"I seem to be torn between 'I wish we'd met earlier' and 'I wish we'd never met'."
-------------------------------------------------------
After kumain. Lahat kami lumabas para pumunta sa may garden , kung saan ako madalas tumambay kapag madami akong iniisip.
"Anong trip niyo?" Diretso kong tanong sakanila. Akmang sabay-sabay na naman silang magsasalita ng itinaas ko ang kamay ko. Naiistress ako sa sabayang pagbigkas nila. Nakakainit ng ulo eh.
"You go first Elora" Kita niyo na! Stress ako, english yun eh!.
"Okay, first, I want to apologize for coming here without informing you, I just want to surprise you, and I'm dead serious about courting you. Gusto kita Rainielle, since the bathroom incident"
"Anong bathroom incident ang pinagsasasabi mo ha!" Pagalit na sabi ni CK, di ko maiwasan mapangiti, yung istura niya kasi parang jowa na nag-gagalaiti eh.
"Manahimik ka diyan, hindi ikaw ang kausap ko! Pagbasag ko sakanya. Napailing na lang siya eh. Yan! Matuto kang makinig. Hmp!
"Elora, baka naman masyado ka lang natutuwa sakin? Kaya akala mo gusto mo ako? Ayaw mo ba munang pakiramdam ang sarili mo? Kayong lahat, pakiramdaman niyo muna yung totoong damdamin ninyo" Tiningnan ko sila isa-isa. Seryoso din naman ako sa mga bagay bagay, pero sa ganito, hindi ito biro, pwede akong makasakit or mas worst eh masaktan ako.
"I am more than 101 percent sure about this Dear, I'm not here just to play around, and since that incident hindi ka na nawala sa isip ko. You're cute face while looking for some wipes or tissue, you're red face when you blush. Just give me a chance, please?" Nakipagtitigan siya sakin. Wala ako maisagot kaya umiwas ako ng tingin sakanya.
"Ikaw Ella?Bakit ka andito?" Paano ko ba mahahanap ang sagot.
"Same with Elora, gusto kitang ligawan. I'm not good at this, I know, but I am also sure, remember what I told you dun sa party ni Cadence? Then you said that you're straight but if there is someone who will brave enough to destroy your walls, remember? Crush na kita noon pa man, bukod kasi sa maganda ka, iba ka din sa mga babaeng nakikilala ko. Totoo ka kasi"
"Akala ko ba ako ang gusto mo huh Ella?" Sabat na naman ni Kensley, di ba talaga siya tatahimik? Di naman siya ang kausap!
"Yun na nga Kensley, akala ko malilipat sayo yung pagkagusto ko kay Rain, pero hindi pa din pala. When I get the chance to talk to her, yung puso ko, grabe iba! Alam ko Rain na napansin mo din na nabadtrip ako nung hinatid kita dito sa inyo, dahil nakita kong may bisita ka, nakaramdam ako nun ng inis at konting selos" Kaya pala siya malungkot nun. Tipid akong ngumiti. Hay hirap maging maganda, promise! Joke!
"ANO! hinatid mo siya! Kailan yan! Ella naman bakit ikaw pa ang magiging karibal ko! So ginagamit mo lang palang dahilan yung paglapit-lapit mo sa akin? At ang totoo niyan si Rain talaga ang gusto mo noon pa?" Ang ingay talaga niya!
"Yes! I'm sorry, crush ko na si Rain first year palang kaya lang, mailap siya ang mukhang masungit kaya di ako makahanap ng tyempo, sakto din naman na nakilala kita. I admit naging crush kita, pero kalaunan, mas napatunayan kong iba yung pagkagusto ko kay Rain, sa pagkagusto ko sayo" Napasulyap siya sa akin. Para akong nabingi dahil sa mga isinisiwalat nito patungkol sa feelings niya sa akin.
BINABASA MO ANG
I Can Think Straight, But I can't.
FanfictionA straight girl who happens to be indenial towards her feelings with his boyfriend's bestfriend.