarto ko. "I hope you'll find peace after this talk Glen, hindi ko inaasahan ang lahat, I know it's not the right time to apologize, but I think there's no perfect time maliban dito. I didn't mean to hurt you. God knows how much I control myself from falling, pero di ko kinaya, you're right, she's one of a kind, masungit pero masarap mahalin" Nakasandal lang siya sa may hamba ng pintuan at ako naman ay nakasandal sa may cabinet na pinapatungan ng tv at ibang picture frames, magkatapatan kami at nagsusukatan ng tingin.
Pinagmasdan ko ang suot niya, ngayon ko lang napansin, nakasemi-formal ito at hindi maikakaila na ang laki ng ipinagbago ng itsura niya, mas lalo siyang nagmatured, parang sa isang iglap ay hindi na siya ang Glen na makulit, masayahin at maloko, bigla itong naging seryoso at sopistikado.

BINABASA MO ANG
I Can Think Straight, But I can't.
FanfictionA straight girl who happens to be indenial towards her feelings with his boyfriend's bestfriend.