Chapter 19 "Luna's Captain"

535K 12.5K 2.6K
                                    

a/n:Gusto lang bumawe.....Dedicated po to kay anonymousWritter101.^^

Treya's POV

"Sabi ko na eh!Kaya mo yun,Saisumi!"

Sabi ko kay Saisumi habang hinuhubad at inaayos nya ang mga gamit nya.

Ni hindi nya man lang ako nilingon.

Busy masyado?Ganon?!

"Ang galing-galing ng mga tira mo,Sai!Sapul na sapul yung bull's eye!Okay.Forget about the first set."

Sabi naman ni Audry habang nakaupo sa bleachers.Nag-alisan na kanina yung mga tao pagkatapos ng laban.

"Neh,Sai!Ililibre mo ako ha!"-Ken

Teka.Bakit ba nandito yang grupo nila Liryu?Mga panggulo!Psh!

"Hello,Elise.*smile*"-Louie

"Tigilan mo ako.Baka samain ka."-Elise

Eh?Ano to?May war?

At teka!

Magkakilala sila?!

"*chuckle*"-Louie

Tss.....mga lalaki...

At tignan mo nga naman.Himalang nakaupo lang ng tahimik sa bench yung si Liryu at Mirco.

Well.Hindi na siguro nakakagulat yun kay Mirco.

Napatingin ulit ako kay Saisumi nung bitbitin na nya yung back pack nya at naglakad palayo ng walang kahit anong salitang sinasabi.

"Saisumi!San ka pupunta?!"-Ako

"Babalik ako sa oras ng laban ko.Di mo kailangang mag-alala."-Sai

Wala ng nagtangkang magsalita o pumigil sa kanya,kahit ako.

Eh pano ba naman,boses pa lang nya,parang nagbabanta na.

Saisumi's POV

"Tito.Kamusta na po sya?"-Ako

"Stable na ang kondisyon nya pero nagtataka pa rin kami dahil hanggang ngayon,hindi pa rin sya nagigising.Pasalamat ka dahil may stock kami ng dugong kaparehas ng blood type nya.Masyado ka ng nagiging iresponsable,Saisumi.Ano na lang ang nangyari sa kanya kung wala ako dito?Hindi ako nagbibiro nung sabihin kong nag-agaw buhay sya kanina."-Tito

"*deep sigh*Kamusta po yung CCTV footage.Pati yung mga nakakita?"-Ako

"Nagawan na yan ng paraan ng mommy mo.Na-block nya na yung footage bago pa man maipalabas sa TV at sinigurado na rin nyang hindi magsasalita ang mga nakakita.Dito sa ospital,ako lang at yung tatlo pang doktor ang nakakaalam na nandito si Shunrei."

"T-teka,tito.Sinabi mo bang,si Mom ang gumawa ng paraan?Alam na to nila Mom?!"

"Oo."

Napahampas ako sa noo ko at pabagsak na naupo sa upuan.

"Anong reaksyon nila sa kalagayan ngayon ni Shun?"

Tanong ko habang nakayuko.

"*sigh*Iuuwi nila si Shun sa Japan.Sa mansyon na sya magpapagaling."

"Iuuwi?!"

"Delikado kung may iba pang makakakita sa kanya dito.Isang international teen idol ang kapatid mo,Saisumi."

Napahawak na lang ako sa sentido ko gamit ang dalawang kamay ko.

Naramdaman kong humawak sa balikat ko si Tito.

"Pwede mo na syang puntahan sa kwarto nya.Kahit tulog sya,alam kong mararamdaman nyang dumating ka."

Tumango na lang ako tsaka ako tumayo.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon