Trust.
Takes years to build, seconds to break and forever to repair
---------------Glendrich
Habang nasa byahe ako pauwi, hindi ko pa rin mapigilan mapangiti. Iba talaga ang naidudulot sa akin na kilig ni Rain. Nakakabakla kung tutuusin, pero kahit lalaki kinikilig din. Hindi naman lahat ng lalaki , katulad ng inaakala ng iba na manhid at insentitive. Mayroon pa din na katulad namin na sensitive.
Napapabuntong hininga na lang ako, namimiss ko na siya kahit kahihiwalay pa lang namin. Tawagan ko kaya?. Ang ganda pa naman ng background song. Up to now, nauutal pa din ako sa tuwing makakausap ko siya.
Kinuha ko ang cellphone ko, and I dialed her number, mas lumapad pa ang ngiti ko nung makita ko yung niregister kong name niya "My Lovely Doll" . I used to look at her as a living doll, mukha kasi siyang manika, maliit ang mukha at maamo ang itsura.
Ringing.. Ringing..Ringing..
Habang nagriring sa line, nakaramdam na naman ako ng kaba. Ano ba ang nangyayari sa akin? Haaay. Ganito ko ba siya kamahal , na sa tuwing malapit siya, hindi na nagiging normal ang tibok ng puso ko.
And I hate how much I love you girl (yeah...)
I can't stand how much I need you
And I hate how much I love you boy (oooh whoah...)
But I just can't let you go
And I hate that I love you so..."Hello Glen, napatawag ka?" Narinig ko na sabi niya sa kabilang linya, masyado ako nadala sa kanta. I hate that I love you, but I can't help it.
"Ah..Ano, babe?" Napatameme na naman ako. Bakit nga ba ako tumawag? Wala lang, dahil lang sa namimiss ko siya. Lagot na naman ako nito kapag walang sense yung pagtawag ko sakanya.
"Hello, Glen, ano ba yun?" May bahid ng inis sa boses niya. Isip..isip ng pwede mo idahilan.
"A..ano kasi..Nabasa mo na ba yung letter na ibinigay ko sa iyo?" Tanong ko habang nakatuon ang paningin ko sa daan.
"Ahh..Oo eh, pwedeng pagisipan ko muna? Magpapaalam na din muna ako kay Mama" Sabi niya. Huuuh! Nakahinga ako ng maluwag, at least may chance ako na mapapayag siya.
'"Ganun ba, o sige, hihintayin ko ang sagot mo. Yun lang babe, I love you" Isang malapad na ngiti ang sumilay sakin. Bago pa din sa pakiramdam, kahit palage ko sinasabe sakanya ang salitang mahal kita, hindi nawawala ang bilis ng tibok ng puso ko. Hanep ! In love talaga ako.
Napakunoot noo ako ng hindi siya sumagot.
"Hello babe?" Sabi ko.
" I love you too " Narinig ko na sinabi niya. Nakaramdam ako ng ibang pakiramdam. Kinilig na naman ako sa simpleng mahal kita, maaaring ordinaryo na lang para sa magkakarelasyon na marinig iyon, pero para sa akin. Palaging bago, palaging bago sa pandinig at sa damdamin.
Said that it's not fair
How you take advantage of the fact
That I love you beyond the reason why (why...)
And it just ain't right.
And I hate how much I love you girlI can't stand how much I need you (yeah...)
And I hate how much I love you girlBut I just can't let you goBut I hate that I love you so..Napangiti ako ng marinig ko siyang kumakanta. Sabe sakin ng mama niya, magaling daw kumanta si Rain, pero ni minsan di ko pa siya narinig kumanta. Kapag pinapakanta ko naman siya sa tuwing may napupuntahan kaming party ng mga kaibigan namin , ayaw niya. Hindi ko naman mapilit dahil baka topakin.. mas mahirap yun. Hahaha

BINABASA MO ANG
I Can Think Straight, But I can't.
Hayran KurguA straight girl who happens to be indenial towards her feelings with his boyfriend's bestfriend.