CH 12

1.5K 54 12
                                    

                  A good destiny is when two people fine each other without looking..

       --------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko maiwasan mapahanga sa buong lugar nung makapasok na kami sa loob, ang ganda at ang aliwalas ng buong kapaligiran. Maririnig mo ang bawat tawanan at hiyawan sa iba't ibang bahagi ng lugar, mukhang nagsimula na ang ibang eskwelahan sa kani-kanilang mga aktibidades. 


"Okay guys, lahat kayo sa tent magpapalipas ng gabi, at dalawang estudyante bawat tent ang magooccupy nito, nagbunutan na din kaming mga professors kung sino-sino ang magkakapartner. Of course, separated ang lalaki at babae." Inporma ni Ms. Ramos, halos dismayado ang mga lalaki na nais makasama ang kanilang mga jowa. Gusto pa ata makaiscore ng mga gunggong! Napapailing na lang ako, mga lalaki nga naman.



"And one more thing ang makakasama ninyong section ay ang isa ko pang hinahawakan na section, yung 3A, so kung sino man ang makapartner niyo doon, just try your best to be friends with them, isa din ito sa magandang chance para makakilala kayo ng iba pang estudyante, dahil sooner or later, magka-kasama kayo sa isang event."


Kung kanina na halos wala akong gana sa camping na ito, parang ngayon, unti-unti na akong nagkakaroon ng interes, naeexcite ako sa kung sino-sino ang makakasama namin. Sana isang magandang chix ang makapartner ko. Hindi ko mapigilan mag giggle sa  naiisip ko.



"Nasa kanya-kanyang tent na yung mga kapartner ninyo, nauna na sila dahil mas nauna silang dumating kaysa sa atin, Si Ms. Castro ang nag arrange sa pagkakasunod-sunod ng mga estudyante, ibibigay ko sa inyo ang pass ninyo at sa likod nito ay may numero ng inyong tent, so pwede na kayong pumunta roon at magpahinga sandali" Iniabot na amin isa-isa ang pass namin. Number 14 ang nakalagay sa likod, muli ko na naman naramdaman ang excitement sa hindi ko maintindihan na pakiramdam.



 "Okay, go to your designated tent, change your clothes and we will start our activities within an hour"  



"Ano ba yan! Gusto ko pa naman sana ikaw ang kapartner ko K" Bulong sa akin ni Ella, kasabay ko siyang maglakad papunta sa tent house,  ang cute talaga nito sa outfit niya,sa totoo lang parang hindi nga camping ang punta nito, parang mamamasyal lang kasi ang peg, may sumbrero pa ito na pang beach, ah basta cute niya.


 "Okay, go to your designated tent, change your clothes and we will start our activities within an hour"  "Ano ba yan! Gusto ko pa naman sana ikaw ang kapartner ko K" Bulong sa akin ni Ella, kasabay ko siyang maglakad papunta sa tent house,  ang c...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Photograph: Ella Sophia Mendoza

"Okay lang yan, baka magsawa ka na sa mukha ko, kung puro ako lang ang kasama mo"  mo" Sabi ko dito.


"Hinding-hindi mangyayari yun" Napangiti ako na parang ewan sa kinatatayuan ko, alam kong pangit itong gusto kong mangyari, pero mas pangit kung ipagpapatuloy ko pa yung kay Rain, single naman ako at single si Ella, wala naman sigurong masama na bigyan ko ng tyansa ang sarili kong sumaya, kahit man lang sa piling ng iba.


"O paano K, see you later, nandito na ako eh" Sabi nito, tiningnan ko ang tent number nila #8, "Magiingat ka ha, call me if you need anything" bahagya akong lumapit at hinalikan ito sa pisnge. Nagulat siya nung una, at biglang nagiwas ng tingin, napabuntong hininga pa siya na wari'y ikinakalma ang sarili "A..a.ang sweet mo naman, kaya maraming nagkakagusto sayo eh" Natawa naman ako sa tinuran niya "Suus madami raw, don't tell me isa ka sa mga yun?" Pagbibiro ko dito," Umalis ka na ka, Tsupi!" Tinulak-tinulak niya ako at dali-daling pumasok sa tent nila.


Mapapailing ka na lang sa gestures ni Ella, napaka transparent kasi nito kung kaya't makikita mo agad ang emosyon na meron siya, at base sa pamumula na naman ng kanyang mukha ay tila nahihiya ito na may halong kilig?,dahil sa mumutihing ngiti na sumilay sa kanyang labi, pati ikaw mapapangiti na lang din.

Nakarating na ako sa tent na tutuluyan ko, pero wala doon ang partner ko, nakita ko lang ang gamit nito at ang isang note "Hi partner, see you later" binasa ko ito, mukha naman siyang mabait dahil nagiwan pa siya ng note, sana cute siya para naman magenjoy ako ngayon gabi.


Kakaiba ang ayos ng mga tent dito, hindi siya iyong inaakala mong tent na sa sahig ka hihiga. meron itong dalawang kama sa loob, upuan at table at wag kayo pati banyo meron!!!. Nakakaloka, hindi ito ang inaasahan ko, kaya pala may kamahalan din yung pagsama dito sa camping na ito, hindi ka mabibigo sa mga maeexperience mo.


Nagulat ako ng biglang umulan ng malakas, crap! Bakit ngayon pa, ang malas naman paano kami magsisimula kung ganito lang din naman ang panahon!, samantalang kanina ang ganda-ganda pa na sumilay ang araw.


"Goodmorning students" May malakas na boses na nanggagaling sa labas, halatang naka megaphone. "We are sorry to inform you, I think we cannot continue our activities in this morning, we'll see if the rain will stop later in the afternoon, so as of this moment, you can take a nap to your designated tent, and wait for our further announcement" Haaay. Ano ba naman yan. Kung minamalas ka nga naman.


"Asan kaya yung kapartner ko?Ang boring!" Ano pa nga ba ang magagawa ko? Humiga ako sa kama ko. "Matutulog na nga lang ako", unti-unti ko na din naman kasi nararamdaman ang antok sa sistema ko.



Nakarinig ako ng kalabog, sa gulat ko nahulog pa ako sa kama! "Aw fuck! Ang sakit!! Shit!" Sinong di masasaktan kung una ang mukha mo sa sahig.


"Oh shit, I'm sorry to wake you up" Yung boses na yun! Napahawak ako sa dibdib ko dahil para na naman itong sasabog sa bilis, ayokong lumingon, tang-na naman! Anong ginagawa niya rito? Kasasabi ko lang na gusto ko na siyang kalimutan pero heto siya at binibigyan ako ng ibang epekto na di ko mawari kung ano.


"Oh my Gosh! K ? Ikaw ba yan?" Shit! Bumuntong hininga ako bago lumingos sa kanya, kay Rain.


"Yeah, kamusta?" Stupid! Anong tanong yun? Kahit masakit ang noo ko, agad akong tumayo para maiwasan ko ang mga titig niya


Mas kinabahan ako dahil hindi ito sumagot tumingin lang ito sa akin ng mataman, Teka, galit ba siya sakin? pero bakit? parang gusto ko na lang bawiin na gusto ko sana siyang nandito, dahil nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin, parang walang kaabog-abog pwede niya akong sakalin o ibitin sa puno, at muli, tumibok na naman ang puso ko, parang nasa isang karera at gustong lumabas.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa totoo lang ay naiinis ako sakanya, ay hindi, mali! Galit ako sakanya, bwisit siya, after niyang umalis sa bahay, para na akong tanga kakaisip sakanya, kung kamusta na ba siya, kung magaling na ba ang sugat niya o ano. Tinatawagan ko rin siya pero hindi niya sinasagot, halos hindi ako makatulog kakaisip sa kanya at ang mas nakakainis pa, ayaw maalis sa isipan ko ang halik niya, magpahanggang ngayon, nanunuot ito sa isipan ko, ginugulo ang damdamin ko at kumikiliti sa kaibuturan ko. Fuck you K! yan ang gustong lumabas sa bibig ko, pero ayaw! Hindi ko mahanap ang boses ko.



Naiiyak ako sa inis, pero hindi ko ito dapat maramdaman sakanya, hindi! hindi pwede!,ito ang unang pagkakataon na makaramdam ako ng ganito sa isang tao, ilang araw ko din itinatanong sa sarili ko kung anong nangyari sa akin? pakiramdam ko hindi na ako normal, pwede bang mangyari yun? dahil lang sa isang halik, kaya na nitong baguhin ang damdamin ng isang tao?
Aaminin ko, namiss ko siya, hindi ko maipaliwanag pero ng makita siya ngayon sa harapan ko, dinaig ko pa ang nanalo sa lotto dahil kasama ko siya. Hindi ko maintindihan. Gulong-gulo na ako.



Unti-unti akong lumapit sa kanya, gusto kong mapangiti dahil sa itsura niya, pero nanatili akong walang emosyon,  para siyang natatakot na akala mo naman ay masama akong gagawin sakanya. Maliban sa gusto ko siyang halikan,  hindi naman iyon masama, hindi ba? Gusto ko lang makasigurado, dahil ngayon, sa puntong ito, hindi tumatakbo ng maayos ang isip ko, gusto ko siyang sakalin dahil sa pangdededma niya sa beauty ko ng ilang araw, gusto ko siyang sampalin dahil sa paghalik niya sa akin, at higit sa lahat gusto ko siyang suntukin dahil sa epekto na ibinibigay sa akin.


"A..h Rain, teka lang, wag kang lalapit" Nakakainis ka na talaga K, konting-konti na lang talaga, masasapak na kita.


Itinaas ko ang kamay ko , at wala sa hulog na hinawakan ko pisnge nito, napapikit pa ito ng gawin ko iyon at may kung ano sa akin na gusto ko siyang saktan pero taliwas iyon sa gusto ng puso ko.


"I miss you!" Fuck! Pati ba naman ang bibig ko, di man lang nakisama. Hindi talaga yun eh! Hindi yun ang gusto ko sabihin pero kusa na lang lumabas ang mga katagang yun.


Hindi ko maintindihan, para akong sira ulo na nakikipagtalo sa puso ko, pero ayaw! ayaw sumunod ng katawan ko sa utak ko! at mas hindi ko inaasahan ay ang makita ko ang sarili kong hinahaplos ang mukha niya. Shit! Ang ganda-ganda niya. 


Stop it Rain! Bago ka pa mawala sa katinuan!
Nagsusumigaw ang isip ko

Rain! I said stop, mali yan! Mali! Sigaw nitong muli

Walang mali ,pag-iisip mo lang ang mali  Suway ng puso ko

Tumigil ka! May boyfriend siya! Pakikipagtalo ng isip ko


Huli ka na sa balita! Single na siya, nakipagbreak siya kay Glen, dahil yun ang nasa puso niya You read it right, kasabay ng pagiisip ko kay K ay siya ding pakikipagusap ko kay Glen. Nireplyan ko ang message niya. Alam ko ang iisipin ng iba, na bakit ganun kadali ako nakapagdesisyon patungkol sa amin ni Glen, pero ayokong dayain ang sarili ko, ayoko siyang lokohin, dahil sa tanang buhay ko, hindi ko naramdaman kay Glen, lahat ng nararamdaman ko ngayon kay K. 


Pinagdikit ko ang noo naming dalawa, for once, gusto ko naman sundin ang puso ko, wala man kasiguraduhan, masaktan man ako, pero gusto kong bigyan ng pagkakataon kung ano man ang sa amin, mali man sa mata ng iba, pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay nandito siya at kasama ko.


"R..rain..an.." Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil agad ko itong hinalikan na may pananabik, akala ko mabibigo ako dahil daig niya pa ang estatwa dahil di man lang ito gumalaw, ilalayo ko na sana ang labi ko ng hapitin ako nito sa batok at mas idiniin pa nito ang labi ko sakanya. 


May kung anong kumikiliti sa akin dahil sa mga halik niya, ito ang kaunahang halik ko mula sa isang babae, pero wari'y mas masarap pa ito kaysa sa paghalik sa akin ng lalaki, ibang-iba, as in, binubuhay nito ang ibang sensasyon na hindi ko pa nararamdaman sa iba.


"Ahh" Hindi ko mapigilan mapamoan, ang galing niyang humalik, kung may kurso siguro sa paghalik, baka siya na ang nangunguna rito.


"Oh..shit!" Narinig kong sambit niya at bahagya akong inihiga sa kama. Nagkatinginan kami, ganito ba ang feeling ng mainlove? Walang anu-ano ay bigla kaming nagkangitian. "Kiss me" Hinila ko siyang muli at mas pinalalim pa ang halikan namin


Buti na lang din at umulan dahil may pagkakataon kaming magstay dito sa tent, ganun ata kumilos ang tadhana, may mga bagay na mangyayari sa iyo ng di mo inaasahan, at makikita mo na lang ang sarili mo na nakangiti at para ka ng nasisiraan ng bait dahil sa pagkahibang.


"Hmm..hmm" Hindi ko mapagilan ang mapamoan ng bumaba ang halik niya sa may bandang leeg ko, sa weak spot ko. Shit!, kinakabahan man pero di ko magawang tapusin dahil nagugustuhan ko na din ang pakiramdam na ganito kami kalapit.


Sandali pa ay bumalik ito sa labi ko at hinalikan ako ng dahan-dahan, maingat, may halong pagmamahal, hindi ko maikakaila na masaya ako. Hindi ko din itatanggi na gusto ko siya. Gusto ko na siya.


Ang bilis ng tibok ng puso ko, sobrang bilis na sa kanya lang nagsusumamo at nagwawala. Hay K ano bang ginawa mo sa akin? pero kahit ganun pa man, ayoko na magdeny pa, pero wala pa akong balak aminin, gusto ko muna siyang makilala at makasigurado, dahil hindi lingid sa kaalaman ko na may pagkaplaygirl ito, gusto ko ng seryoso, ayoko ng laro, at kung dun lang din kami mauuwi, mabuti ng hangga't maaga palang malaman ko na.


Isa lang din naman ang alam ko, kapag nagmamahal ka, walang dahilan, hindi kayang ipaliwanag ng salita and maybe we are perfect strangers, who do not need a reason why we need to be together, it's just happened in this very moment, and who will never know what will happen after this, I just wanted to savor this moment while she's near.


"Rain..I.. I like you"
 


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayun na ngaaaaa. Susko! Nagkabukingan na ng feelings, paano na si Ella? 


Please play the song :) Enjoy reading. Thank you in advance.


Ciaaooo...


-MKS







I Can Think Straight, But I can't.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon