Chapter 1

3.1K 106 1
                                    

Francis

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko alam kung saan ang bahay ni Mrs. Aguila dito. Kailangan kong ipasa ang project ko. Hindi ko kasi natapos kahapon kaya hindi ko muna pinasa at sinabing naiwan ko.

Punyemas naman kasing Rutherford's atomic model na yan! Sino ba yang Rutherford na yan nang maitumba ko na? Pahirap sa buhay ng mga estudyante. Gagawa-gawa ng model tapos pati kami idadamay. MAY MGA SARILI KAMING PROBLEMA! WAG NIYO NANG DAGDAGAN!

Ilang minuto lang din naman ang lumipas at naipasa ko ang project ko. Nakakaloka, ang hirap hanapin ng bahay ni teacher mo Aguila. Isipin mo, nasa underground ang bahay? Nakakatakot kung sakaling magkaroon ng lindol, however, hindi siya kajoin sa story ng buhay ko. 'Wag niyo nalang pansinin.

"Hm, look who's here."

Mataman kong tiningnan si Rhian. Kahit kailan ang bully talaga nito. Akala mo kung hindi nakatira sa basement, pwe! Nilampasan ko lang siya pero ang kapal nga talaga ng kalyo nito sa paa, hinila ba naman ang buhok ko? How dare she? Sa gigil ko ay hinila ko ang turtle neck nito, ibabalibag ko na sana siya sa pader pero naalala kong bakla pala ako. Wala akong lakas. I'm so weak! Char! Arte lang. 

Mabuti nalang at dumating ang mama nitong si Mrs. Aguila. Kitang-kita nito ang pagkakasakal ko sa leeg ng anak niya. Mabilis siya lumapit at ako ang binalibag. Ang sakit ng balakang ko, shuta.

Tumayo nalang ako at rumampang umalis sa insidente. Ang mga puki ng inang mga chismosa nilang kapitbahay may hawak ng mga cellphone. Feeling ko magiging artista ako. Feeling ko sisikat ako sa facebook bukas.

Habang naglalakad pauwi ay hindi ko maiwasang isipin kung anong kahihinatnan ng buhay ko kinabukasan. Tiyak na magva-viral ako dahil sa pagkuha ng video ng mga shutanginang kapitbahay nina Mrs. Aguila.


Naglalakad na ako pauwi sa bahay pero O.A. akong napasigaw dahil sa pagharang sa akin ng lalaking napakatangkad at napakaputi ng kutis. Tinitigan ko ang makinis nitong mukha. Pota, clear skin. Sana all!

"I found you." Ngumiti ito pero agad ring naglaho nang dumaan ang malakas na ihip ng hangin. Kulang nalang liparin ang panty na suot ko sa sobrang lakas. Shutangina, ano yun multo?

Mabilis akong tumakbo pauwi. Shutangines, minumulto ako? Anong ginawa kong mistake?????

The Elemental Warriors (BLxFantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon