Chapter 22 [Weird]

5.4K 60 5
                                    

Chapter 22

[Weird]

"Kuya,babye alis na ko!" 

Nagmamadali na ko, quarter to 6 na, eh ang assembly time kasi is 6:00AM, mahirap na baka maiwanan ako ng bus.

"Sige, sige mag-iingat yung baon mo andyan na?"-Kuya Sean

"Opo,babye.."

Pagkarating sa school.

Yung mga classmates ko nasa classroom.

Anlalaki ng mga bag nila. HAHA.

Wala na yata silang balak umuwi ng bahay.

Samantalang ako eh katamtaman lang ang backpack na dala.

Nakita ko si bestfriend. Nakaupo siya sa armchair, sa may dulo at nakayupyop ang ulo sa armrest.

"Psst! Uy! Bestfriend!" kinalabit ko si bestfriend.

"Hmmm.."

"Kanina ka pa? Parang napuyat ka pa yata." tanong ko kay bestfriend.

Yung itsura niya kasi, parang antok na antok.

"Medyo. Di kasi ako nakatulog eh. Excited ako sa field trip."

"Excited? Eh lake lang naman yung pupuntahan natin. Naexcite ka pa.HAHA."

Haha.kakatawa toh si bestfriend, Lake lang yung pupuntahan namin. 7 lakes kung tawagin nila, pito raw kasi yun, HAHA.

Malamang 7 nga eh diba? 

Sa may Laguna ang aming destination. Ang mahal nga ng bayad, pero required kasing lahat sumama, one of the requirement sa science, tsaka plus daw sa ibang subject. 

Naku! Kung di lang dahil doon, eh baka hindi rin ako sasama.

Buti sana kung Starcity o Enchanted Kingdom manlang, eh game na game ako pag ganun. :)

"Oh sige, umidlip ka muna.. Gigisingin na lang kita."

"Sige."

Natulog na nga si bestfriend, naupo ako sa may tabi niya atsaka ko nilagay yung earphone ko sa tenga ko at nakinig ng music.

Simple Crush that Turns to Love-- w/ Special Chapters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon