"If someone really loves you , they wouldn't let you slip away no matter how hard the situation is."
-----------------------------------Rainielle
"I love you". Napamulat ako mata ng muling marinig ko ang tatlong salita na iyon. Tatlong salita na animo'y paulit-ulit na nage-echo sa aking tenga.
Agad na hinanap ng aking mga mata ang isang partikular na imahe, para pa akong nadismaya dahil wala na ito sa tabi ko.
Napabuntong hininga ako, agad kong tinakpan ang hubad ko pa ring katawan, babangon na sana ako ng maramdaman ko ang pananakit ng katawan ko. Ganito ba talaga ang feeling pagkatapos ninyong...ninyong.. urgh! Basta yun na yun! Sa isip-isip ko. Ang sakit-sakit ng buong katawan ko, at may ibang parte nito ang may pasa. Marahil nakuha ko sa training, hindi ko maiwasan ang hindi malungkot, dahil bumalik na naman sa alaala ko ang kinuwento niya kagabi. Ang bata pa niya pero ang dami niya ng masasakit na pinagdaanan. Haaay.
Sa ngayon ang tangi ko lang magagawa ay ang manatili sa tabi niya, lalo pa at mas nanganganib na ang buhay namin.
Hinanap ko ang cellphone ko para icheck kung may message galing kay mama, at gayon na lang ang takot ko ng may isang message ang pumukaw sa atensyon ko.
"Having a good sleep? Oh well, enjoy the last few days with each other, before it's too late."
Pinakatitigan ko ang number. At ang ipinagtataka ko ay hindi ito galing sa unang number na nagtetext sa akin.
"Before it's too late" Muling bigkas ko. Nagtatalo ang isipan ko kung dapat ko ba itong ipaalam kay Kensley o hindi, mas okay ng hindi niya alam. Kaysa sa mag-alala pa siya lalo sa akin.
"Ay palaka!" Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat ng makita na nasa harapan ko na si Kensley, maging sya ay parang nagulat din, dahil sa naging reaksyon ko, napadako ang tingin ko sa bitbit niyang tray ng pagkain.
Sweet!
"Are you okay? Kanina pa kita tinatawag pero parang ang lalim ng iniisip mo love. Dinalhan kita ng agahan" Sabi niya. Love? Napatingin ako sakanya.
"Love? Anong love?" Takang tanong ko sakanya. At parang pagkakamali pa na itinanong ko iyon, dahil para siyang isang baliw dahil sa ngiti niya ngayon.
"Love, endearment natin yun, because we're now a couple. Don't you like it? Ang sweet kaya!" Tuwang-tuwa pa niyang sabi. Napamaang ako. Couple? Ano daw?! Kailan pa ako umoo na maging kami?.
Bruha ka! Nakalimutan mo na ba ang lahat ng nangyari sa inyo kagabi? Hay nako! Pananagutan ka daw niya! Duuuh! As if naman nabuntis ka diba. Wag ka ng maarte! Gusto mo rin naman yan! Magdedeny ka pa!
Nakisali na naman yung isip ko. Tse! Di ka nakakatulong.
"Hey love, okay ka lang ba?" Sabay haplos nito sa pisngi ko. Sa simpleng haplos niya lamang ay para na akong nag-iinit. Ano ba itong nangyayari sa akin! Kasalanan mo to' Kensley eh! Kainis.
Bumaling ang tingin niya sa hawak kong cellphone, agad ko itong itinabi sa bedside table para hindi na siya magtanong. Ayokong malaman niya.
"A..ahh oo okay lang ako, ahh ehh pwede makiligo muna? Tapos mamaya na lang ako kakain? Salamat nga pala" Tumango lamang ito at sa kaba ko, hindi ko na hintay ang sagot niya at ibinalot ko ang hubad kong katawan ng kumot at agad ng pumasok sa cr.

BINABASA MO ANG
I Can Think Straight, But I can't.
FanfictionA straight girl who happens to be indenial towards her feelings with his boyfriend's bestfriend.