Chapter 2 "The Nerds"

598K 15.5K 1.2K
                                    

Saisumi's POV

Pagtapak pa lang ng paa ko papasok sa napakalaking gate ng Marcus Academy ay masamang hangin na agad ang nalanghap ko. Not a good place. Madness is everywhere.

"Yuck... 'Di ko akalaing may isa pang mapapadpad na baduy dito."

"Nagkamali ng pinasukang school 'yang nerd na 'yan."

"Kawawa naman. Mukha talaga s'yang lampa. For sure, 'di magtatagal 'yan."

"Nadagdagan na naman ang bubullihin nila Miss Mylene."

In their world, my style will always look nerdy or out of style. Minsan, hindi ko sila maintindihan. Mukha naman akong malinis at naliligo pero kung tignan nila ako,para akong isang napakalaking basurang naglalakad. Dahil lang ba may suot akong salamin na medyo makapal? Dahil ba hindi ako naka-heels tulad ng iba?

Ah, alam ko na.

Dahil siguro sobrang haba ng palda ko. Kailangan ko 'to para maitago ang kulay ng balat ko. Masyado kasing maputi. Ayoko nang may magtanong pa ulit sa akin kung bampira ba ako kaya lumiliwanag ang balat ko sa sikat ng araw tulad ng sa isang sikat na movie. Isa rin 'to sa mga epekto ng Alexandria's Genesis sa katawan ko. Thank you sa longsleeves uniform. Hindi ko na kailangang magsuot ng jacket. Wala na akong pake kung ano mang tingin nila sa suot ko. Matagal na akong nawalan ng pake at wala na akong balak hanapin.

Pero sa ngayon, mukhang panandaliang nagbabalik ang pake ko dahil nawawala ako. Medyo nakakatamad kasing magkabisa ng mapa kagabi.

Sakto namang may nakita akong kumpulan ng mga tao sa hallway ng isang building. Nagtatawanan ang mga estudyante habang may kan'ya-kan'yang hawak na cellphone. May pinapalibutan sila at nang makakuha ako ng pagkakataon para makita kung anong pinagkakaguluhan nila... tumaas ang dalawang kilay ko.

Anong trip nila at ginawa nilang theater ang hallway? Bakit parang Cinderella ang scene?

"Halikan mo ang sapatos ko!"

"Pasensya na po talaga, Miss Mylene!"

"Halikan mo sabi!"

Hindi kumilos 'yong babae. Nanatili lang s'yang nakaluhod do'n at umiiyak. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay n'ya. Because of fear? 'Yon din siguro ang dahilan kung bakit hindi na s'ya makagalaw.

"Hindi mo ako susundin?! Ha?! Hindi?!"

Seems like someone has already got her temper in its limit. Hinila pataas ng babaeng tinatawag nilang 'Miss Mylene' ang buhok ng babaeng nakaluhod. Rinig na rinig sa hallway ang malakas na sigaw ng babae dahil sa sakit pero walang naglakas ng loob na tumulong. Lahat sila nanonood lang. Amused. Entertained.

"Miss Mylene! Tama na po! Nasasaktan po ako!"

"'Yon nga ang gusto kong gawin sa 'yo! Tanga ka na nga, bobo ka pa!"

Pasimple akong lumayo sa kumpulan ng mga tao. Pumulot ako ng maliit na bato at nilaro iyon sa kamay ko. Hindi ako mahilig tumulong sa iba pero hindi rin ako ganoon kasama para manood na lang.

I tried calculating it in my mind. The distance...the weight of the stone...the girl's head with big ribbon. It may not be so accurate but it will hit her,I'm sure. Tama na ang pwestong kinatatayuan ko at sakto namang lahat ng nasa hallway ay nasa kanila ang tingin.

Tahimik akong nagbilang bago bumwelo at ibinato sa tamang lakas ang maliit na bato. Pagkabato ko,agad akong tumakbo.

"Aray!"

Lihim akong napangiti sa narinig ko. Agad akong pumunta sa babaeng kanina pa nakaluhod at umiiyak. Walang pagdadalawang-isip na hinila ko s'ya.

"S-sandali lang!"

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko ang paghila sa kan'ya. Nakarinig pa ako ng kung ano-anong pag-iinarte mula sa kan'ya bago ako tuluyang tumigil. Ni hindi pa nga umabot ng 30 meters ang tinakbo namin pero hingal na hingal na s'ya.

She's panting exagerratedly it makes her look annoying.

"Ang bilis mo naman tumakbo!"

Ah, teka. Napadpad na naman ako sa lugar na hindi pamilyar. Is this the garden or the mini park? Sa natatandaan kong itsura ng lugar sa mapa, kung ito ang garden, kailangan kong kumaliwa. Kung ito naman ang mini park, kailangan kong kumanan. But hell. sa nakita kong itsura ng garden at mini park sa brochure, halos walang pinagkaiba.

"Hey! Nakikinig ka ba?!"

"Huh?"

Napakurap ako ng isang beses. Medyo nagulat ako sa sigaw n'ya. May kasama nga pala ako.

"'Di ka naman nakikinig, eh. Sabi ko, ang bilis mong tumakbo. Tsaka-"

Mabilis na ba 'yon? Ni hindi nga ako pinagpawisan. Teka nga. Sino ba 'to?

Biglang may lumabas sa salamin ng eyeglasses ko.

Ah...

S'ya pala si Nicka Anderson. A seventeen-year-old lady living with flying colors. Anak ng isang lawyer at university professor.

"Hello...! Are you really listening to me?!"

No, actually.

"I need to go now."

"Eh?! Wait, gusto ko lang mag-"

"Yeah, yeah. Nice meeting you, too."

Nagsimula na akong maglakad paalis but she's too consistent. Humabol pa talaga s'ya sa 'kin.

"Ni hindi mo pa nga alam ang pangalan ko! Teka!"

Geez. Ang kulit.

Nicka's POV

Hinabol ko s'ya at sinabayan sa paglalakad. Grabe, ang haba ng palda n'ya! Mas mahaba siguro ng ten inches sa suot ko. At iyong salamin n'ya... ang cool! Sobrang cute!

"Anong pangalan mo? Saan ka nakatira? Transferee ka ba? Anong section ka? Ako nga pala si Nicka. Saan ka pupun-"

"Stop."

Huminto naman agad ako. Masunurin kaya ako!

Lumingon s'ya sa 'kin at naningkit pa ang mga mata. Woah, parang ang ganda n'ya kapag naayusan.

"Bakit? May nakalimutan ka ba? May naalala ka? Masakit tiyan mo? May naki-"

"Just..." Itinaas n'ya pa ang kaliwang kamay n'ya sa tapat ng mukha ko. Ang puti ng palad n'ya! "...stop talking. Stop following me. Continue your life, I don't care. Jaa ne."

(Jaa ne=Bye)

Nag-wave s'ya sa 'kin ng isang beses at naglakad na ulit. Ano raw 'yong sinabi n'ya? Ja-ne? Pangalan n'ya ba 'yon? O akala n'ya, 'yon ang pangalan ko?

Pero ang cool n'ya! Parang superwoman! Tagapagtanggol ng mga naaapi! Hero ng mga nerd! S'ya na! S'ya na nga ang magtatayo ng bandera at karapatan ko bilang estudyante! Kyaaah! Gusto ko s'yang maging kaibigan!

Magiging pinakaunang kaibigan ko s'ya! Sinusumpa ko 'yan!

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon