Chapter 5 "They Met"

540K 14K 1.7K
                                    

Saisumi's POV

Ayos na sana ang mga araw ko kung wala lang makulit na babaeng umaaligid sa 'kin. Hindi ko pa nauumpisahan ang misyon ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nasa school na ito. Hindi ko pa ulit natatanong si Mom. Ang hirap n'yang contact-in.

Sa ngayon, kailangan ko munang mag-obserba. Siguradong may dahilan si Mom kung bakit dito n'ya ako tinransfer.

Marami-rami na rin akong obserbasyon sa school na 'to. Una, masyadong classy at maaarte ang mga tao. Pangalawa, masyadong mahalaga ang itsura sa lugar na 'to. Pangatlo, hindi nila ako gusto. Pang-apat, may kilalang grupo rito ng mga lalaki na lagi nilang pinag-uusapan. At panglima, uso ang katuwaan at kalokohang nakakapagtakang hindi nakakarating sa principal o iba pang faculty staffs.

Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa building ng 4th year. Maaga lagi akong pumapasok dahil naglilibot-libot ako minsan para makabisa ang lugar. Isa pa, ayokong makasabay sa gate ang ibang estudyante dahil masisira lang ang umaga ko kapag may sumubok na namang mantrip sa 'kin.

Napahinto ako sa paglalakad. May nararamdaman ako sa paanan ko. Malambot... mabalahibo... Huwag mong sabihing...

"Pusa..."

'Yon na lang nasabi ko nang makita ko sa paanan ko ang isang pusang may makapal na puting balahibo. Isang Persian cat na may asul na mata. Oh, my...

Agad akong umupo habang nakatingkayad ang dalawang paa para mahawakan s'ya. You don't know how much I love cats.

Hinaplos-haplos ko ang balahibo n'ya na mukhang gusto n'ya naman. Ayon sa pagkakaalam ko, lumalapit lang ang mga Persian cat sa mga taong kilala nila o hindi kaya ay alam nilang mapagkakatiwalaan nila.

"Tingin mo, mapagkakatiwalaan mo ako?"

"Meow..."

"Kawaii..."

(Kawaii = Cute)

Nakangiti lang ako habang nilalaro s'ya. Napansin ko ang suot n'yang cat collar. 'Kathie' ang nakasulat do'n. Pinag-isipan talaga.

Kung tutuusin, hindi naman talaga dapat inilalabas ang mga Persian cat. Madaling madumihan ang balahibo nila at masyado silang mahinhin at sweet para makipagkompitensya sa ibang hayop sa labas. Bakit nga ba s'ya nandito? Nasa'n ang amo n'ya?

"Naglayas ka ba?"

Muli lang n'yang ikiniskis ang balahibo n'ya sa kamay ko. Huwag kang gan'yan. Baka hindi na kita ibalik sa amo mo. Makasuhan pa ako ng pet-napping. Tsk.

Liryu's POV

Napapabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa babaeng kanina pa nakatayo sa harap naming apat. Naglalakad kami kanina nang bigla s'yang humarang at tumayo d'yan na parang istatwa. Ano? Trip n'ya lang ba 'yan? Makikisabay na ba kami sa trip n'ya?

"Ano, miss? Hindi ka ba nangangawit? Ako, nangangawit na sa pagsasayang ng oras sa 'yo," sabi ko pero nanatili lang s'yang nakayuko habang hawak 'yong box na may ribbon. Napabuntong-hininga na naman ako.

"Mimi..." Tawag sa kan'ya no'ng isa n'yang kasamang babae. Tinapik pa s'ya nito sa balikat na parang sinasabing 'gawin mo na' kaso parang hindi ang inaasahan n'yang gagawin ng babae ang ginawa nito.

Biglang umiyak 'yong Mimi sa harap namin na parang bata. Nagkagulatan pa kaming magtotropa. Tapos, bigla na lang tumakbo 'yong babae habang umiiyak pa rin. Hinabol naman s'ya ng kasama n'ya.

Napakurap pa ako sa gulat at tinignan ang mga kasama ko. Tinawanan naman nila ako.

"Sabi ko sa 'yo, magpagawa ka na ng private hallways para sa ating apat, eh, " sabi ni Louie na inakbayan ako palakad ulit sa hallway.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon