Every magical experience stays, when I'm with you.
------------------------------------------------
Dumating ako ng bahay ng nakabusangot, dahil na rin yun sa dalawang naturingang babae nga pero babae din ang gusto. Hindi naman sa inaano ko iyong nagkakagusto sila sa babae, pero yung dalawang tao ang aamin sa'yo, yun ang nakakagulat.
Kinuha ko ang cellphone ko. What the heck!! 33missed calls, 26 received messages. Karamihan galing lahat kay K at may isang galing sa unknown number. Nakakaloka.Dedma muna ako sa message ni K, naiinis pa din ako sa inasal niya, kahit pa kasi sabihin na may posibilidad na nagseselos ito, hindi pa din tama na magsagutan sila sa harapan ng maraming tao. Haaay.
Palakad na ako papuntang kwarto ko ng mapasulyap ako sa salamin. Alam kong maganda ako pero hindi naman ako mukhang lesbiana ah? Oo na, sige na, may mali din ako kasi hinalikan ko siya, dun palang para na din akong nagbigay ng motibo, pero kasi naman!
Para akong naaadik sa labi niya ,na sa tuwing makikita ko siya andun yung pakiramdam na gusto ko na lang siyang halikan.
Gulong-gulo na talaga ako.
Tiboom ka na kasi, ayaw mo lang aminin!
Leche! Hindi ka nakakatulong! Kapag ba nagsisimula ka ng maging attracted sa isang babae, tiboom ka na agad! Hindi ba pwedeng crush mo muna?!
Huwag ako! Kapag ba nagkacrush ka lahat ng crush mo hahalikan mo! Kontra na naman nito sakin.
Okay may point! Ah eh.. Depende! Kung kahalik-halik naman, pero syempre joke lang yun.
Oh kita mo! Kaya nga wag ka ng magdeny!Umamin ka na kasi na nati-tiboom ka na! Pang-aasar pa nito.
Lalo lang ang akong nabwisit. Akala ko pa man din mageenjoy ako sa celebration ni K, though kahit paano naman eh okay na din. Hay nakakainis lang dahil pati yung plano kong surprise kay Kensley ay di ko na nagawa. Pahiram-hiram pa ako ng gitara di ko din naman pala magagamit.
Nag-emote na naman ako at heto na naman yung pakiramdam na mapapahugot ka nalang. I miss you Pa..
Siguro hindi pa din ito ang tamang pagkakataon, ang paniniwala ko kasi ang paghinto sa mga bagay na kinahiligan mo, ay maihahalintulad mo sa paghilom ng sugat na natamo mo, sa tamang panahon.
Ganun naman talaga hindi ba? Lalo na kapag nakakaranas ka ng sakit, mas malala pa sa nabrokenhearted ka lang sa pag-ibig.Haaay, bakit na ang kumplikado ng buhay ko?
Ganun talaga kapag maganda te! Sumingit na naman po siya.
Parang ayoko ng dito tumira si K, ngayon pa lang nga eh sa maliit ma bagay umiinit na agad ang ulo niya ,what more pa sa mga malalaki na?
Hindi maliit na bagay ang magkaroon ng karibal! Shungers nagselos lang yun! Ang problema kasi sayo pabebe ka na, para ka pang bato! Ang manhid mo! Napakahilig sumingit.
Litsi! Hindi ko lang hinahayaan na saktan ako ng iba, dahil kapag nakitaan ka nila ng kahinaan, maaari nila itong gamitin para durugin ka inside and out, at ayoko mangyari yun.
BINABASA MO ANG
I Can Think Straight, But I can't.
FanficA straight girl who happens to be indenial towards her feelings with his boyfriend's bestfriend.