Ch 40

688 11 4
                                    

"Pleasure of love lasts but a moment. Pain of love lasts a lifetime."
-Bette Davis-
----------------------------

Rainielle

Pitong buwan na ako dito at unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa. Nakakalungkot man pero dito na ata ako mamatay.

Simula ng ikulong ako dito ni Glen, wala na silang ibang ginawa sa akin kundi babuyin ako.

Nawala na talaga sa katinuan si Glen. Nalulong ito sa alak at sa droga. Kasalanan lahat ito ni Jacob, kung hindi niya tinuruan si Glen gumamit nun at tiyak na hindi aabot sa ganito ang lahat. Dahil alam kong mahal ako ni Glen. Hindi niya hahayaan na may mangyari sa akin.

Pero bigo ako sa pag-asa na yun dahil may isang gabi ang pinasok ni Jacob ang kwarto ko at doon ako hinalay. Pinagbantaan pa niya akong papatayin kapag nagsumbong ako kay Glen. Hanggang sa naulit ng naulit ang pagpuslit niyang yun.

Sa totoo lang gusto ko ng mamatay. Para matapos na ang paghihirap ko pero pinipilit kong maging matatag dahil gusto ko sa huling hininga ko at makita ko man lang si Mama, si Jessie at si Kensley.

Pakiramdam ko kapag nangyari yun ay pwede na akong sumuko. Tutal doon rin naman ang punta ko.

"Hey, kamusta ang pakiramdam mo?" napangiti ako ng makita ko si Elora, siya ang dahilan kung bakit umaasa pa rin ako na makakaalis ako sa lugar na 'to.

Dahil maging siya ay bihag ng pamilya Montecillo. Naikwento niya sa akin kung paano siya napunta sa mga kamay ni Arman. Doon ko lubos napagtanto na mga halang ang kaluluwa nila. Sila ang dahilan kung bakit napunta siya sa poder ni Nanay Gloria, ang umampon sakanya na siyang kasambahay ng pamilya Martinez.

"Ano ang iniisip mo? Uminom ka na ba ng gamot?" ang swerte ng babaeng mamahalin niya dahil maalaga, malambing at mapagmahal siya. Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon ay ako pa mismo ang hahanap ng babaeng para sakanya.

"Tapos na, may pasa ka na naman. Halika dito, gamutin natin yan," sabi ko and I tapped my  bed para maupo siya.

Parang bonding na namin ito, ang gamutin ang sugat ng isa't isa. Nung una hanggang tatlong buwan ay halos puno rin ako ng galos at pasa. Dahil sa tuwing sinusuway ko sila at sinasaktan nila ako.

Wala ring magawa si Glen dahil hawak rin sya sa leeg ng kanyang Ama. Hindi ko akalain na ampon pala siya. Isa rin siguro yun sa dahilan kaya siya nagbago. Dahil di niya masikmura kung gaano kasama ang tatay niya.

"Everytime I look at your face, gusto kong akuin lahat ng sakit na dinaranasan mo. Hangga't maaari, sana ako na lang. You don't deserve this hell. I promise you, kapag pinalabas nila ako ulit. Matutunton na tayo nila Kensley," napangiti na lang ako. Sino bang hindi lalakas ang loob. Kahit kasi nasa ganitong sitwasyon kami palagi pa rin siya nananatiling positibo sa buhay.

Yun daw kasi ang turo sakanya ni Nanay Gloria, hindi man kailangan maging mayaman ang kailangan lang ay may positibo kang pananaw.

"I trust you. Alam kong di mo hahayaan na mamatay ako dito," nagulat ako ng biglang siyang umiyak.

"Hindi ka mamatay okay? Hindi ko hahayaan na iwan mo ko ulit," sabi ni Elora. Everytime na nababanggit niya na iiwan ko siya ay nalulungkot ako.

Sinabi niya rin kasi sa akin kung ano ba ang katayuan ko sa buhay niya. Ako pala ang kaibigan niya noon ng mga bata pa kami. Hindi ko na halos maalala, pero dahil tinawag niya ako sa palayaw ko nung bata pa ako agad akong napanatag. Dahil may taong hindi ako iiwan sa impyernong lugar na 'to.

"Masaya ako na nandito ka. Kasi kung hindi dahil sayo baka di ko kayanin." Tumayo ito at sinundan ko lang siya ng tingin.

Pumunta siya sa may bintana. Alam kong umiiyak siya pero ayaw niya lang ipakita.

I Can Think Straight, But I can't.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon