SCTL Special Chapter: Not My Ideal Type of Guy (5)

2.3K 46 8
                                    


SCTL Special Chapter: Not My Ideal Type of Guy (5)


[Carina's POV]

Andito ako ngayon sa tapat ng unit ni Yuriel. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong pumunta sa unit niya. Gusto ko din sana kasing simulan yung pag-amin ko. Sabi nga ni Monique. He's one of a kind, wag ko na daw pakawalan.
I don't know if her idea is good. Hindi kasi ako sanay ng ganito. Kapag kasi nagkakagusto ako sa isang lalaki. Kapag sinabi niyang gusto niya ako at kung pasok din naman siya sa standards ko. Hindi ko na pinapatagal pa iyon. Kami na agad. Pero kasi ngayon parang ang hirap lang ng sitwasyon na to.

Kung tutuusin pasok naman si Yuriel sa standards ko kaya lang ang panget niya kasi ang baduy pa ng pormahan niya. Anyway, whatever it is. Since, andito na rin naman ako bakit hindi ko pa ituloy yung plano. Saka na lang siguro ako magdadoubt ulit.

Nagdala rin ako ng breakfast for two. Since maaga pa naman. I'm sure hindi pa siya nagbebreakfast. Hindi naman halatang prepared ako no?

Inayos ko muna yung sarili ko bago ako pumindot sa doorbell ng unit niya. I'm just wearing a pink summer dress that fits on my body. Ang sexy ko talaga.hihi

I pressed the doorbell of his unit. Maya maya lang binuksan niya naman agad ang pintuan.

Ohmygosh! Lumabas kasi siya ng nakatopless lang as in wala siyang pantaas. I stare at his body. He's like a perfect sculpted man. From his broad shoulders, to his chest, going down there. OMO. bakit mayroon siyang six pack abs. Eventhough, he has almost perfect built hindi pa rin nakatakas sa paningin ko yung tahi sa left chest niya. It's like he was hit by a bullet.

"Are you done?" natauhan naman ako ng mapuna niya ang kanina ko pang pagsuri sa katawan niya.

Nagkunwari na lamang ako na parang wala lang. "Done what?"

"I mean tapos ka na bang tignan yung katawan ko? Nabusog ka ba?" Argg. Nagsisimula na naman ang mahangin na si Yuriel.

"Ano? Hindi ko kaya tinitignan yang katawan mo. For your information madami na akong nakita na mas maganda pa diyan sa katawan mo no. Wag kang feelingero." pero sa magazine lang. haha. Ngayon pa lang ako nakakita ng live.

"Whatever. Anyway, what makes you here? Ang aga pa para sa driving session mo ah."

Itinaas ko naman yung paper bag na may lamang breakfast.

"I want to share breakfast with you." mataray ko pang sabi sa kanya. Okay na sana eh, good mood na ko kanina kaya lang ang aga aga pinangunahan niya na naman ako ng pagiging mahangin niya.

"Wow sweetheart. Nag-iba na yata ihip ng hangin ngayon? You want to share breakfast with me?" nakangiti pa to ng mapang-asar.

"Oo nga. Pwede na ba ako tumuloy?" kunot noo ko pang tanong.

"Ay oo nga pala. Sige tumuloy ka na."

Nagbihis na siya ng pantaas niya at inayos niya naman yung breakfast namin. Habang ako nag-ikot ikot sa unit niya. Sa may sala may nakita akong album. Kinuha ko iyon at binuksan. It contains a baby girl picture. Pero parang kamukha yata ni Yuriel?

May kuha kasi doon na nakabestida yung bata at may ribbon pa sa buhok. Tinitignan ko pa isa isa when Yuriel grab the album from my hand.

"Ano ba?"

"Wag mo ng tignan iyan." hinagis niya pa yung album doon sa room niya.

"Teka lang tinitignan ko pa eh, bat mo kinuha? Sino ba yun? Bat parang kamukha mo?"

"Wala, let's just eat."

Pumunta naman kami sa may table para kumain. Hindi ko pa rin siya tinigilan ng katatanong hangga't hindi niya sinasabi sa akin kung sino iyon.

"Fine that's me." he surrender.

"Ohmygosh! ang cute. Pero teka bakit ka nakadress? Hahaha." hindi ko maiwasang matawa. Sorry naman. Nakakatawa eh. Ang cute niya kaya sa picture.

"Si Mommy kasi binibihisan ako lagi ng pambabae nung bata ako. Gusto niya kasi ng babaeng anak. Kaya lang, wala siyang magagawa. I was a male."

"Mabuti naman hindi ka natuluyan." pinaghila niya pa ako ng upuan bago ako maupo.

"Thanks."

Siya naman pumunta sa kabilang side ng table.

"Kung natuluyan ako hindi ako magkakagusto sayo."

Ano raw? Kakainis bat ba siya bumubulong.

"Ano kamo?"

"Nothing, just eat." kinindatan niya pa ako.

Sumubo naman na ako when I remember something.

"Yuriel, can I ask you something?"

"Spill it sweetheart." he said while chewing his food.

"Hmm. What happen to your left chest? Bakit ka may tahi doon? It was like you are hit by a bullet."

"Hindi mo pala tinitignan ha. Pero napansin mo. Why d'you ask?"

"I'm just curious, kung ayaw mo sagutin wag na lang."

Bumuntong hininga siya at nagsalita, "You are right. I was hit by a bullet before. It's been a year when that incident happen."

"Ano bang nangyari?"

"I was hit because of a girl. My first love. Sobra ko kasi siyang mahal." ito ba yung sinasabi ni Monique na he risk everything? Bakit wala manlang akong kaalam alam.

Parang nakaramdam tuloy ako ng inggit doon sa babaeng tinutukoy niya. Napakaswerte niya kay Yuriel. He even risk his life just for her.

"Mayroon kasi siyang boyfriend. And I know the guy as a huge playboy. I even said to him na tigilan niya na yung first love ko because I know that he's just using her for popularity. Alam ko naman kasi na hindi siya seryoso. Pero nagkamali pala ako ng kinalaban. Sino ba naman daw kasi ako para makialam sa kanila. The guy was also a rich son.  He has a bodyguard at iyon ang bumaril sa akin. In just one shot I was hit by a gun at dito tumama sa left chest ko." tinuro niya pa yung left chest niya.

"After they hit me. Iniwan na lang nila ako ng basta basta doon. Mabuti na lamang at may nagmagandang loob na nagdala sa akin sa ospital. Halos fifty-fifty ako noong time na yun. Ang buong akala pa nga nila mommy hindi na ako mabubuhay at kaunting oras na lang ang ilalagi ko."

Kawawa naman pala si Yuriel.

"Alam ba ng babae kung ano yung nangyari sa iyo?"

"She doesn't know. Hindi niya rin naman alam na mahal ko siya noon pa."

"Pero bakit? Gusto mo bang puntahan natin siya?"

"Para ano pa? I'm okay now. Besides, masaya na naman ako ngayon because I'm with you." hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa lamesa at dinala niya sa bibig niya then he kissed it.

Kinikilig ako sa ginawa niya. Nginitian ko naman siya. He's so sweet.

Tumayo ako sa kinauupuan ko then I grabbed his cheeks using my both hands. Walang atubili ko siyang hinalikan agad sa lips. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang sarili ko. Aaminin ko na nga. I like him that much. Nagulat naman siya sa ginawa ko but still he responded.

"I like you." I said after I broke our kiss.

Akala ko mahihirapan akong umamin sa kanya. Hindi naman pala ganoon kahirap basta ba sinundan ko lang yung instinct ko pati na rin ang gusto kong gawin at sabihin sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin. "Really? Is that for real? I love you sweetheart. Next time yung I like you mo I love you na ha?"

"Choosy ka pa. Kumain na nga tayo." then we ate.

After that, dumiretso na kami sa bahay para kunin yung kotse ko. Tuturuan niya pa kasi ako magdrive.

We went there. Holding hands.

Nakita pa nga kami ni mommy. Tinitignan niya pa yung kamay naming magkahawak. Hindi ko naman na kasi siya pinigilan ng hawakan at ientertwined niya yung kamay niya sa kamay ko.

"Kayo na?"

"Not yet tita, pero malapit na." nakangiting sagot ni Yuriel kay mommy.

"Hindi pa? Pero kung maghawak kayo ng kamay parang ayaw niyo na maghiwalay niyan."

We just smiled. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon everytime na magkasama kami ni Yuriel. Ang alam ko lang masaya ako ngayon because I'm with him.

Kinabukasan.

Tinawagan ko si Monique at masaya kong ibinalita sa kanya na umamin na ako.

"E di mabuti naman pala girl. I'm happy for you both."

"Oo nga eh, ang saya saya ko nga. Anyway, I understand now kung ano yung sinasabi mong 'he risk everything'."

"Talaga? Sinabi niya sayo?!" parang gulat na gulat pang pagkakasabi ni Monique mula sa kabilang linya.

"Oo. Dahil daw doon sa first love niya. Naiinggit nga ako sa girl na yun. Pero mabuti na lang he said that he's now happy with me." nagpaflashback pa sa utak ko yung nangyari kahapon.

"Hay nako girl! Hindi mo ba alam na ikaw yung first love niya?" nagulat pa ako sa sinabi niya. Did I heard it correctly? Ako ang first love ni Yuriel?

"Ano? Pero paano?"

"Matagal ng may gusto sayo si Yuriel. Kahit binubully ka niya noon matagal ka ng gusto nun. Binubully ka niya para lang magpapansin sayo at para na rin mapansin mo siya kaya niya ginagawa yun. And as he told you, he was hit by the bodyguard of Erick Casino."

"You mean yung ex ko?"

"Exactly! Yung hardheaded na yun. Sa simula pa lang hindi ko na gusto ugali nun eh. Mabuti na lang hindi kayo nagtagal nun."

Hindi ako makapaniwala. Ginawa talaga ni Yuriel yun para sa akin. Allthrough out, wala akong kaalam alam sa mga pangyayari.

"Sandali nga muna. Bakit parang ang dami mong alam sa kanya? Gaano mo ba siya kakilala?"

"He told me everything about it. Parati ko din siya nakakausap. Everytime na nagtatanong siya kung kumusta ka na. Sa akin siya parati nagtatanong. You know we're bestfriends. He always remind me na alagaan daw kita para sa kanya. Ayiee. Kinikilig ka na no?"

"Andaya mo girl. Bakit hindi mo sinasabi ito sa akin. Nagtatampo na ako sayo."

"Wag ka na magtampo. Sinasabi ko naman na lahat sa'yo ah. Ano pa ba gusto mo malaman?"

"Hmm. Why is it he has a stealed braces and a nerdy eyeglasses? And bakit ang baduy niya pumorma?"

"Ah yun ba? Gusto niya lang makaganti ka sa kanya. Lahat ng ginawa niyang pambubully niya noon nang sa ganun gumaan naman daw yung pakiramdam mo. Tinatanggap niya naman lahat ng panlalait mo sa kanya hindi ba?"

Tama si Monique. Tinatanggap lahat ni Yuriel yun.Nakukunsensya na tuloy ako sa lahat ng ginawa at nasabi ko sa kanya. Kung tutuusin andami ko palang atraso sa kanya.

"Monique. I have to talk to Yuriel. Thank you ha. Andami ko na palang kasalanan sa kanya."

"Love doesn't count how much he sacrifice. Ang pinakaimportante sa lahat ay kung paano mo pinahalagahan at inappreciate yung mga isinakripisyo niya sayo."

"Thank you ulit girl. I have to go. Gusto ko siyang kausapin. Pupuntahan ko siya."

"Wait. Wala na pala siya sa unit niya."

"What do you mean?"

"Nasa airport na siya ngayon. Waiting for his flight. Hindi mo ba alam?"

Sh*t. Bakit hindi niya sinasabi sa akin na aalis siya. I ended the call with Monique. Agad ko namang tinawagan yung phone ni Yuriel.

Argg. Bakit cannot be reached siya! Yuriel naman! Bakit hindi mo sinasabi sa akin na aalis ka.

Nagmadali akong sumakay ng kotse at nagpadrive sa driver namin. Nang marating ko ang airport, hinanap agad ng mga mata ko si Yuriel.

Sana hindi pa siya nakakasakay. Tinatawagan ko pa rin yung phone niya but the same thing cannot be reached pa rin.

Napagod na ako sa paghahanap. Wala na akong magawa kaya sumigaw na lang ako.

"YURIEL!!!"

Wala na akong pakialam kahit pagtinginan nila ako. Ang mahalaga ay makita ko siya.

"Sweetie." paglingon ko sa likuran ko. Nakita ko si Yuriel.

Tumakbo naman ako palapit sa kanya at yumakap. Hindi ko na mapigilang hindi umiyak.

"Nakakainis ka, bakit hindi mo sinasabi sa aking aalis ka pala." I said in between sobs. Nakayakap pa rin ako sa kanya. Siya naman hinihimas niya lang yung likod ko na parang inaalo.

Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Matatagalan ka ba dun? Isama mo na lang ako doon. Please." pagmamakaawa ko sa kanya. Patuloy pa rin akong umiiyak.

"Hindi pwede sweetie. Babalik din naman ako agad. Tutulungan ko lang si daddy sa business namin. After that. Babalik na ko ulit ng Pilipinas."

"Pero kasi, bakit hindi mo sinasabi sa akin?"

"Ayoko kasing makita mo kong umalis. Isa pa baka hindi ako matuloy kapag nagkataon.  Mamimiss kasi kita."

"Andami mong nilihim sa akin. Hindi ko pa malalaman lahat kung hindi dahil kay Monique. Pati ba naman itong pag-alis mo ililihim mo pa?"

"I'm sorry sweetheart. Kung marami akong nilihim sayo. Para naman sa iyo iyon. Sa atin."

"Promised me. Babalik ka agad ha?"

"I promised."

"I love you Yuriel."

"I love you too sweetie." after that he kissed me on my forehead.

"Sige na aalis na ko."

Kinuha niya na yung bag niya at pumasok sa departure area but before that he waved his hand on me at saka tumuloy na sa loob.

Hindi ko maiwasang malungkot. Ngunit kahit anong mangyari hihintayin ko siya as he promised babalik siya.

---

Dalawang linggo na ang nakakalipas hindi pa rin bumabalik si Yuriel. Minsan ko lang siya makachat at makausap sa Skype. Sobrang busy niya kasi. Katulad na lamang ngayon. Ang last na kausap ko kasi sa kanya ay nung nakaraang linggo pa.

Miss na miss na miss ko na talaga siya. Sana bumalik na siya agad.

Nasa may terrace ako ng bahay namin ngayon, when I felt someone hugging me from the back.

Lumingon ako kung sino iyon. "Miss me?" nakangiting sambit niya sa akin.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Finally, he's back.

"Sobra."

"Ako din naman namiss kita. Ilang araw akong hindi nakakatulog kakaisip sayo." nakayakap pa rin siya sa akin.

"Me too. gusto ko nga bumalik ka na agad. Everyday pinagdarasal ko na bumalik ka na sa akin." this time humarap na ako sa kanya at sumandal sa may terrace namin. Tinanggal ko muna yung salamin niya and my hands clung on his nape. Yung mga kamay naman ni Yuriel nasa bewang ko.

"Kahit nasa malayo ako. Hindi naman nawala sa isip ko ang bumalik." mas nilapit niya pa yung mukha niya sa akin. Tama lang para matignan niya ako sa mata.

"Can I kissed you?" pagpapaalam niya sa akin.

"Bakit ka nagpapaalam?"

"Baka sabihin mo kasi pinipilit kita. Sapakin mo na naman ako. Ang sakit mo kaya manapak."

Ngumiti lang ako sa kanya and I kissed him. Ako na mismo ang tumawid sa kaunting distansya na nasa pagitan namin.

"Woah! Napansin ko lang bakit ikaw yata parati na ang humahalik sa akin. Ganyan mo ba ako kamahal?"

"Whatever mr., pwede bang alisin mo na tong salamin mo?" tinapon ko yung salamin niya sa ibaba. Nabasag pa nga yung salamin.

"NO!" sigaw niya pa.

"Pwede ba, just be yourself. Wag ka ng magkunwaring malabo ang mata mo. Alam ko na ang lahat. Kahit sino ka pa, at kahit ano ka pa. I love you. okay? You are still my Yuriel."

"Thank God. My old Rina came back. I love you sweetheart." niyakap niya ako ulit.

And I hugged him back. "I love you more."

I can't even imagine my life could be this happy. I never thought that this happiness can only be felt when I'm with Yuriel. He's not even my type but it only starts sa isang simpleng pagkukunwari but it end up for real this time.

---

A/N: Done! hindi ko alam kung paano ko ito tatapusin after the airport thingy nablangko na ang utak ko haha. Anyway, sana nagustuhan niyo pa rin ang last update nito. Salamat po ng maraming marami sa lahat ng sumoporta at walang sawang nagbigay ng time nila mabasa lang ang UPDATE ko ng SCTL. Ngayon, isasara ko na ang librong ito. xD

_YochanaBabyR_

Simple Crush that Turns to Love-- w/ Special Chapters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon