45

1.2K 47 1
                                    

Dennise.

"Tandaan mo pumayag ako sa kasunduang ito kasi gusto ko ng tigilan mo ko. At sa two weeks na gusto mo sisiguraduhin kong di ako magpapaloko sayo." Sabi ko sakanya


Tumawa siya bigla " Come on den. Hindi ko naman hininging mahalin mo din ako di ba? I just want you to act as my girlfriend. Simple lang" Ngumisi siya

Andami dami talaga pumapasok sa kokote na kalokohan netong ugok na to! Di ko alam kung bat pumayag ako sa kasunduan niya!

Pero mas mabuti na yun. Titiisin ko nlang yung two weeks na hinihingi nya kesa namn sa araw araw na pambwi bwisit niya sakin.

Pakiramdam ko may hidden agenda siya sa offer niyang ito. Pag nalaman ko talaga kong ano itong binabalak niya bibigwasan ko talaga leeg nya.

Ngumuso siya at maigi akong tiningnan sa mata.

Matapang ko rin siya tinignan. Kaya napaiwas siya ng tingin.


"So ano na?" Tanong ko


"All you have to do is be there, dennise. I just want you to be there....pangako pagkatapos neto di na kita guguluhin" Seryoso niyang sabi


May kung ano sa huling salita niya na bumabagabag sa damdamin ko. Pakiramdam ko ay tutuparin niya ito.




"Bakit mo ito ginagawa alyssa?" Tanong ko


Malungkot siyang ngumiti.
"Kasi mahal na mahal pa rin kita. Kahit sa two weeks na yun gusto ko lang maramdaman ang kunwaring pagmamahal mo din sakin bilang girlfriend ko"


Para namang natunaw ako sa salita niya. No dennise wag kang bibigay..
Sweet talker lang yan si valdez
Wag ka ng magpaka tanga. Move on na girl!


Nakita kung kumuyom ang panga niya saka yumuko muna bago ibinalik ulit ang tingin sakin.

"Baka pag naramdaman kita..."


Ilang sandali pa bago nadugtungan iyon. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang karugtong ng sasabihin niya. Bumuntong hininga sya at nagsalita ulit.


"Mapapawi na itong nararamdaman ko sayo..."

Humugot ako ng malalim na hininga.
I'm in between alright? Kahit di ko man aminin alam kung meron pa siyang lugar dito sa puso ko. Sya pa rin naman yung nag iisang taong minahal ko nun at di ko alam kung ano itong nararamdaman ko sakanya ngayon.





"Pagkatapos ng lahat ng ito, titigilan mo na ako?" Tanong ko



Napaawang ang bibig nya at marahan tumango.


Nakita ko ang pag angat ng dibdib nya dahil sa mahaba at malalim na buntong hininga.


"Oo dennise. Pagkatapos neto. Wala na di na kita kukulitin"


Hinawakan niya ako. The familiar feeling parang bumalik sakin. Yung sparks..... No.. no. den naka move on kana!



Humigpit ang hawak ko sa kamay niyang nakahawak sakin. Napatingin sya doon.

"Game!" Sabi ko

Lumunok sya bago ngumiti sakin.


"Hindi tayo pweding makita ng mga kakilala nating magkasama, alyssa. Hindi pwedi malamn ng mga kakilala natin na may ugnayan tayong dalawa. A deal is a deal." Utas ko habang pinagmamasdan ang looban nh sasakyan niya.

I'm yours.Where stories live. Discover now