I'll stay, no matter what..
--------------------------------Glendrich
Baliw man kung iisipin, pero wala na akong alam na paraan kung hindi ito. Totoo pala ang sinasabi nila "You'll do crazy things for the person you love" and Yes, I am crazy, ganito pala kapag nababaliw ka na sa pagmamahal.
"You're mine Rainielle, only mine". Ang peaceful ng mukha niya habang natutulog. Konting panahon na lang mapapasa-akin ka na rin ng tuluyan.
"Boss, hindi pa rin po tumitigil sa paghahanap sa kanya ang pamilya niya" Sabi ng tauhan ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko.
"Hayaan mo silang maghanap, dahil kahit anong gawin nila, hindi nila matutunton kung nasaan tayo." Sabi ko.
Flashback
"You need to choose Rainielle, or else I will kill them without any mercy"
"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito ha?! Tapos na tayo! Ano pa bang di mo maintindihan ha?!!!"
"Hindi ako papayag na ipagpapalit mo lang ako sa isang babae! At ang masaklap sa kaibigan ko pa! Anong meron siya na wala ako ha! Sumagot ka! Mas mapapaligaya kita kung ikukumpara sakanya!"
"Nababaliw ka na! Pakawalan mo ako! Hayop ka! Hindi na kita kilala! Hindi na ikaw ang taong minahal ko noon!"
"Sino ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito! Minahal kita! Sobrang minahal kita! Handa akong talikuran ang pamilya ko para sayo! Pero ganito lang gagawin mo sa akin! Hindi ako makakapayag! Kung di ka rin lang mapupunta sa akin! Pwes! Hindi ka rin mapupunta sakanya!"
"Please! Nakikiusap ako sa'yo. Pakawalan mo ako! Huwag mo silang idamay dito. Walang kinalaman si Kensley sa ating dalawa! Please leave her alone!"
"Kasalanan niya kung bakit mo ko iniwan! Kasalanan niya! Kasalanan niya! Ngayon, pumili ka, siya o ako! Tingnan mo kung ano ang kaya kong gawin"
Nakaharap kami ngayon sa monitor kung saan kitang kita ang Serenity Band na tumutugtog. Meron akong tauhan na inutusan para magbantay sakanila. Isang sniper na sa isang utos ko lang ay pwede ng bumulagta si CK.
They left me no choice, dahil alam
kong hindi ko na rin sila mapaghihiwalay, kaya kailangan ko ng daanin ang lahat sa dahas. Hindi ako masamang tao pero para sa mga taong mahal ko, kayang-kaya kong maging masama."Code Red, be ready!" Sabi ko sa sniper na inutusan ko.
"In your command boss!" Hmm. Walang hindi magagawa ang pera. Lalo pa't may sakit ang kapatid ni Red kaya pinasok niya ang ganitong klaseng trabaho.
"Do you want to see her bleed or do you want to see her live. It's your choice, Rainielle"
"Anong mapapala mo sa lahat ng ito? Magiging masaya ka ba kapag nakuha mo ang gusto mo? Titigilan mo na ba ang pamilya ko at si Kensley, kung ikaw ang pipiliin ko?"
Ganyan nga! Tama yan baby, ako lang ang nararapat sa iyo. Ako lang, walang iba.
"Kung susundin mo lahat ng gusto ko, wala tayong magiging problema. Hahayaan kong mabuhay si CK, ngunit kailangan mong kalimutan ang buhay mo kasama sila. You'll live your life with me, only with me. And I promise, I will make you happy again, baby"
![](https://img.wattpad.com/cover/9552733-288-k279139.jpg)
BINABASA MO ANG
I Can Think Straight, But I can't.
FanficA straight girl who happens to be indenial towards her feelings with his boyfriend's bestfriend.