Chapter 6

306 15 0
                                    

Simula

Ella's POV

Limang taon na ang lumipas nung iniwan kami nila mommy.

Limang taon kong binabantayan ang dalawa kong kaibigan na tinuturing kong kapatid.

At limang taon na kaming magkasama

Eight years old na ako ngayon at ang mga Clairina ay 6 years old.

Masaya ako pag kasama ko lagi sina Heart at Star.

Friendly sila at mabait.

Ngunit

Halos lahat ng tao dito ay gustong sirain ang pagkakaibigan nila.

Alam niyo ba yung feeling na ganun? Sa school nyo ba nararamdaman mo yan?

Pero

Kahit anong putol nila. Gawan man nila ng storya ay di sila umaaway.

They confront each other if they have problems.

Kaya marami silang kaibigan.
"Hi ate Ella! Kumusta ka? Namiss ka namin! "

"Hahaha miss ko rin kayo Star at Heart. "

Galing akong library nagbabasa. Para kung may matutunan ako ay matuturuan ko sila. Si mommy Ellis ang nagturo sa akin na bumasa.

Hayss..

"Ate labas muna kami ni Star maglalaro. Di ka sasama? "

"Hindi na Heart. Aayusin ko muna kwarto natin. "

"Okay"

May mga kwarto kasi dito. Pero every kwarto ay dapat may 4-5 na bata.

"Hoy Ellis! Nakakainip friendship nina Heart nuh? Parang yaya turing nila sayo. Sama ka kaya sa amin? "

"Hindi naman. Mabait naman sila eh"

"Tss plastik sila kung alam mo Binaback stab ka nila pag sila lang dalawa kasama"

"Kayel di yan totoo. Kasama kaming tatlo lumaki kaya kilala ko sila"

"Ampon ka lang! Tapos ang nanay nila prostitute! Yon ang sabi ng nanay ni Heart! "

Sinampal ko siya nang malakas kaya muntik siya natumba.

Nilapitan niya ako at muntik sinabunutan pero tinulak siya nang malakas ni Heart kaya napaupo sya muli at nakasigaw

Naiiyak siya bigla

"Kaya wala kang kaibigan kasi naninira ka! "

Galit na galit si Heart. Si Star naman ay tahimik lang... Pero..

Her face...

First time kong nakita na naging cold yung mukha nya

Which made me nervous...

Biglang maraming bata ang tumingin sa kwarto at pumasok ang isang kasambahay na si ate Charlaine.

"Anong nangyare?! "

"Ate si ---"

"Labas muna yung iba! Labas! "

Nagsilabasan sila.

Naiwan ako, mga Clairina at si Kayel.

Umiiyak si Kayel nang tahimik.

"Ano ang nangyare? "

"Si Heart kasi---"-Kayel

"Excuse me Kayel wag---"-Heart

"Heart, Kayel, pwedeng tumahimik muna kayo? "

Natahimik ang dalawa sa inasta ni Star. Gulat na gulat kaming tatlo.

She's being cold for the first time...

I'm shocked Na shocked talaga...

"Kayel, alam naman nating di aasta nang ganun si Heart kung walang nagsimula, diba?"

"Pero---"

"Magsimula tayo sa una. Anong sinabi mo kay ate Ella?
Bago ka niya sinampal? Kasi ang sabi ni ate Ella sa amin na aayusin niya lang ang kwarto. Ikaw? Bat ka pumasok sa kuwarto? "

Natahimik kami sa sinabi ni Star...

I know she's a happy go lucky girl pero tahimik siya...

But I never knew that she's this mature.

Walang imik si Kayel. Namutla siya at sunod sunod na tumulo ang mga luha.

"Now, don't tell ate Charlaine na si ate Ella ang may kasalanan."

Tahimik ang silid. Si ate Charlaine ay natahimik din. Pero binasag niya rin ang katahimikan...

"Okay so, parang naiintindihan ko and nangyari. Mag usap tayo sa labas Kayel"

"AYAW---"

"KAYEL! "

Sumabay nalang siya...

Nang lumabas na sila, agad akong niyakap ng mga Clairina.

"Sorry ate Ella... "

"Okay lang naman Heart"

Tiningnan ko si Star...

"Star? "

Tahimik lang siya.

Nang kumawala na siya ay nagsalita siya bigla...

"Ate, sa tingin ko dapat di mo na kami binabantayan. Napapahamak ka na. "

"Okay lang naman--- "

Di ako pinatapos ni Star

"Ako nanaman ang magpoprotekta sa inyo. Pangako. Balang araw. "

Hi, Ako Si ClairinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon