43

1K 48 2
                                    

Aly POV.

"Boss. Ito na yung pinaresearch nyo. Siya si Dennise Michelle Lazaro. Nag aaral sa ateneo. Med student. 22years old. Parents niya si Mike Lazaro at Arlene Lazaro at may dalawa siyang kapatid. Si Justine Lazaro at Mathhew Joshua Lazaro." Sabi ni gretchel

Natawa naman ako. Haha akala nya kasi di ko kilala si dennise kaya pinapa research ko.


Tumango ako.
"May boyfriend na ba?"

"Sa pagkaka alam ko boss. Wala daw. Lahat daw ng nanliligaw binbasted niya. Bakit nga pala pinaparesearch nyo yung tao na to boss?"


"Chel. Yung sinasabe ko sayong ex ko na iniwan ko. Sya yun si dennise" pag aamin ko at kinuha yung mga litrato ni dennise na kinuha ng bestfriend/secretary/secret agent ko na si gretchel.

"Ang ganda nya boss. Ano ba balak mo ngayon?" Tanong niya

"Sa totoo lang di ko alam chel eh. Di ko alam kung tatanggapin pa ba niya ko. Wala na kong mukha ihaharap sakanya. Di naman pweding sorry lang ang sasabihin sakanya. Di ko talaga alam" malungkot kong sabi.



"Wag kang mag alala boss. Tutulungan kita" sabi nya ng nakakalokong ngiti


Nabuhayan naman ako sa sinabi niya
"Talaga?" Masayang tanong ko.

"Oo naman. Para sayo. Let's do this. Oplan : Say sorry to her and get your girl" Aniya

Tumango ako at yinakap sya sa saya.
"Thankyou dude!!!!"

"Ah eh boss bitiw na. Baka makita tayo dito. Baka isipin nila bakla ako. " sabi nya

Tumawa lang ako. Haha loko.

"So. Tara simulan na natin." Sabi nya



"Ano? Ngayon agad?! Di pwedi! Wala pa kong lakas na loob!" Sabi ko


"Eh. Istalk lang natin siya! Di tayo magpapakita" sabi nya

Napaisip muna ako.
"Seryoso ka?" Tanong ko


Tumango. Humugot muna ako ng malalim na hininga. Whoo! Kaya ko to!

Hinila nya na ko palabas. Habang ako kinakabahan. Syempre ilang taon din yun. Di ko alam kung ano yung nangyare sakanya.



FF


"Boss. Taraaaa.... ditoo.. yun oh..." aniya at tinuro turo yung mga babaeng nagkwe kwentuhan.

Sumunod nman ako sakanya at sinundan ng tingin yung mga babaeng masayang nagkwekwentuhan.





Shit! Sila ella.. bea t. At dennise.


Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Yung tipong pag nakikita ko sya gumaganon agad. Gosh! I missed her. Ibang iba na sya. Mas lalo pa siyang gumanda and her uniform really suits her well.


"Chel. Di ko na kaya. Lalapitan ko na sya" sabi ko ng lakas loob



"Boss. Tekaaa lang. Baka sampalin ka lang niyan. Bigla bigla kang nagpapakita. Yung usapan natin stalk lang." Awat niya sakin


Pero di ko talaga mapigilan yung pagkamiss ko sakanya eh. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan.



"Pero chel. Di nman pwede na tumago nalang ako palage sa lungga ko. Kailangan ko ng simulan to. Kailangan ko ng suyuin sya."
Iritadong kong sabi.



I'm yours.Where stories live. Discover now