Chapter 7

1.3K 67 3
                                    

Francis


Hindi ko rin alam kung bakit ako sumabak sa laban na 'to without knowing kung mananalo ba kami o hindi. Kanina pa kami nagtititigang tatlo pero wala kahit isa sa'min ang umaatake.

"Hoy, pano natin 'to tatalunin?" tanong ko kay Arvhie. Medyo nakakangalay na rin kasi sa paa. Ang sakit na kaya ng tuhod ko. Kanina ko pa gustong ipagpahinga kaso baka biglang umatake sa'kin yung kalaban. Sabi nga ni Antonio, don't let your guard down. Kaya kahit nakakapagod kailangan kong tiisin.

"First, we have to make an opening. Find for a blind spot and attack from there. Nakuha mo?"

"Ha?" Wait lang shuta, wala 'to sa training ko. Close combat and proper use of powers lang naman pinag-aralan ko non. Tsaka pano ako makakahanap ng blind spot e hindi naman bulag yung kalaban namin? Waley, shuta.

Hindi na muling nagsalita ang kumag at umatake nalang bigla sa kalaban. Halos hindi ko na makita ang galaw nilang dalawa sa sobrang bilis. Punyeta naman, pano ako makakasingit at makakahanap ng blind spot ng kalaban kung hindi ko sila nakikita?!

Ay ewan, hindi pa ako bihasa dito pero it's worth the try naman siguro.

Pumikit ako at nagconcentrate. I'm feeling my power surging inside my body. Once I felt the hang of it, I opened my eyes.

There, my eyesight changed. It's clearer and I can see even the smallest things kilometers away.

Hindi pa ako sanay sa ganitong paningin pero shuta wala akong choice.

"Air Slash!" I screamed as I positioned my body and sent my attack.

Mabilis na tumalon palayo si Arvhie para iwasan ang atake ko.

"Bobo ka ba? Papatayin mo'ko?"

"Shunga! Umalis ka kasi. Kita mo namang siya target ko diba?"

Isang malalim na buntong-hininga lang ang sagot nito. Aba, sinusubukan niya yata ako, ha?

"Try to make the opening. I'll assist you." He said as he makes a flaming sword. Wow, ang ganda naman ng espada niya.

"Pwede pahiram niyan?"

"No."

"Damot." Inikutan ko lang siya ng mata saka ibinalik ang tingin sa kalaban. Shet, anong opening ba sinasabi nito? Gaya ba nung ginawa niya kanina?

Tinitigan ko muna nang mabuti ang kalaban namin. I'm trying to find a clue on how strong he is on close combat. Kung right or left side attacks siya magaling. Kung anong techniques ang ginagawa niya sa pakikipagsuntukan. Pero syempre hindi ko naman malalaman 'yun unless makita't maexperience ko, 'di ba?

Hindi ko rin kasi talaga nakita ang galaw niya kanina nung nakikipaglaban si Arvhie sa kanya. Sobrang bilis kaya nila... Ay oo nga, mabilis siya gumalaw. That's one point. Hmm, ano pa ba?

"Putangina naman, anong oras mo pa 'to tatapusin? Anong petsa na, o!"

"Tumahimik ka dyan, punyeta ka. Ang ingay mo." bulyaw ko.

Now that I know na mabilis siyang gumalaw, I need to keep my speed and enhance it for defense and attack.

Mabilis akong lumipad palapit sa kalaban. When he positioned his body for combat, alam ko nang malakas siyang sumuntok at manipa.

Instead of giving him a direct hit, pinili kong sipain ang kamay niyang ginamit niya bilang depensa. Gumawa ako ng maliit pero mabilis umikot na tornado sa palad ko saka sinapak sa mukha niya. Dahil nga ginamit niya ang kamay niya bilang depensa sa sipa ko, isang kamay nalang ang nagamit niya para sa tornado ko.

The Elemental Warriors (BLxFantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon