Dennise.
Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang nakatalikod na si Mr. Cruz. May quiz na pala kami. Nagvibrate yung phone ka sa txt nanamam ni alyssa.
Alyssa :
We'll date this friday, Hindi pweding hindi.
Hindi ko nalang nireplyan. Wala naman akong magagawa kundi pumaya eh.
Kaya naman nang nag friday na ay tumupad ako sa usapan namin.
Nakahalukipkip ako habang nakasabit sa braso ko ang bag ko. Tinitingnan ko ang flats kong kumikinang sa papalubog na araw
Nasa gazebo ako ng school. Kaonting tao lang ang tumatambay dito kaya dito ko nalang naisipan maghintay.Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si besh ella ang tumatawag. Sinagot ko agad ito.
"Hello besh.. San ka? Mall tayo diba may papanuorin tayong movie ngayon?" pambungad niya
"Oo nga pala! Omg!" Umasal akong nakalimutan iyon
Sorry besh. Naguilty agad ako sa pagpapanngap sakanya.
"O bakit?"
"Hindi ako pwede ngayon. May meeting pa kami ng ka group ko tsaka may dinner din kami ngayon susunduin ako ni dad" Napapikit ako sa pagsisinungaling ko
Isang araw. Aamin din ako sa pagsisinungaling.
"Talaga? Naku sayang naman.." Disappointed niyang sabi.
"Oo."
Napatingin ako sa nakakasinag na something galing sa likod ko. Naaninag ko ang mukha ni alyssa. Sumandal sya sa gilid ko saka humalikipkip. Tumindig ang balahibo ko sa titig nya.
"O sige na. Nandito na kasi yung mga ka group ko. Next time nalang besh.. Bye" Nagmamadali kong sabi at pinatay na agad yung tawag.
Baka mamaya magsalita pa tong ugok na to at baka makahalata si besh.
"Kailan pa ako naging ka group?" Tanong nya.
"You can always say you are dating someone." Ngumisi sya
"No. Di na nila kailangan malaman to and besides, gusto mo ng sekretong relationship?"
Mas lalo siyang ngumisi kaya mas lalo din akong nainis.
"Let's go." Aniya saka kinuha ang kamay ko.
Noong una ay pumiglas pa ako pero tinaas niya ang kilay niya sakin. Umirap na lang ako at hinayaan siyang hawakam ang kamay ko.
Walang buhay kong pinahawaka ang kamay mo sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niyang nakapark lang ilang metro.
Ilang sandali pa ay pinagsiklop niya ang mga daliri namin kaya mas mahirap ng tanggalin ang kamay ko. May kung ano sa sistema ko na nagwawala. Hindi nga lang ako sigurado kung bakit.
Sumulyap siya sakin ng nakangisi. Wala talaga akong gustong gawin tuwing nakikita ko siyang ngumingisi kundi ang pagsalubungin ko ang kilay ko.
"Ganda mo talaga." Umiling siya saka pinagbuksan ako ng pintuan.
Natigilan ako sa sinabe niya. Pero agad kong kinalabit ang sarili kong utak para matauhan ako.