Chapter 3

1.6K 89 2
                                    

Francis

"How dare you to go to school today?" Bungad ng impaktang si Rhian pagkadating ko sa room namin. Bakit? Bawal ba akong pumasok dito? Wala namang sign na nakalagay na bawal ako dito sa loob, ha?

"Sa'yo to, sa'yo to?" Kung siguro kaya nitong bullyhin ang ibang estudyante, ay nako, ibahin niya ako. Hindi ako maaapektuhan ng ugali niya. Kahit pa teacher ang mama niya, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang sa basement sila nakatira.

"Of course! Sakaling hindi mo alam, ako lang naman ang mapapangasawa ni Gulliver."

Gulliver? As in yung anak ng may-ari ng school namin? Yuck, as if namang papatol yun sa bangus????

"You know Gulliver? Of course you don't. Haha, ang bobo ko talaga. Well, siya lang naman ang nag-iisang anak ni Mr. Bowler." Pagtataray pa nito sakin.

Alam ko.

"Sml?" Tinalikuran ko siya. Pesteng bangus 'to. Bahala ka dyan lumangoy, bwisit ka.

"Aba, potangina, kinakausap pa kita!" Mabilis ako nitong hinigit, pero napatigil agad ang basa nitong bibig sa pagmumura dahil sa mga kaklase naming nakapalibot sa amin. Kapwa nakatutok ang mga cellphone na may ilaw pa sa likod, tila kinukuhanan ng video ang kada eksenang natutunghayan ng kanilang mga mata.

"H-hoy, itigil niyo yan!" Sumigaw ang clownfish. Ayaw magpaawat ng mga butite at patuloy pa ring nakatutok ang mga cellphone sa aming dalawa.

"I told you to stop it!"

"No, bitch. Ikaw ang dapat tumigil dito." Korak! Stop bullying every student you see, how pitiful.

"W-what? Who are you to..."

"'Wag niyo namang inaaway si Rhian. Wala naman siyang ginawang tama, ha?" Pag-awat pa ng isa. Potangina din nito, e. Akala ko kumakampi na sa bully na si Rhian. Aawayin rin naman pala.

"Stop bullying, Rhian. Hindi ka maganda, hindi ka matalino, hindi ka mayaman. Anong karapatan mong mambully?" Napatingin ako kay Angela. Wao, ganito sila kagalit kay Rhian?

"Sino nagsabing hindi ako mayaman? Hoy, nakatira ako sa palasyo na hinding-hindi niyo kailanman maaapakan!"

"Oh? Akala ko sa basement lang kayo nakatira?"

"Alam namin ang lahat ng tungkol sa'yo, Rhian. Please lang, tumigil ka na."

Humawak sa ulo niya ang gaga. Sumigaw ito nang nasasaktan. Wao, best actress ang tulingan mo. Akala mo talaga kakagat kami sa pakulo niya, pakyu siya!

Kinuha ko ang buhok nito saka sapilitan itong pinatayo. "Tama na ang acting, bangus. Tapos na ang career mo sa pagiging kontrabida ng buhay ko."

"What is going on here?" Napabitaw agad ako ng kamay sa bangus na kaharap ko.

"M-ma, pinagkakaisahan nila ako. Inaaway nila ako. M-ma, mga bully sila." Tumatangis na sumbong ng isda sa mama niya. Kung hindi ang talaga teacher ang mama nito, o kung wala dito ang mama niya, kanina ko pa to ginilitan ng dila. Ang daldal! May isda bang matabil?

Galit na galit ang mukha ni Mrs. Aguila. Pero awang-awa ang mga mata nito habang nakatitig sa anak. Grabe, ang galing umarte ng anak, ang daling mauto ng nanay. Perfect combination!

"All of you, to the guidance office, now!"

----

"Teka lang naman, suspension? Hindi pwede yan, sir." Hindi ko magawang maibuka ang bibig ko upang ipagtanggol ang sarili.

"Sir, nakita niyo naman po sa video, ang anak niya ang nauna. Inaway niya ang anak ko." Buong tapang na pag-sagot ni nanay a principal. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang sumagot at magbigay ng rason sa kanila. Dahil ba sa alam kong nasa mali akong panig?

"Ma'am, pinagtulungan po ng mga estudyante ang bata. Hindi po tinotolerate yan dito sa school."

"Ang pambubully niya, okay lang?" Hinigpitan ko ang pagkapit ko sa braso ni nanay nang mapansin kong magdadalhin pa siya. Kahit naman anong gawin naming rason ay hindi kami uubra.

Ano man ang rason namin, kahit gaano iyon ka-valid sa pananaw namin ay hindi pa rin magiging katanggap-tanggap sa opinyon ng eskwelahan. Hinahangaang guro ang nanay ni Rhian. Kaya hindi kaya ng paaralang ito na mawala ang nag-iisang matinong guro sa kanila. Unfair na kung unfair. Pero mas pipiliin nila ang side ng mag-ina kesa sa aming nasa tama.

Sabay kaming umalis ni nanay sa eskwelahan. Isang buwan. Isang buwan ang binigay sa akin para sa suspension. Ganoon kahaba para sa pambubully ng Rhian na 'yun sakin.

"Hm, seems like nasa akin ang kapalaran?" Lumabas din sina Rhian at ang kanyang inang si Mrs. Aguila.

Imbes na sumagot ay hinila ko nalang si nanay paalis. Wala naman kaming magagawa. Kung sakaling sasagot at papatol kami, baka madagdagan pa ang parusa ko.

---

"Hindi pa rin kasi tama ang ginawa ng Rhian na 'yun, anak." Kasalukuyan kaming kumakain sa jollibee nang buksan nanaman ni nanay ang topic na 'yan.

"Sinong umaway sa maganda kong anak?" Napangiti ako nang makita ko si tatay. Kahit bakla ako, super pa rin siya sa pagsupport sa kagandahan ko. Kaya mas paborito ko siya kesa kay nanay. Charot!

"Yan kasing anak mo, inaway nung anak ni Aguila, yung ex mong balahura." Natawa ako sa sinabi ni nanay. Umupo si tatay sa tabi ko, humalik ako sa pisngi nito at nagpatuloy sa pagkain.

"Ex ka dyan, teka lang. Order lang akong pagkain ko." Umalis ulit si tatay at pumunta sa counter para bumili ng makakain.

Totoo naman kasing ex ni tatay si Mrs. Aguila. Ni-break-an niya ang babaitang gurong iyon dahil iba raw ang ugali. Hindi daw yung tulad ng ugali na meron si nanay. Huwaw, naipagkumpara pa, 'di ba? Pero at least, lamang ang nanay ko kesa sa 'edukada' raw na babaeng 'yun.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako't tumungo sa comfort room ng mga lalaki. Tumungo ako sa sink para sana maghugas ng kamay nang mapansin ko sa salamin ang isang lalaking nakatitig lang sa akin. Nakatayo lang siya't nakapako ang mga mata sa'kin.

Nag-iwas siya ng tingin at kunwari'y umihi. Pinagsawalang bahala ko lang iyon at nagpatuloy na sa paghugas ng kamay.

Nang palabas na ako ng pinto ay bigla ako nitong hinawakan sa braso. Napaharap ako sa kanya. Hindi dahil sa gulat. Kundi dahil umihi siya at hinawakan niya ako. Ibig sabihin, pinaghawak niya pa iyon sa ano niya bago hinawak sa akin. OMG!

"Meet me outside. In five minutes." Binitawan niya ako't lumabas ng cr. Wait, ganon nalang iyon? Lumapit ulit ako sa sink at hinugasan ang braso kong hinawakan niya.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka pinagtitripan lang ako. Pero ewan ko ba. Bigla lang akong lumabas ng cr at patakbong lumabas ng jollibee. Narinig ko pang tinawag ako nina nanay pero hindi ko na nagawang magpaalam.

Pagkalabas ko ay makita ko siyang nakatayo lang sa gilid.

"Ang tagal mo," lumapit siya at inilahad ang kamay niya sa akin. "I'm Arvhie, the holder of fire. Nice to meet you, Francis, the prince of wind and weather." Ngumiti siya sa akin. Hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya. Anong prince pinagsasasabi nito? Anong weather? Ha?

"Anak, sinong kausap mo?" Agad kong nilingon sina nanay at tatay.. Naisip kong ipakilala sa kanila si Arvhie.

"Nay, tay, si Arvhie po pala." Binalikan ko ng tingin si Arvhie. Pero wala na siya sa harap ko. Nawala siya. Nawala. Wait, what?

"Sinong Arvhie?"

The Elemental Warriors (BLxFantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon