Chapter 4 "Friends"

513K 14K 1.5K
                                    

Saisumi's POV

Mabagal akong naglalakad sa hallway ng isang building. Late na ako pero hindi ko pa rin nahahanap kung saang room ang section 1. At oo, late na ako pero sa bagal ng lakad ko, hindi halata.

Isang oras na ang nakakalipas simula nang magsimula ang klase. Sinubukan kong i-eliminate ang ibang buildings para hindi ko na 'yon puntahan pa sa paghahanap ng room. But this school is too big than what I thought it would be. Ang dami ko nang in-eliminate pero may natira pa ring pitong building.

And now, I'm in the last one.

Room 401... Room 402... Room 403... Room 4-wait. Bumalik ako sa tapat ng room 403.

"4th Year-Section 1..."

Mukhang dito na nagtatapos ang paglalakbay ko. 

Hindi na ako nagsayang ng oras at kumatok na ako ng tatlong beses. Ilang saglit akong naghintay bago bumukas ang pinto at sumilip ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa 30-35 years old.

"Yes, young lady?"

Tanong n'ya sa 'kin habang nakataas ang dalawang kilay. Ibinigay ko sa kan'ya ang schedule ko nang hindi nagsasalita. Kinuha naman n'ya 'yon habang nakatingin sa 'kin ng nagtataka.

"Ah... transferee."

'Yon lang ang nasabi n'ya matapos n'yang tignan ang binigay ko. Tumango ako ng bahagya.

"You should have come earlier. Come in," sabi n'ya habang binubuksan ng maayos ang pinto para makapasok ako. Napabuga na lang ako ng hangin.

Nagsimula na akong maglakad papasok. Wala kang ingay na maririnig sa loob ng classroom. Lahat sila, nakasunod lang ng tingin sa bawat hakbang ko ng may ngisi sa mukha. Malamang, hinuhusgahan na nila ang buong pagkatao ko dahil sa suot ko.

This is section 1. And believe me, wala pa akong napapasukang star section na walang mayabang.

"Miss, ingat. Baka madapa ka," bulong sa 'kin ng isang lalaki sa harap no'ng nadaanan ko s'ya. Tumawa naman ang mga katabi n'ya at nakipag-apir pa. Inayos ko na lang ang suot kong salamin.

"Tutal patapos na kami, why don't you share something about yourself first before you sit down, young lady?"

Ah. My most hated part. Introduction.

Tumayo ako sa gitnang parte ng harapan at tinignan isa-isa ang mga bago kong kaklase. Kung ako ang tatanungin, pito sa kanila ang iritado sa itsura ko. May apat na walang pakielam. Isang mukhang natutuwang makita ako at sampung taong sa palagay ko ay ipinanganak para pagkatuwaan ang isang tulad kong mukhang hindi manlalaban.

"I'm Saisumi Morales."

Iyon lang ang sinabi ko at hindi ko na sinundan. Pero sa itsura nila, mukhang nag-aabang pa sila ng iba pang bagay na lalabas sa bibig ko.

"Seventeen years old. Transferee from Horikoshi Gakuen in Nakano, Tokyo."

"Why are you wearing your grandma's skirt?," banat ng isang babaeng nasa may bandang kaliwa. Nagtawanan namang ang mga katropa n'ya.

"Why are you wearing your little sister's skirt? Or that's your skirt since grade 1?"

Nakarinig ako ng mahihinang tawanan pero agad din 'yong nawala nang biglang tumayo ang babae. Halata ang inis sa mukha n'ya. D'yan kayo magaling. Ang lakas n'yong mang-asar pero kapag kayo na ang inaasar, pikon agad.

"You bitch-"

"Ms. Reyes, I don't want to hear what you're about to say so sit down. And Ms. Morales, you're free to sit wherever vacant seats you want."

Tumango ako at nagsimula nang maglakad papunta sa dulo kung saang walang masyadong nakaupo. Tumabi ako sa bintana dahil una, ayokong mapagitnaan ng dalawang estudyante sa section na ito. Pangalawa, parang kailangan ko ng sariwang hangin sa lugar na puro toxic.

Boring...

Nicka's POV

Is this... destiny?

Nagulat ako nang pumasok s'ya sa room at mas lalong nagulat ako nang bigla s'yang naglakad papunta sa direksyon ko at naupo sa upuang katabi ng akin!

I think, this is really destiny. Pinagtagpo ulit kami dahil itinakda kami sa isa't-isa! Kinikilig ako! Ang tadhana na mismo ang tumutulong sa 'kin!

Umusog ako ng konti palapit sa kan'ya saka bumulong ng,

"Hellooo."

Hindi n'ya ako tinignan. Nakatingin lang s'ya sa labas habang nakapangalumbaba. Hindi na naman kaya niya ako narinig? Mukha namang wala s'yang diperensya sa tenga pero bakit gano'n?

"Hello,"pag-uulit ko sa sinabi ko kanina. Laking tuwa ko nang sa wakas ay tumingin na rin s'ya sa 'kin. Ang cute n'ya talaga sa salamin n'ya!

"Naaalala mo ako? Ako 'yong-"

Inalis n'ya ulit 'yong tingin n'ya sa 'kin. Hindi n'ya ba ako nakikilala?! Ga'no kahina ang memorya n'ya?!

"Ako 'to! Si Nicka! Hindi mo ba ako natatandaan?!"

At lalo pa akong lumapit sa kan'ya. Nanatili lang s'ya sa dating pwesto n'ya pero kahit mahina, narinig ko ang tinanong n'ya sa 'kin.

"What do you want?"

Yes! Nakuha ko na ang atensyon n'ya!

"Alam mo kasi, wala akong kaibigan dito. You see? Walang tumatabi sa 'kin. Ayaw nila akong katabi. At mukhang gano'n din sila sa 'yo! So, naisip kong-"

"Not interested."

Napakurap ako.

"What?"

"Not interested."

Talagang inulit n'ya! Pati 'yong tono, gayang-gaya!

"Teka, okay? Patapusin mo muna-"

"Ayoko."

"Teka nga, eh-"

"No."

"Sandali!"

"Leave me alone."

Oooh. China-challenge n'ya ba ako? Akala n'ya ba, susuko ako ng gano'n na lang? Hah! Ito ngang school na 'to, hindi ko sinukuan, s'ya pa kaya?

"You know what? Hindi na ako magtatanong. You and I are now friends. And no one, I repeat, 'no one' can ever change it starting from now!"

Then, I laughed evilly. This is victory!

"Talk to yourself."

Okay, not yet a victory, I guess.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon