Chapter 5

1.3K 70 3
                                    

Francis

"You know what? Hindi ka na dapat pumunta dito. After ng suspension mo, wala ka ng karapatang bumalik pa dito." Paunang salitang narinig ko mula kay Rhian.

Isang buwan na ang nakalipas. Hindi pa rin ako makamove-on sa pamamaligtad ng sitwasyon ng babaeng 'to. Pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil ako lang ulit ang mapapahamak.

Pero bakit nga pala ako mapapahamak? I have powers now. Ay, oo nga pala. Hindi ko iyon pwedeng gamitin sa kasamaan. Kailangan kong iligtas ang mga taong inaapi. Pero hindi ko iyon pwedeng gamitin laban sa babaeng 'to dahil wala pa namang ginagawang masama sa ngayon.

Umupo ako sa upuan ko't nanahimik. Natapos ang araw namin nang hindi ako nakikipag-usap kahit kanino. Lalabas na sana ako pero ang mahaderang tilapia ay humarang sa pinto. Ang galing nga naman. Pinipilit kong hindi siya makasagupa ngayon pero pinipilit niya rin yata akong banggain.

"Uuwi ka na ba? Hangout muna tayo."

Ngumiti lang ako sa kanya at nilampasan siya. Hindi naman ata maatim ng gaga ang ginawa ko kaya hinila niya ang braso ko't sumigaw.

"Aba, talagang napakapangit ng ugali mo! Sabing 'wag ako tatalikuran, e!"

Umuusok na ang ilong niya sa galit. Aba, aba, talagang sinusubukan ako ng tilapiang 'to, ha?

Sasabunutan ko na sana siya nang maalala ko na baka tuluyan na akong madrop-out sa school. Sayang naman ng pagod ko kung ganon.

"Alam mo, Rhian, ang mga katulad mong ubod ng ganda ay hindi dapat sumasama sa akin. Dapat yung friends mo ang isama mo. Tutal pare-parehas kayong maganda." Magandang sabunutan, mga haliparot!

Tila naman nagulat siya sa tinuran ko. Para siyang tipaklong sa itsura niya ngayon, my God!

"OMG, you've changed. Ganito siguro ang nagagawa ng suspension sa mga mahaderang frogs. You've gotten better. You have good eyes!" Kinuha niya ang salamin sa bag niya at tiningnan ang mukha niya doon. Lihim akong napaikot ng mata, anong klaseng ganda meron ka? Kahit sa barangay beauty pageant 'di ka papasa.

I answered her with a wide smile.

"If you'll excuse me, Ms. Aguila, I'm leaving." Tinalikuran ko na siya.




Sa loob ng isang buwan, hindi ko sinabi kina nanay ang tungkol sa kapangyarihan ko. Sabi kasi nung maputing lalaki na Antonio daw ang pangalan na God of Air at Lightning ay hindi pwedeng malaman ng mga mortal na tao na nag-eexist kami.

Wala naman ako choice kasi sinabihan niya akong papatayin ako ng mga tao dahil threat daw ako sa buhay nila. Like, sis? I don't give a damn. Pakialam ko sainyo? Wala naman kayong bilang sa buhay ko.

Tinuruan ako ng God daw kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko. Everynight, sa panaginip ko, dinadala niya ang kaluluwa ko sa ibang dimensyon at doon tinuturuang magsanay. Maganda raw doon magpractice kasi iba ang takbo ng oras. Mas mabilis daw doon at mabagal sa totoong mundo.

Sa loob ng isang buwan ay natuto akong gamitin ang kapangyarihan ko. Natuto akong kontrolin ang hangin na kapangyarihang binigay sa akin. Pero may mga pagkakataon pa rin na hindi ko nagagawa nang maayos dahil sa pagod. Nakakaloka, kahit ilang beses akong tumakbo sa pakikipaghabulan kay Rhian ay hindi ako mapapagod. Pero ilang minuto ko palang pinapaikot-ikot ang maliit na tornado sa harap ko ay para na akong mamamatay. Sis, I can't. Pwede bang sumuko?

Pwede bang umayaw?

Buti nalang mabait ang Diyos na kasama ko sa pag-eensayo. Pag napapansin niyang napapagod na ako ay pagpapahingahin ako saglit. Kaya minsan kahit hindi pa ako pagod ay dinadaya ko. Pero ang angas ng kapangyarihan niya mga te! Kaya niyang malaman kung totoong pagod ako o nag-iinarte lang. Tinanong ko siya kung paano pero ayaw sabihin. Ang damot, akala mo naman kina-cute niya. Pero infairness, cute naman talaga siya. Crush ko nga, e. Kaso inaway ako. Bawal daw 'yun sa lugar namin. Grr, nakakagigil, edi wala ako choice. Uncrush ka sakin. Hmp!

"AAAAAAHCK!" napayuko ako dahil sa ipo-ipong binato niya sa akin.

"I told you to not let your guard down. You might get killed even before the beginning of the war."

Ayan, kaya ako natatakot, e.

Palagi akong tinatakot na mamamatay ako kahit hindi pa naman nagsisimula ang giyera. Bakit? Sino ba nagsabi sainyo na ako ang kunin niyo? Kung mamamatay ako gusto ko sa katandaan, hindi sa giyera! Grr!

Ilang beses na akong umayaw pero palagi niya lang ako pinahihirapan. Ayaw niya rin akong dalhin pabalik sa totoong mundo kaya wala akong magawa.

Sinubukan ko na ring wag matulog para di ako makapasok sa ibang dimensyon pero palagi lang siya nagpapakita sakin tapos nawawalan ako ng malay bigla. Nagugulat nalang ako magkaharap na ulit kami sa dimensyong pinageensayuhan namin. Nakakainis talaga. Wala ba talaga ako choice?

"None, and I didn't choose you. Your power does, and the supreme God. Do not ever disappoint us. We believe in you. You are our only hope."

Bigla nalang siyang nawala sa harap ko. So ngayon, ano na gagawin ko sa lugar na 'to?

Ilang oras ang sinayang ko sa pagupo sa damuhan na walang ibang ginagawa kundi ang mag-isip ng pagsuko. Pero naisip ko, bakit ako susuko? Pinanganak ba ako para sumuko?

Si Rhian nga di ko sunukuan, ito pa kaya?

Pagkatapos non ay tumayo ako at nagensayo. Kapag napapagod ako ay nagpapahinga lang ako saglit tapos laban ulit.

I am in a maze with a lot of turns and only one way out. I can turn to a dead end, but I can always go back and find the right track. This is gonna be hard, but I swear to God I can do this. We can.

Taray, english!

The Elemental Warriors (BLxFantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon