Francis
Nagising ako sa isang madilim na lugar. Wala akong makitang iba kundi itim.
"Nagkita na tayo tagapagmana." Hinanap ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon pero dahil nga puro itim ang nasa paligid ko, bigo akong makilala ang boses.
"Sino ka?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
"Hindi na mahalaga kung sino ako Francis, ang mahalaga ay kung sino ka." Sambit nya na nagpagulo ng brain cells ko.
"Ano? Hindi kita maintindihan!" Tanong ko ulit.
Kanino ba 'tong boses na naririnig ko? Pinagtitripan niya ba ako? Ay, shunga! Panaginip lang 'to. Alam kong panaginip lang 'to.
"Hanapin mo ang tagapagmana ng apoy at magkasamang hanapin ang iba." Sabi ulit nito.
Magsasalita pa sana ako kaso naunahan nya ako.
"Hanggang dito nalang ako Francis, Iligtas nyo ang mundo."
"Uy! Teka lang naman! Paano ako aalis dito?" Tanong ko pero wala na akong narinig pa.
Naglakad nalang ako at umasang may mahanap na labasan. Nagsisigaw ako ng tulong at kung may tao ba dito pero wala talaga.
Puro itim lang ang aking nakikita. Nabubulag ang mga mata ko at nabibingi sa ugong na hatid ng katahimikan. Ano bang klaseng lugar 'to?
Bigla akong nataranta nang makita ko ang sarili kong kamay na parang unti-unting nawawala. Parang abong nililipad ng hangin. Nawawala ang katawan ko. Mamamatay na ba ako?
Mula sa kamay ay tumuloy-tuloy ito hanggang sa buong katawan ko na ang nawawala. Out of fear, I screamed the hell out of me. Lumakas nang lumakas ang sigaw ko.
I gasped as I sat on my bed. A bad dream. It was a bad dream. A nightmare.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig at uminom para mahimasmasan. Naalala ko nanaman ang panaginip ko. Anong meron sa akin at napanaginipan ko ang mga ganung bagay? May kinalaman kaya ito sa lalaking maputi? Umiling ako. Hindi. Bakit ko naman naisip 'yung psychong iyon?
Iniwaksi ko sa isipan ko ang lahat ng naranasan ko. Ibinalik ko ang pitsel sa ref at pumanhik na ulit sa kwarto.
Humiga ako sa kama at inalala ko nanaman ang panaginip ko. Baka wala lang iyon. Tama! Wala lang iyon. Tiningnan ko ang kisame at bumalik nanaman sa utak ko ang panaginip ko. Shuta, balik-balik.
'Wala nga iyon Francis!' Sabi ko sa sarili ko at natulog na. Pero napamulat ulit ako ng mata nang maalala ko ang mangyari kanina sa harap ng Jollibee. Hindi ko alam. Basta pumasok nalang bigla sa utak ko yung si Arvhie. Hindinkaya may kinalaman siya rito?
Ang sabi ng boses sa panaginip ko ay hanapin ang lalaking nagmamay-ari ng kapangyarihan ng apoy. Ang sabinni Arvhie ay holder daw siya ng fire. Hindi kaya, nakadrugs lang kami?
Like, what the hell is happening? Hindi naman siguro totoong may kapangyarihan ang lalaking 'yun? Pero paano kung totoo?
Paano kung meron din ako? 'E, 'di kaya kong ipagtanggol ang mga kagaya kong binubully ni Rhian? Wow, ang galing! Sa pag-iisip ng ganoong mga bagay ay nakatulog ako.
Kinabukasan ay agad akong bumangon. Lumabas agad ako ng kwarto at kumain ng agahan.
"Good morning, Nay, Tay." Humalik ako sa pisngi nila.
"Wow, maganda ang gising mg maganda kong prinsesa, ha?" Natutuwang pagpansin ni Tatay sa akin. Umupo ako sa upuan ko at nagsimula na kaming kumain. Gusto ko sanang ikwento sa kanila na may kapangyarihan ako. Pero hindi ko naman alam kung meron nga. Baka hindi pa sila maniwala sa akin. Isipin pang baliw ako't itapon nalang sa kalsada.
Kaya minadali ko ang pagkain ko at pumasok ulit sa kwarto. Kinuha ko ang lapis at nilapag ko sa kama ko. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Inilagay ko sa ibabaw ng lapis ang palad ko. Iniisip kong napapagalaw ko ang lapis gamit ang isip ko. Ilang minuto ko iyong ginawa pero hindi gumagana. Hindi pa rin lumulutang ang lapis. Paulit-ulit kong ginawa iyon pero wala pa ring nangyayari. Muntik na akong masiraan ng bait nang maalala ko ang sinabi ni Arvhie. Shunga, wind at weather daw ang kapangyarihang meron ako. Hindi telekinesis. Kaya pala hindi ko magawa.
Inulit ko ang ginagawa. Pero ngayon, imbes na palutangin ang lapis ay pinakiramdaman ko ang hangin. Inisip kong lumakas ang hangin sa loob ng kwarto. Unti-unti kong nararamdaman na lumalakas ang hampas ng hangin sa loob. Nang imulat ko ang mga mata ko ay tila sumasayaw sa hangin ang mga kurtina pero sarado ang salamin ng bintana. Nililipad ang mga papel, paikot-ikot sa loob ng kwarto. Inikot ko ang paningin ko. Nagulat ako nang makita ang lalaking maputing nakita ko noon. Nagliliwanag siya dahil sa kaputian.
"We've met once again, my little one." Ngumiti siya at nawala bigla. Sumama siya sa hangin. At ang lahat ng hangin sa paligid ko ay nag-sama-sama at pumasok sa katawan ko. Hindi ako makasigaw. Nanatili akong nakatulala't hindi makapagsalita.
Nang mawala ang hangin sa loob ng kwarto ay naging tahimik. Nakakabinging katahimikan. Sa isang banda, lumabas ang pigura ng lalaking iyon. "You have my power inside you. Prepare for the war, my warrior." Muli nanaman siyang sumama sa hangin at nawala.
Sa hindi ko malamang dahilan, sinubukan ko ulit ang maaari kong magawa.
Pinikit ko ang mga mata ko. Out of concentration, nagmulat ako ng mga mata. Only to find that everything in my room was flying and dancing with the wind I assume I made.
BINABASA MO ANG
The Elemental Warriors (BLxFantasy)
FantasyA new generation of peacekeepers. The succeeding youth are chosen. A group of students became the strongest elemental manipulators. The warriors. Along their adventure, the queen and king of darkness have made their move. Will they be defeated? Or...