Chapter 26 "Favor #1"

399K 11.5K 1.6K
                                    

Liryu's POV

Nagising ako dahil sa malamig na hanging dumampi sa mukha ko.

Naiwan ko bang bukas yung bintana?Aish.Panira naman ng tulog oh.

Napaupo ako sa kama ko at napasapo sa ulo ko.Anong oras na ba?

Kinuha ko yung cellphone ko at nakita kong 1:35 am na.

Lumingon ako sa bintanang bukas.Ang pagkakaalam ko talaga,sinara ko yan bago ako natulog.

Napansin kong nakabukas yung lamp shade sa side table.Now,alam ko ng may mali na talaga dito.Hindi ako natutulog ng may nakabukas na ilaw.

"Ow...you're awake,prince."

Napalingon ako bigla sa narinig kong nagsalita.May nakaupo sa couch at natatakpan ang mukha nya ng isang libro na mukhang binabasa nya.

"Who are you?"

Seryoso kong tanong sa kanya.Bakit hindi ko man lang naramdaman na may nakapasok na pala sa kwarto ko?

"My,my...ang sakit nun,Dark.Ni hindi mo man lang ba naaalala ang boses ko?"

Ibinaba nya ang librong hawak nya at nagulat ako nung makita ko kung sino sya.

"P-purple?!Anong g-ginagawa mo dito?!"

Agad kong hinila ang kumot at nagtalukbong ako.

F*ck!

Naka-topless ako!

"Oh.Anong reaksyon yan,Dark?"

Naramdaman kong lumapit sya sakin at hinila ng kaunti yung kumot.

"Nakita ko na yan kaya wala ng epekto sakin yan,Dark.Hindi ko alam na conservative ka pala.*chuckle*"

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon