Chapter 30

108 5 0
                                    

"Hay nako atleast diba nakalabas ka rin" sabi ni Claire

"Pero sana dahan dahan lang. Anyways, excited na akooooo! Hahaha" sabi ni rina

Ginagamot ko yung kamay ko. Buti at may tissue at alcohol na dala si Claire. Malaking sugat yung nakuha ko at may gasgas ang mukha ko.

Haysss... Kinakabahan ako. Ano kaya ang mangyayari pag uwi ko?

"Yesss! We're here! " sigaw ni Rina na may halatang pagkaka excite.

"Uhh, nasa labas pa lang tayo eh"

"Ano ba Claire wag ka ngang KJ! Tara biliiissss! Akyat na tayo dun! "

"Magbabayad pa tayo ng entrance Rina, kalma lang hahahha." sabi ko

Ang ganda dito sa baba pa lang. Ano na lang kaya sa taas? Surely maganda ang view.

1 hour ang biyahe kaya medyo natagalan kami. Mga 2:36 pm na. At sa taas ng bundok, di ako sure kung anong oras kami makakarating sa aming spot.

"Yesss! Were finally here!"

Rina said excitedly

"Hay nako Rina. Ang taas naman dito. Nakakatamad" reklamo ni Claire at halatang drained na ang energy niya

"Pasensya hahahha. San na ba ang gamit? "

"Ha? Akala ko dala mo? "
Gulat na tanong ni Claire sa sinabi ni Rina

"Ako na ang kukuha---"
Akmang aalis na ako nang hininto ako ni Claire

"Wag na ate Ella. Pwede atang papasukin ang mga kotse. Pero walang tao. Pero sure akong pwede. Sige kukunin ko na" sabi ni Claire at bumaba agad pagkatapos.

"Buti pa si Claire pinayagang dalhin ang sasakyan ng parents nuh? Maganda. Tinted, grey, malaki, surely mahirap nakawan dahil kahit anong silip sa bintana di makikita. " sabi ni Rina

"Oo nga. Unless may babasag, hahaha. " sabi ko

"Naman, pero tanga lang kung may babasag dahil mahuhuli agad. Malakas ang alarm nun"

"Pano mo nalaman Rin? "
Tanong ko. Mukhang andami niyang alam kay Claire. Kahit mas nauna kaming nagkita muli. Pero sa bagay, mas nagkakasama naman sila.

"Syempre we talk everyday...."

Napalingon kami sa gilid nang nakarinig ng tunog ng sasakyan

"Ohh andiyan na pala si Claire"

Tumayo kami at kinuha ang mga gamit. Mga blanket at lalagyan ng mga pagkain.

Kumain kami, nagkukuwentuhan, at nagtatawanan.

Maya-maya ay unti-unti ng dumidilim.

Nang medyo madilim na ay maganda ang sunset.

"Girls ang ganda oh! "

Di ko maiwala ang tingin ko sa sunset.


Pero napansin kong natahimik sila bigla.

"Girls? "

Paglingon ko ay wala na sila sa gilid.

Pagtalikod ko, bigla ako nakaramdam ng hapdi sa aking likod.

"Pasensya na Ella, sigurado akong alam mo to eh. "

"R-Rina.... "

"Ipagkakalat mo to, sigurado ako. Sigurado akong di ka mapagkatiwalaan"

"YUN BA ANG TINGIN MO SA AKIN?! "

Umiiyak ako. After all those years na inalagaan ko sya. Yun yung naisip niya?!

Hi, Ako Si ClairinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon