Chapter 3 "His Side"

512K 13.6K 767
                                    

Liryu's POV

Heto na naman kami.

Ganito na lang ba araw-araw ang madadatnan ko kada papasok ako? Mga estudyanteng nagkukupulan sa daan. Araw-araw pinagtitripan iyong nerd ng 4th year, section 1. Baliw na rin 'yong nerd na 'yon para manatili pa rito. Ang daming ibang school d'yan na tatanggap sa kan'ya. Bakit ayaw n'ya pang lumipat? Gusto yata n'yang literal na ikamatay ang pag-aaral.

Sa gitna ng kumpulan at katuwaan ng mga estudyante, may isang taong nakakuha ng atensyon ko. Isang babaeng may suot na mahabang palda at salamin. Nakikisilip s'ya sa nangyayaring palabas. Medyo may pagkatsismosa ang isang 'to. Hindi halata sa itsura n'ya, ha?

Bago s'ya sa paningin ko. Siguro, transferee. Bago pa lang pero nakikigulo na. Malamang, next week, s'ya na ang pinapalibutan d'yan at umiiyak. Saka, bakit ba ang haba ng palda n'ya? Sumobra sa pagiging conservative.

I don't know but she really caught my whole attention. She's doing some weird stuffs. Pumulot ba s'ya ng bato? Bakit s'ya nakatulala? Mukha s'yang tanga sa ginagawa n'ya.

At dahil sa sunod na ginawa n'ya, lalo lang naging tanga ang tingin ko sa kan'ya.

"Aray!"

Binato n'ya ng bato si Mylene sa ulo. Hah. Stupid. Kulang na lang pumalakpak ako ng mabagal habang pinapanood s'yang hilahin patakbo 'yong isang nerd. Meron nang bagong bayani ang school na 'to.

"Hala, girl, si Liryu ba 'yan?"

Hay. Tapos na ang pagtambay ko dito. Time to go.

"Ang anghel talaga ng itsura n'ya. Kyaaah!"

"Liryu, papicture naman, oh!"

"My gosh, sobrang gwapo!"

Nagsimula na silang pumalibot sa 'kin kaya hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko. Wala na yatang ikukunot pa ang noo ko sa sobrang inis. Ang ayoko sa lahat ay 'yong gan'to. Masyado silang matinding kumapit at dumikit. Ang lalakas pang tumili ng iba.

"Hoy! Ano?! Ang kakapal naman ng mga mukha n'yo para dumikit-dikit ng gan'yan sa babe ko! Lumayas kayong lahat kung ayaw n'yong kalbuhin ko kayo isa-isa!"

Natigil ang tilian sa paligid. Unti-unting umalis sa paningin ko ang mga babaeng kanina lang ay halos sirain na ang uniform kong hindi na nga maayos ang pagkakasuot, ginulo pa nila.

"Hi, baby,"nakangiting bati sa 'kin ni Mylene bago n'ya inangkla sa braso ko ang kamay n'ya. Alam kong napapakinabangan ko s'ya minsan lalo na sa sitwasyong katulad ng kanina pero hanggang doon na lang 'yon. Hindi ako interesado sa kan'ya tulad ng pagiging interesado n'ya sa 'kin.

"Get off."

Inalis ko ang kamay n'ya na nakahawak sa 'kin saka ako nagsimulang maglakad paalis. Hindi ko gusto ang amoy ng pabango n'ya. Masyadong matamis.

"Argh! Mapapasa 'kin ka rin, Liryu Marcus!"

Tss. Bahala ka sa buhay mo.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon