Chapter 9

1.1K 51 0
                                    

Francis

Madaling-araw pa lang ay umalis na kami ni Arvhie. Well-equipped na rin kami at may dalang mga gamit na pwedeng makatulong sa'min on the way. Ang bait nga ni Sera, e; siya pa gumastos para sa'ming dalawa.

Kasabay ng pagsikat ng araw ay ang pagdating namin sa siyudad. Sa tantya ko ay alas-singko palang ng umaga pero marami na agad ang mga taong nag-aabang ng sasakyan sa gilid ng kalsada. Nakakaloka, feeling ko wala nang solusyon ang problema sa traffic. Sa kabila kasi ng malawak na kalsada, mas marami pa rin ang mga sasakyan kaya lagi ring puno ang mga daanan.

"We're in Manila." Sambit ni Arvhie na akala mo ay naga-update lang ng IG post niya like..."Touchdown: Manila" shuta mukha ba kaming nasa bakasyon?!

"Alam ko, bobo. Manila lang naman may pinakamalalang traffic." I said as I roll my eyes in disbelief. Hindi na lamang siya sumagot dahil alam niyang talo siya, duh?

"Ang bigat naman ng bag na 'to. Kanina pa'ko nangangalay, ha." Pagrereklamo ko.

"Yaan mo na, at least may magagamit tayo sa mga susunod na araw. Necessities din 'to." Inikutan ko nalang siya ng mga mata saka sumunod sa kanyang paglalakad.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating kami sa isang squatter's area. Sabi kasi ni Arvhie kanina ay dito namin makikita ang hinahanap namin.

Hindi pa man kami nakakapasok ay amoy ko na ang baho ng estero. Gusto kong takpan ang ilong ko pero hindi ko nalang ginawa. Naisip ko kasing baka mabugbog ako kapag ginawa ko 'yun lalo na't pinagtitinginan kami ng mga lalaking tambay na pawis na pawis sa init ng araw.

Tsaka wala naman ako karapatang magreklamo, no! Kung ako nga na makikiraan lang dito ay nababahuan, pano pa kaya silang mga nakatira rito? Narealize kong ayaw rin naman nila ng mabaho pero wala silang choice dahil hindi nila kayang tumira sa mas maayos na lugar.

Since hindi ko naman sila kayang bigyan ng bahay, respeto nalang ibibigay ko, hindi ba?

"Sino kayo?"

Suddenly, we were stopped by a group of men. Hindi ako judgemental pero need ko ata talaga silang ijudge for description, lol. Tingin ko ay sila ang mga sigang tambay ng lugar na 'to. Base na rin sa mga balbas at bigote nila, isama mo pa yung malalaki nilang braso't katawan na parang ready mandurog ng tao anytime.

"We're looking for Cedrick. Alam niyo ba kung saan namin siya mahahanap?" infairness naman sa lalaking 'to, malakas ang loob magtanong sa mga sigang kaharap namin ngayon.

Nagulat nalang ako nang biglang tumawa ang nagsisilbing leader nila. Sumunod na ring tumawa ang mga kasama niya.

"HAHAHAHAHA si Cedrick ba kamo...?" tanong nito saka hinigit sa kumpol ng mga alagad niya ang isang lalaking medyo matangkad at maputi. Kung ijajudge ko rin siya, feeling ko pareho kaming sirena.

"O, inyo na 'tong punyetang 'to." sabi ng leader ng gangsta saka tinulak sa'min si Cedrick. Ako naman 'tong feeling social worker, to the rescue agad. Mabilis ko siyang itinago sa likod ko.

"Thanks." akmang tatalikod na si Arvhie nang biglang magsalita nanaman ang leader na gangsta.


"Oy, Totoy. Ano? Ganon lang kadali 'yun? Asan bayad niyo? Hindi pwedeng wala kaming makuha mula sainyo. Mahal ang maintenance ng baklang 'yan. Tignan niyo nga, o! Ang puti-puti. Alagang Kojic yan." sabi nito nang buong pagmamalaki kahit wala namang ka-proud-proud sa sinabi niya.

The Elemental Warriors (BLxFantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon