Chapter 5

311 14 2
                                    

Pag iiwan

Carlina's POV

Nagising ako at pagkamulat na pagkamulat ko, alam kong nasa ospital ako.

Bumangon ako bigla, kinakabahan at hinahanap ang lahat na kasama.

"Ate kalma lang wag ka munang malikot"

Kinalma ako ng nurse.

"San mga anak ko?!  San si Heart?!  Si Celine at Ellis?!  Si Star at Ella?! Kailangan ko silang hanapin! "

Biglang pumasok ang ibang nurse at pinakalma ako. Di kasi ako makahinga nang maayos.

Nang unti-unti na akong kumalma, inexplain ng isang nurse ang lahat.

"Miss, ang isang pasyente ay patay na. Yung driver? She had a large crack on her head. Yung nasa passenger seat ay na comatose. It would be a miracle if makakagising pa sya. Machine na lang kasi ang gumagalaw sa maraming parts niya tulad ng lungs. Ang mga bata ay safe. May mga bruises and wounds sila. Lahat ng nasa likod ay safe. "

Naiyak ako sa sinabi ng nurse. I know that my kid didn't leave me, but, Ellis leaving me and waiting for Celine is hurting me a lot. They're a part of my family.

"Nurse, can I see those three? Are they awake already? "

"Yung isa lang po ang gising. Yung pinakamatanda po. She's crying earlier, at ngayon tulalang tulala. "

"C-can you call her? "

"Yes po"

She excused herself.

I tried to think of my problems now. Where will I get the money to pay the hospital?  Alam ko ang password ng bank account nina Ellis at Celine, pero nakakahiya pag kukuha ako dun.

I know that Celine has enough money to pay the hospital... And I'm sure she's gone. Machine nalang nga raw kumo-control sa kanya. Hayss...

"Andito na po siya"

Pumasok ang nurse kasabay si Ella na tulala at magang-maga ang mga mata. Naiiyak ako sa kaniya. She's wearing a white dress , nakalugay ang buhok niya, which made her look beautiful.

"Ella.. "

My voice cracked...

She looked at me and when she saw me, she hugged me and I did too. Umiiyak siya pero wala nang luhang lumalabas...

"Shhh don't cry... Tita is here. Bubuhayin natin sina Heart, okay?  Everything will be fine soon"

"Pero wala na si mommy Ellis. Kahit na kaunting oras lang kaming nagsama, nafeel ko na talaga na pamilya ko siya. "

Her voice is super cracked talaga. Di rin siya makapagsalita nang maayos...
I understand her.. So much... Ellis and Celine is a great family.

Nang nagising na ang mga Clairina, binayad namin ang mga gastusin. Kalahati ng pera ni Celine sa banko ay naubos. Di naman masyadong malaki.

Pagdating sa bahay ay dumiretso sila sa kama at natulog. Iniisip kung paano nangyari ang lahat kahapon. Lahat ng dala namin ay nasira. Sino kaya ang may...

Iniisip ko ulit ang sinabi sa akin ni Celine kahapon.

Sino yung lalaking iyon? 

Napa isip naman ako. Si Alex kaya? Kung plano nya to ay nagtagumpay naman sya.

Nag isip isip ako kung ano ang pwedeng gawin para magkakapera at bubuhayin ang mga bata.

Mga sumunod na araw,

Nagbebenta ako ng mga bracelet at kwintas na mumurahin pero wala naman masyadong bumibili.

Tinutulungan ako nina Ella magbenta ng sampaguita tuwing Linggo. Kahit konti lang ang pera na makukuha namin, okay na yon.

Mga araw ay lumilipas, ang buhay ay mas humihirap. Di nagrereklamo ang mga bata at nagpapasalamat ako don.

Habang bumibenta kami ng street food ni Ella ay kinausap ko siya. Ang mga Clairina ay lumalaro ng Barbie sa gilid ni Ella.

"Ella, kung ibabalik nalang kaya kita sa bahay ampunan?  Baka mas nahihirapan ka dito. Pasensya na ah? "

"Okay lang tita. Magkapareho lang naman. Mahirap dito, mahirap din dun. Pero mas masaya ako kung kayo ang kasama. Mas feel ko ang pagkakaroon ng family dito. Wala kasi akong friends dun"

"Ahh ganun ba? "

Yun lang ang nasabi ko kay Ella.. Nagdadalawang isip ako kung iiwan ko sila dun o hindi.

Dumating ang araw na magpapahirap ng sobra sa amin. Wala na kaming pera at naibenta na iyong bahay. Kahit na may isang libo at limang daan akong pera ay sigurado akong di ito kakasya sa amin.

Bigla nalang ako nakaramdam ng masakit na parte sa dibdib kaya nagpa check up ako at isang libo nalang and natira sa pera ko.

May sakit ako sa puso at isang buwan nalang ako mabubuhay, iyon ang sabi ng doctor.

Kaya nakitira kami sa bahay ampunan. Kinausap ko ang iilan sa tauhan at pumayag naman sila.

Isang buwan na ang lumipas. Ako ay matamlay na. Di ko na masyadong maigalaw ang ilang bahagi ng katawan ko.

Wala akong ibang nararamdaman kundi sakit sa puso.

Masaya ako.

Masaya ako dahil di ko naiwang naghihirap parin nang mag isa sina Ella.

Kung naghihirap man siya ay at least andiyan sina Clairina.
At alam kong...

Alam kong dito magsisimula ang buhay ng mga Clairina.

Hi, Ako Si ClairinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon