CH 42

1.1K 15 10
                                    

There is always a light in every darkness...
------------------------------------

Rainielle POV

"A..ahhh. Ken...sley," lalapitan ko sana siya ng umiling siya. Lalo akong napaiyak. Kung hindi nila ako iniligtas, hindi mangyayari sakanya ito.

Inilapit siya ni Sean sa akin at agad na bumalik ito Sean sa tabi ni Elora at nakipagbarilan muli.

Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil pakiramdam ko naubusan ako ng boses. Sobrang sakit na makita ko siyang nahihirapan dahil sa akin. Lalo lamang akong nasasaktan dahil nasasaktan siya dahil sa akin.

"Cal..Calvin, do you hear me?" narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa tainga niya na may nakakabit na earpods. Kinuha ko ito mula sa tainga niya.

Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ni Calvin. Hanggang sa marinig kong may sumagot sa linya.

"He..hello? Pasensya na katatapos ko lang bendahan ang sugat ni Calvin," sabi nito na tila ba hingal na hingal.

"Kio? Ikaw ba yan?" tanong ko sa kabilang linya.

"Rain? Thanks God at ligtas ka. Si CK? Okay lang ba kayo? Nagpatawag na kami ng back-up at papunta na sila rito," sabi ni Kio. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Lalong bumuhos ang luha ko. Makakaalis na kami sa lugar na iyon.

"Thank you! Thank you!" sabi ko na lang at muling tumingin kay Kensley na nakangiti na rin. Pinisil niya ang kamay ko at dahil sa ginawa niyang yun ay lalong tumulo ang luha ko.

"Tara na! Sa likod tayo dadaanan, dahil masyadong mataas ang pader sa harapan," narinig kong sabi ni Sean at nagulat ako nang bigla niyang buhatin si Kensley na parang wala lang ito sakanya.

Grabe, sa pagkabigla ko parang pati luha ko ay tumigil. Ganito pala kalakas si Sean at parang hindi man lang napagod sa pakikipaglaban. Kakaiba.

"Let's go." Kinuha ni Elora ang dalawang bag na may laman ng folder, gamot, at pera. Agad namin isinukbit ang bag at sinundan na sila Sean. Pareho kaming may hawak na baril ni Elora. Sa sobrang bilis ng pangyayari at bilis nang mga lakad namin, ramdam kong may tumusok sa paanan ko pero wala na akong pagkakataon para tingnan pa ito. Hindi ko na alintana ang mga sugat ko sa paa. Mamatay kami kung iisipin pa nila ako. Sa may bandang kusina kami dumaan. Nagkalat ang mga tauhan ng mga montecilla na ngayon ay wala ng buhay.

Patuloy pa rin kami sa pagtakbo nang naramdaman ko na may tumusok pang muli sa paa ko kahit na may suot akong sapatos, pero hindi ako huminto, ayokong huminto dahil baka lalo kaming hindi makalabas.

"Sandali," sabi ni Sean at sabay-sabay kaming napahinto. Nakarating kami sa may likuran ng building. Mukhang dito sila dumaan dahil merong bakas ng hindi kalakihang butas sa may pintuan.

"Oh my God! Rain, you're bleeding, shit! Are you okay?" sabi ni Elora na nakatingin sa may paanan ko.

Napatingin din si Kensley at bakas sa mukha nito ang pag-aalala pero umiling lang ako sakanya at lumingon kay Elora na ngayon ay alalang-alala na.

"Don't worry. Malayo sa bituka. Wag mo ng alalahanin ang importante ay makalabas tayo rito," sabi ko kay Elora at bahagyang pinisil ang kamay nito. Sumenyas muli si Sean at agad kaming sumunod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Can Think Straight, But I can't.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon