CH 19

1.2K 35 8
                                    

Every little that you do, Love I am amazed by you..
-------------------------------------------------------------------------------

Akala ko kaya kong panindigan ang misyon ko, but I can't, I just can't, kahit ilang ulit pa imukha sa akin ni boss na hindi ako magagawang mahalin ng taong mahal ko, hindi ko pa din kayang paslangin ito. Sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot, I killed many people but I felt nothing everytime I effortlessly taking their lives, but now it is different, mahalagang tao sa buhay ko ang kailangan kong patayin. Mula pa noon, gusto ko na siya, ni hindi man lang niya ito nakilala pero minahal pa din niya, kahit sa malayo man lang.



Minsan iniisip ko karma ko na ata ito, I just followed this path without even trying to escape into it, I just let that Mister to make my life, his puppet, just to keep my family safe. At dito ko napatunayan that you should take someones life for you to live, to sacrifice their body and soul for you to be able to survive, pero hindi sa panahon na ito, gustuhin man niyang gumawa ng hakbang pero hindi nito magawa. 



Marami rin naman siyang naging karelasyon, mapababae man o lalaki, pero pagdating sa babaeng ito, ay iba talaga ang nararamdaman niya dito, mula pa noong grade school magpahanggang ngayon, hindi nawala yung kakaibang damdamin niya, kaya mas nahihirapan siya dahil ito ang unang pagkakataon na gagawa siya ng hakbang para mapalapit dito at isa pa sa masakit na katotohanan ay kaibigan niya ang karibal niya, pero hindi niya ito pwedeng hayaan na mahulog sa iba, totoo nga ang sinasabi ng iba, na kapag nagmahal ka, nagiging madamot ka, at gagawin mo lahat mapasayo lang siya.



Isang magandang pagkakataon ang celebration na ito para maging malapit siya sa taong gusto niya. Wala din naman siyang choice. Bahala na talaga.


Still, wala pa din naman magbabago, kailangan ko pa din gawin ang misyon ko. Napabuntong hininga na lang siya


---------------------------------------------------------------------------

Muli ko tiningnan ang itsura ko sa salamin, ng masatisfied ako sa itsura ko ay agad na akong lumabas ng restroom. Habang pabalik ako sa table namin, hindi mawala sa isip ko yung magandang babae, kahit saglit ko lang siyang nakasama, hindi ako nakaramdam ng takot, magmula kasi ng malaman ko na maraming gustong pumatay sa akin, para na akong tanga na napaparanoid, yung pakiramdam ko palagi na may babaril sa akin o gagawa sakin ng masama.



Nakarating ako sa table namin ngunit hindi ko naabutan si Jes. Saan naman kaya nagpunta ang baklitang yun .. Alam naman nitong wala siyang gaano kakilala sa mga estudyanteng naroroon. Urg! Masasakal ko na talaga yun eh . Luminga-linga ako, nagbabaka-sakali na baka makita ko si Jes o kahit man lang si K, pero nadismaya lang ako, puro kasi mga naghahalikan ang nakita ko, nakakaloka naman, birthday party to, hindi party na pang bar. Napapailing na lang ako sa mga estudyante, hindi na kasi ng mga ito naiisip na may ibang nakakakita. 


Baka may nakitang gwapo at humarot na kaya iniwan kang mag-isa. Singit naman ni alter-ego



"Is this seat taken?" Narinig niyang tanong ng isang babae, alam niyang babae ito dahil na rin sa malambing ang tono nito.



"No" Sagot niya. Nasaan na ba kasi ang mga yun? Hindi niya maiwasan ang hindi mainis.


"Looking for someone?" Napalingon siya bigla dito, anak ng tokwa naman, ganun na lang ba siya ka-obvious?


"Ahh..hey.. what brought you here?" Ayaw man niya magalsa tonong rude, pero di niya maiwasan. Pagkatapos ako nitong pakitaan ng kanyang bitchy attitude, heto siya ngayon at nakikipagusap . Ano na naman ang plinaplano nito? Para na talaga akong may trust issues, kung ano-ano kasi agad ang pumapasok sa isip ko.



Judgemental ka lang talaga kamo! Sabi pa ni ego.


He! Manahimik ka, nakita mo kung anong ginawa niya kanina, masisisi mo ba ako kung bakit ganun ang iniisip ko sakanya. Backfight ko dito.


"Nothing, I.. I just wanna say sorry about what happened earlier, you know, about that bad habit of mine, being rude and.. having a bitchy attitude" Tiningnan siya nito sa kanyang mga mata, nakikita niya ang sincerity sa mga nito. Hindi naman siya ganun kamaldita para hindi ito bigyan ng chance, malay natin maging magkaibigan din sila.



"Hayaan na natin yun" Nasabi na lang niya. Napansin nitong nakapagpalit na ito ng damit, I'll admit, lumitaw ang cuteness niya sa suot nitong white dress, sakto sa katawan niyang mapayat at maliiit na mukha.

I Can Think Straight, But I can't.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon