Dennise.
Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa ginawa ni alyssa. Pinagmasdan ko siyang ganadong kumain at ngumingisi pa yung ugok sakin! Ako naman ay sinusubukang kainin ang nasa plato kong hindi ko pa nagagalaw.
"Ganon ba nakakadiri ang halik ko dennise? Bat non sarap na sarap ka? Anyare?" Nakangisi niyang tanong
Sinimangutan ko siya
"That's a normal thing sa mag syota. You don't need to get mad for that. Ganoon talaga, diba? Naghahalikan."
Mariin kong tinikom ang bibig ko. Nakakainis talaga ang ugok na to! I know..hindi iyon ang plano nya. "Baka pag naramdaman na kita mapapawi ang nararamdam ko sayo"
YOUR ASS! ang tuso talaga ng halimaw na ito. That's not her plan, you know. Ang plano niya rito ay mainlove ulit ako sakanya sa loob ng two weeks.Nanliit ang mga mata ko. Gusto mo ng tuso alyssa? Mas tuso ako.
"I know. But that's just too mild alyssa. Pang 'Friends' lang yung halik mo. You know, pag mag syota dapat mas wild pa doon."
"What do you mean?" Napatunganga sya sa sinabi ko.
"Torrid. French. Yan dapat. Yung mga ginagawa natin since mag syota naman tayo."
Napaawang ang bibig nya.
Hindi sya agad nakapagsalita. Tinitigan niya ang mga mata ko. Para bang naghahanap siya ng butas sa mga sinasabe ko sa kanya. Para bang naghihintay siya na bawiin ko iyon dahil iyon naman lagi kong ginagawa. Pero ang totoo sya palang noon ang nakagawa sakin niyan. Not anymore. Gusto mong magkunwari, tayo? Pwes magkukunwari ako.
"We can even make love dennise." Halakhak niya
The nerve of this asshole!!
Umiling ako. "Not yet.... Not now."
Nalaglag ang panga niya. Nagpatuloy ako sa pagkain. Pero siya ay nakatunganga nalang sa harap ko at napainom ng tubig.
NOT EVER! Na lintikan na! Alam kong halimaw siya sa totoong buhay at pati na rin sa ..... tss! Whatever
Tinaasan ko nalang sya ng kilay.
"I will wait." Matama niyang sinabi.
Hinayaan ko lang sya sa kanyang nararamdaman.
Pagkatapos niyang magbayad sa mga kinain namin ay tumayo na ako. Aniya'y manonood daw kami ng sine. Inayos ko ang bag ko.
Bigla niyang kinuha sa braso ko.
"Let me." Aniya
Noong una ay nag aalangan pa ako.
"I'm your girlfriend dennise. Now let me." Utas niya ulit.
Kinagat ko ang labi ko at hinayaan siyang kunin ito. Pinagmasdan ko siya nang nilagay niya iyon sa balikat niya. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Paano ba naman kasi. Ang tangkad niya at makisig pa pero may dalang pambabaeng bag. Tapos naka suot pa siya ng long sleeves at fitted jeans. Ang macho tingnan. Pero ang cute niya.....
Ngumisi siya sakin at kumindat. Napawi ang ngiti ko.
"Bagay na bagay tayo noh?"