Chapter 8

1.2K 63 1
                                    

Francis

Isang mahiwagang mundo ang pinasok ko. Pero sa kabila ng ganda nito ay nagtatago ang panganib na maaaring kumitil sa buhay ko. Binalaan na ako ni Antonio noon pa man. My life is at risk once I start my journey.

Syempre nangatog ako sa takot. Bakla akong hindi mayaman tapos walang jowa. Ganda lang meron ako. Tapos kapangyarihan ng hangin. Aside from that, wala na.

Pero ewan ko ba, lahat ng takot na naramdaman ko nung kausap ko si Antonio ay nawala nalang bigla. Ni hindi man lang ako natatakot sa mga maaari kong harapin in the near future.

"We'll stay here for now. Aalis rin tayo kapag handa na tayong umalis." sabi ni Arvhie sakin. Narito kami sa harap ng isang maliit na bahay na kasya lang sa dalawang tao. May gate at bakod pa itong akala mo ay hindi kayang akyatin ng magnanakaw.

"Kaninong bahay 'to?" I asked. Sa totoo lang kasi ay cute ang bahay. Faded na red ang pintura; siguro ilang dekada nang hindi nare-retouch. Charot.

"Narito na pala kayo." sambit ng isang babaeng nasa-20s palang. Mahaba ang buhok niyang kulay bayolet at lagi rin siyang nakangiti. Dumagdag tuloy yun sa kagandahan niya.

Pero syempre mas maganda ako. Walang tatalo sa kagandahang taglay ko, no! Kahit si Catriona pa 'yan.

"Obvious ba?" bigla akong napatingin kay Arvhie nang sinagot niya ang babae nang pabalang. OMG, the guts of this boi?!

Given naman na magaling siya sa pakikipaglaban, no. Pero shuta kailangan bang ganyan kahapdi ang ugali niya?

"Halikayo, pasok. Maligayang pagdating, Francis." hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ni Arvhie. Nanatili pa rin siyang nakangiti at masaya pa kaming pinapasok sa bahay niya.

Nahihiya akong pumasok dahil binigyan na ako ni Arvhie ng kahihiyan. Kaya hindi rin ako makatanggi sa alok ng babae dahil baka isipin niya pareho kaming pangit ang ugali.

Well, at least ako maganda, 'di ba?

"Kumain na ba kayo?" tanong nito sa'min kahit kakapasok palang namin ng sala.

"Ahehe, okay lang. Hindi pa naman kami gutom." Ako na ang sumagot para sa'min ni Arvhie. Natatakot ako na baka sumagot nanaman siya nang walang-galang; ewan ko nalang kung anong magawa ko sa kanya.

"Ano bang pagkain mo dyan?" Tanong ng hampas-lupang hindi mahal ng Diyos ng Apoy.

"Puta ka, 'di ka na nahiya? Itigil mo nga 'yang bibig mo." mariin kong bulong sa kanya.

"Ahaha, nako! Okay lang 'yun, Francis. Sanay na'ko kay Arvhie. Besides, dapat ma-feel-at-home ka rin dahil dito ka na titira."

"Ha???"

"Hatdog." mabilis kong binatukan ang putanginang Arvhie. Hindi na nadala, punyeta.

"I mean, you'll be staying here until you're ready to start your journey."

Napalunok ako ng laway ko. Iw, kadiri. Pero anyway,

"Hindi pa naga-start ang journey ko?!"

"Of course! Hoy, Arvhie, did you brief him about this?"

The Elemental Warriors (BLxFantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon