a/n:Ate Steefuny Amen!Napakaganda mo talaga!Oh,dahil maganda ka,dedicated sayo to.Pakibasa na lang yung title kung akma sayo.Haha.Just kidding.Peace.
Saisumi's POV
"Yuko!"
Sigaw ni Liryu kaya agad akong yumuko.
May inapakan syang sanga ng puno at sinipa ito paangat.Pagkasambot nya nito,mabilis nya tong hinagis sa direksyon ni Shun pero matinik talaga si Shun.Biruin nyong nakailag?
Tumayo ako mula sa pagkakayuko ko at tumakbo ako papunta kay Shun.Dumaan ako sa gilid nya pero bago ko sya malagpasan,yumuko ako ng bahagya at nagpakawala ako ng suntok na tatama sa sikmura nya pero sa gulat ko,nasambot nya ang kamay ko gamit ang kanang kamay nya.
"Bilisan mo namang gumalaw,'Purple'."
Nakangising sabi nya.Alam kong tuwang-tuwa sya dahil ngayon lang ulit kami nakapaglaban ng ganto.
Dahil nasambot nya ang kamao ko,tinuhod ko na lang sya.Narinig ko ang mahina nyang pagdaing kaya napangiti ako.
Pagdating sa mano-manong labanan,hindi namin iniisip na magkapatid kami.
Tingin namin sa isa't-isa,kaaway.
Naaalala ko pa kung ilang beses sumakit ang katawan ko ng dahil sa mga suntok at sipa nya.
He's a living devil in a battle.
"Saisumi!Stop spacing out,will you?!"
Nagulat ako sa pagsigaw ni Liryu at dun ko lang napansin na nasa harap ko na sya.Ipit-ipit nya ng braso nya ang braso ni Shun para pigilan ang kamao nito sa pagsuntok sakin.
Konting-konti na lang ang agwat ng kamao ni Shun sa mukha ko.Muntik na pala akong mapuruhan.
"Kahit magtulungan pa kayo,mahihirapan kayong talunin ako."
Nakita ko ang pag-angat ng kanang paa ni Shun kaya alam kong tutuhudin nya rin ako.
Hindi kagad ako nakaalis sa pwesto ko dahil hawak pa rin nya ang kamao ko kaya ipinangsangga ko na lang ang kaliwang kamay ko sa tuhod nya.
Malakas ang pagkakatuhod nya kaya kahit nasangga ko,tumama pa rin ito sa sikmura ko.Nasaktan ako pero hindi ko ininda yun.
Itinulak ko ng malakas ang tuhod nya tsaka ko hinila ang kamay ko at sinubukan ko syang sipain sa mukha pero nakayuko sya kaya diretso kay Liryu ang sipa ko.Buti napigilan nya gamit ang isa nya pang kamay.
"Ayusin mo,Saisumi!"
"Sorry."
Biglang tumayo si Shun kaya mabilis kong hinila pabalik ang paa ko at sinipa ko naman sya sa tagiliran gamit ang isa ko pang paa.Sa pagkakataong yun,hindi na sya nakailag.Nabitawan na rin ni Liryu ang braso nya.
Kita ko sa mukha nya ang pagkainis pero bakit parang hindi naman yun dahil sa pagkakatama ko sa kanya?
"Kelan ka pa natutong mag-sorry sa ibang tao,Hime?!"
Ah.....dahil pala dun.....
Nagseselos ang kakambal ko.*chuckle*
"Huh?Kelan pa natutong mainggit si Red?"
"Hindi ako naiinggit!"
Tumakbo sya papunta sa kinatatayuan ni Liryu at sinubukang suntukin to pero nakailag kagad si Liryu.
Pinanood ko kung paano sila magpalitan ng suntok pero wala namang natatamaan.
May napansin ako kay Liryu habang tumatagal.
Namumutla sya.
"Sandali!"
Sigaw ko.Tumakbo ako sa pwesto nilang dalawa at pinigilan ang kamay ni Shun sa pagsuntok.
Napaluhod si Liryu.Pawis na pawis sya.
Bwisit.
Kakagaling nya lang sa sakit.Mukhang napwersa sya.
"Pinagod mo masyado ang katawan mo."-Ako
"A-ayos lang ako."
Sabi nya habang nakayuko.Sinong niloko nya?
"Mahina."
"May sakit sya,Shun.Masamang mapagod sya."
"Ngayon,may pakielam ka na rin sa kalagayan nya?Ano mo ba talaga sya?"
Galit na tanong nya sakin habang tinitignan si Liryu.Binitawan ko ang kamay nya tsaka ko inalalayan si Liryu sa pagtayo.
"Kaibigan."
"F*ck!Stop fooling me,Hime!"
"If you don't trust me,stop asking me."
Naglakad kami papunta sa gate at nilagapasan namin sya pero hindi pa kami nangangalahati,humarang na sya sa dadaanan namin.
"Where are you going?"
"Kailangan na nyang umuwi,Shun,so please.Padaanin mo na kami."
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya ng malalim pati na rin ang pagbulong nya ng kung ano pero hindi ko naman naintindihan.
"Fine.Pero Hime,oras na gumaling yang mokong na yan,ibalik mo sya dito.Tatapusin namin kung anong sinimulan namin.Pag hindi nya ako natalo,wag na syang magpapakita sakin o kahit sayo."
"Copy."
Nagtaka ako nung tulungan nya rin ako sa pag-alalay kay Liryu.Tumingin lang sya sakin at parang sinasabi ng mga mata nya na...
'Ngayon lang to at hindi ko pa rin sya gusto.'
Hindi ko naman sinabing gustuhin nya si Liryu.Hindi ko naman boyfriend itong psycho na to.Tss.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalabas namin ng gate,bumungad samin si Ken at Mirco na nakasandal sa isang van habang si Louie,nasa loob.
"Ryu!Saisumi!"
Masayang sigaw ni Ken pero nawala ang saya nya ng mapatingin sya kay Shun.
"Sino sya?"
Tanong nya samin
"Shunrei Almante.Saisumi's twin brother.C'mon,Ken.Don't be so dense."-Louie
"Ah.....ikaw pala si Shunrei."
"Tsk.Sabihin mo nga.Ilan pa ba ang kaibigan mong lalaki?"-Shun
"*shrug*"-Ako
"Argh.Isakay mo na nga yan sa van ng makaalis na yang mga yan!"
Binitawan nya si Liryu kaya napunta sakin ang bigat nitong si psycho.Agad namang umalalay sila Ken.
"Bilisan mo.Hihintayin kita sa loob."
Tinanguan ko si Shun tsaka sya muling pumasok sa loob.
Isinakay nila Mirco si Liryu sa van.Kawawang nilalang.Sa itsura nya,kala mo tumakbo sya ng sampung kilometro.Tsk.Tsk.
"Kayo ng bahala sa kanya."
Nginitian ako nila Louie at Ken at tinanguan naman ako ni Mirco.
"So.....kelan balik mo?"-Louie
"Never."
Napakunot ang noo nilang tatlo.
Hindi ko talaga maintindihan.Bakit hindi nila makuha na hindi ko na kailangang bumalik dahil tapos na ako sa kanila?
"Wala kang.....balak bumalik?Pero akala ko,kinausap ka na ni Ryu?!"-Ken
"Sai,alam mong madami kaming naghihintay sayo.Lalo na si Nicka."-Mirco
Marahan kong ginulo-gulo ko ang buhok ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Alam ko naman na dapat ko ng kalimutan ang tungkol sa kanila pero may part sa utak ko na nagsasabing.....mahalaga sila.
"Pwede bang humingi ng maliit na pabor?"
Tanong ko sa kanila.
"Ano yun?"-Ken
"Kalimutan nyo nang nakilala nyo ako."
"Tss.Patawa."
Tinignan ko si Liryu ng masama.Mukha ba akong joker?
"Seryoso ako."
"Pwes,humanap ka ng ibang taong gagawa ng pabor mo.Louie,tara na.Lalo lang sumasama ang pakiramdam ko dito."
Napanguso ako sa sinabi nya pero di kalaunan,napangiti din ako.Nakakaaliw kasi yung itsura nya habang sinasabi nya sakin yun.
"Liryu."
Tawag ko sa pangalan nya.Bahagya syang lumingon at hindi nagsalita pero kita ko sa mga mata nya kung anong gusto nyang sabihin.
'Hindi ko gagawin.Wag kang makulit.'
Nginitian ko lang sya.
"Pagaling ka,my king."
BINABASA MO ANG
Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)
ActionA girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if the 'purple-eyed' girl meet the 'one of a kind' boy?Will SHE love his 'stupidity' or HE will fall in...