"Whatever happens, I'll wait"
-------------------------------Kensley
"Tara na! Tulala ka na naman" Sabi ni Sean. Nandito na kami ngayon sa Bar kung saan kami tutugtog. I'm still waiting for someone to be here. Iniremind ko rin siya sa text, pero up to now, wala pa rin itong reply. Nag-aalala na talaga ako.
"Wala pa ba siya?" Tanong naman sa akin ni Kio. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng pagsiko ni Cal.
Hindi ako kumibo. Sobrang nag-aalala na talaga ako. Pagkagising ko kanina, agad kong chineck ang cellphone ko, nagbabakasaling may text na si Rain doon, pero wala, naghintay pa ako ng ilang oras. Naka-ilang text na ako at missed calls sakanya, pero di niya sinasagot. Pagcheck ko naman sa tracker na inilagay ko sakanya, nasa isang coffee shop ito. Kaya napanatag ako kahit papano, pero ilang minuto pa akong nag-antay kung aalis sila at bigla akong kinabahan na biglang mawala yung signal.
Agad kong tinawagan si Calvin, nakiusap akong itrack back niya kung saan ko huling nakitang andun si Rain, pero wala rin itong magawa since we lost our signal, I checked the coffee shop, maging ang mga staffs doon tinanong ko kung nakita ba nila si Rainielle, pero di daw nila ito matandaan dahil sa dami ng customers. I don't know what to do, hindi rin ako makapagfocus dahil sa kabang nararamdaman ko. Ewan ko ba, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.
"Huwag kang patatalo sa emosyon mo, I'm sure she's safe, at baka maya-maya lang ay andito na siya, but for now, stay focus and enjoy this night" Pukaw sa atensyon ko ni Kio. Tipid na ngiti lamang ang naipukol ko sakanya.
"Thanks, let's give our best tonight, pakiligin ang lahat ng nandito" natawa naman ito sa akin. "Makita ka palang ng mga babae dito, siguradong kilig na kilig na, paano pa kaya pag tumugtog ka na? Tsk! Iba talaga ang karisma mo Martinez! " pailing-iling pang sabi nito.
"Well, I'm jusT lucky to have this charm since the day I was born" Payabang kong sabi. Hindi naman din sa pagmamayabang pero sa aming lima, isa rin naman ako sa tinitilian. Ipinagtataka ko nga minsan kung bakit, di naman ako ganoong halatang lesbian pero paroon't parito ang nagbibigay sa akin ng iba't ibang atensyon.
Siguro ganun talaga ang buhay bandista, hindi mo man gustuhin ang atraksyon na ipinupukol sa'yo, ngunit dahil sa talento mo, mistulang instant celebrity ang tingin ng iba sa'yo.
Marami na rin ang kumukuhang recording company sa banda namin, pero tinatanggihan namin lang namin, hindi naman namin gusto ang sumikat, ang gusto lang namin ay maipakita ang talento na meron kami, and we're not looking for extra money, we're just looking for an easy way to express our frustrations, imaginations, feelings through music, like one of well-known person says "Music is a language that doesn't speak in particular words. It speaks in emotions, and if it's in the bones, it's in the bones." ― Keith Richards. Kaya sino ba ang hindi magtataka kung lipana ang mga taong senti. Lalo na sa panahon na sila ay nalulugmok sa bagay na kanilang pinagdadaanan.
Don't tell me it's not worth tryin' for
You can't tell me it's not worth dyin' for
You know it's true
Everything I do
I do it for you..Look into your heart
You will find
There's nothin' there to hide
Take me as I am
Take my life
I would give it all, I would sacrifice..Napalis ang isipin ko ng marinig ko ang pamilyar na kanta na iyon. Hindi ko alam pero nagkusa na lamang mabuo ang isang ngiti sa labi ko.

BINABASA MO ANG
I Can Think Straight, But I can't.
FanfictionA straight girl who happens to be indenial towards her feelings with his boyfriend's bestfriend.