Chapter 24 [It's my fault.]

5K 54 0
                                    

For RIYUREN :) updated na po siya :) maari ka na ulit magbasa.. sorry kung super duper natagala. tinapos ko pa kasi yung The Chase.. wag ka mag-alala everyday na siguro ang update nito. kung hindi man.. mga dalawang chapters sa isang araw. THANK YOU sa pagbabasa :*

____________________________________________________________________________

Chapter 24

[It's my fault.]

CANTEEN

I saw Roxanne,na may bitbit na tray..

"Ano ba?! Umalis ka dyan. Gusto mong ibuhos ko to sayo?" dinampot niya yung iced tea na nasa tray at nag akmang ibubuhos sa akin.

"Babe,please naman mag-usap tayo. I'm sorry, that's nothing"

"Ano pa bang pag-uusapan natin ha? Pwede bang tigilan mo na ko?!"

Pumunta siya sa vacant seats at naupo.

Atsaka ko sumunod at naupo sa tapat niya.

"Please naman, babe I'm sorry.. Nabigla lang ako kagabi."

"Nabigla?! Huh!" tumaas yung kilay niya.

"Please naman, patawarin mo na ko.. Hindi na mauulit promise.. Kung gusto mo di na ko lalapit at makikipag-usap sa kanila. Sige na babe..please forgive me." hinawakan ko siya sa kamay.

Binawi niya agad iyon atsaka nagsalita.

"Patrick--"

 

Whoaaa.. Patrick? Ngayon niya lang ako tinawag na ganyan ulit.

Para tuloy akong kinabahan sa sasabihin niya.. Maybe there's something behind that 'PATRICK'. Sa pagkakasabi niya nun..

Bumuntong hininga siya atsaka nagsalita ulit. "Tatapatin na kita, para tumigil ka na.. Alam mo kasi, sawang sawa na ko kakapakinig sa mga alibi's mo, parati na lang tayong ganito Pat. I always forgive you, maraming beses na.. pero paulit ulit na lang. Nakakasawa na."

"Nagsasawa ka na sa akin?" i said.

"It's not that!!" napakalakas ng boses niya..nagtinginan lahat ng tao sa canteen

"Then what?" pabulong kong sabi.

"Kasasabi ko lang diba? Gusto mo bang direct to the point pa? Pat naman, please lang, tama na, ayoko na.. Tigilan na natin ito. Naglolokohan na lang tayo eh.. Away, bati, away, bati.. Nakakasawa na!"

 

"Naglolokohan? I'm serious.. babe. Kahit kailan hindi kita niloko."

Simple Crush that Turns to Love-- w/ Special Chapters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon