CH 1-a

11.7K 192 24
                                    

That feeling, when you don't even know, what you're feeling..
-------------------------

Rainielle

Mabilis natapos ang isang araw ko, nakakaiyak lang kasi may mga projects na agad kaming kailangan gawin, hindi pa nga nangangalahati yung buong sem, tambak na agad kami ng mga gagawin. Feeling graduating lang talaga.

"Grabeee, sobrang napagod ako ngayon! Feeling ko finals na agad-agad! Grabe si Ms.Ramos, buti na lang maganda siya kahit ang sungit niya!" Sabi ni Jes, habang naglalakad kami sa hallway, palabas na kasi kami ng Univ. Sayang talaga si Ms.Ramos, napapaisip ako minsan kung bakit siya masungit, baka walang lovelife?

"Baka wala siyang boyfriend kaya siya ganun? Alam mo na, walang inspirasyon" Malay ko diba, di naman kami close ni Mam. Lagi akong sinusungitan, parang laging nakasinghal ganun.

"E bat naman ikaw? May boyfriend pero masungit, so anong tawag mo dun? Wala pa ding inspirasyon ha?!"

"Bat sumisigaw ka! Teka nga, bakit napunta sakin ang usapan ha? Di kami close, kay mam mo yan itanong!"

"Ayoko nga! Baka lapain ako nun, alam mo naman, may sa tigre yun kapag nagagalit! " O.A lang, pero sabagay, pero hindi naman siya ganun sa lahat, sa akin at kay bakla lang. Hmmm.. baka nainsecure sa ganda namin kaya siya ganun. Well, kasalanan ba namin na maganda kami?Char! Haha

"Gandang ganda lang yung satin" Tumatawa kong sabi.

"Ay true! Maganda lang kasi siya, ikaw Lu magandang maganda ka, ako naman kasi dyosa! Walang kasing ganda!" Napataas ako ng kilay sa sinabi niya, actually sa itinawag niya sakin.

"Diba sinabi ko naman sayo na huwag na huwag mo ako tatawaging na Lu? Ayoko yun!" Makauwe na nga, nabubwisit lang ako eh.

"Arte mo! Lu na nga lang, ayaw mo pa! Di ko na nga binuo, kasi alam kong magda-drama ka na naman !" Di na ako umimik. Bahala siya.

Hindi na din siya umimik, alam niya na yung kung bakit ako ganito pagdating sa Lu na yan. Kairita lang.

"Hi Babe" Bati sakin ni Rich ng makasalubong kami sa dulo ng hallway. As usuall, ihahatid niya ako. May bubuntot na naman sa akin. Tinanguhan ko lang siya. Wala ako sa mood magsalita eh. Oh, di ako badtrip ha, ayoko lang talaga kumibo.

"Sige una na ako Rain and Rich, ingat kayo pauwe" Sabi ni Jes. Tumango lang ako sakanya at bineso siya. Iba kasi ang way ni bakla kung kaya't hindi namin siya maisasabay.

"Let's go?" Yaya niya sa akin. Papunta na kami ngayon sa parking lot.

"Babe, okay ka lang ba?" Tanong niya. Hindi ako kumibo. Dire-diretso lang ako ng lakad.

"Hey babe , anu bang nangyare sayo?" Nakakunot noo na sabi sakin ni Glen habang naglalakad kami.  

"Wala, ayoko lng makipag usap ngayon" Sabe ko, na hindi ko man lang siya nililingon. Ewan ko ba , simula kanina pang umaga , asar na asar na ko sa kanya. paano palage siya nakabuntot sa akin. Kulang na lang pati sa cr sumama siya. Haist!

"Baby naman.. may nagawa ba kong mali?" Malungkot na sabi nito habang pilit na hinahawakan niya ang kamay ko. Gawd! Wala talaga ako sa mood. Hindi niya ba maintindihan yun?!.

I Can Think Straight, But I can't.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon