Hi, thank you for waiting :) I hope you enjoy this chapter. Sana makapaghintay ka pa ulit for the next update :*
SCTL Special Chapter: Not My Ideal Type of Guy
Rich, Smart and off course Handsome..
That's the three best characteristic of Carina Martinez's ideal boyfriend.
He's rich, he's smart, but a big NO for HANDSOME!How could it happen that she picked the wrong guy this time?
Why is it the world turn upside down for Rina?
---SCTL Special Chapter: Not My Ideal Type of Guy (1)
[Carina's POV]
I'm the bitch, the sexy gorgeous, classy thing found in this universe. How could I say so? Well, I simply get all the boys I want by simply smiling at them. Ewan ko ba kung bakit ang dali dali ko silang nakukuha. Well, iba na talaga kapag maganda. Minsan namimisinterpret nila yung actions ko. Akala nila maarte at malandi ako. That's true haha.
Before, hindi naman ako maarte at malandi. Simple lang akong babae before. Nagbago lang yun simula nung binubully ako ng playmate kong si Yuriel. Kababata ko si Yuriel. Okay cliche right? Para ikwento ko sa inyo siya lang ang nag-iisang tao na malakas mambully sa akin. Mataba kasi ako nung bata, sobrang lakas ko kasi kumain. Pati nga yung baon ng classmate ko ay kinukuha ko din. Kaya hayun kapag tuwing nakikita ako ni Yuriel tinatawanan niya lang ako.
Sa sobrang depressed at disappointment ko sa kanya. Doon na ko nagsimulang magdiet at magbawas ng taba nang hindi niya na ko mabully.
Akala niya siguro, palalampasin ko yung pambubully niya ha. I might get him eat his words. Tignan niyo nga ngayon lahat sila nagkakagusto na sa akin kasi bukod sa pagiging maganda ko. Eh sexy na ko.. Kaya nga lahat sila ay nakukuha ko. Except Alfred. Maybe he's not really for me. Doon ko narealize na hindi ko pala siya ganoon kadaling makuha. Nung naging kami akala ko type na type niya na ko. Yun pala hindi, he discovered the real Rina.
Ano ba kasing magagawa ko if I could easily change my attitude once na makuha ko sila. Pakiramdam ko kasi kapag nakuha ko sila ay madali kong mapapaikot ang relasyon namin as boyfriends and girlfriends. Kaya siguro sa mga naging past boyfriends ko hindi nila ako natatagalan. Masyado kasing tumaas ang ambisyon ko simula noong makuha ko silang lahat. Hindi na ko tumitingin sa simple lang, once na may makita akong new handsome victim may pakiramdam ako na dapat gumawa agad ako ng action para makuha ko iyon. Well, you think I'm a bitch?
So whatever you might think bahala kayo. I'm just too happy on what I'm doing wag niyo na lang akong pakialaman. Alam ko namang galit na galit kayo sa akin sa simula pa lang ng kwento na ito. Palibhasa kasi hindi niyo alam kung ano ang pinagdadadaanan ko sa buhay.
Simula bata pa lang kasi, my parents keep on comparing me to my sister Carmela. They always do a favor for her. Since were kids, siya na lagi ang paborito ni mommy dahil mas maganda siya sa akin. Mapayat kasi siya, katamtaman ang katawan. Eh ako mataba ako noon. My mom always buy her new clothes, shoes, and even toys like stuffed toys and barbie. Ni hindi siya nanghihinayang na bilhan si Carmela. Samantalang, kapag ako ang nagpapabili minsan hindi pa nabibili. Kapag si Carmela magsabi lang siya kay mommy ay bibilhin na agad. Pakiramdam ko tuloy ay hindi niya ko anak. Sometimes, nagsusumbong naman ako kay daddy but he keeps on telling me 'Hayaan mo na lang yung sister mo, mas bata naman sayo iyon. Pagbigyan mo na'. What the hell.. Hello anak niyo rin ako, gusto ko sanang iremind sa kanila. Kaya lang I think their mind set was always with Carmela.
BINABASA MO ANG
Simple Crush that Turns to Love-- w/ Special Chapters ✔
Teen Fiction"When I met you, I've learned to believe in magic and real fairytales." Have you ever experienced to have a crush on someone and suddenly you discover yourself that you are loving him everytime when he's around. This is a story of a typical highscho...