Chapter 30 "Last Favor"

361K 12.1K 1.5K
                                    

a/n:Maikli lang to pero sana,okay lang sa inyo.Azullan220,para sayo tong chapter na to.:)

Liryu's POV

Marahas kong binuksan ang pinto ng main HQ.Kasama ko sila Louie pero ni hindi man lang sila makalapit sakin dahil sa aura ko ngayon.

Nagmamadali akong naglakad papunta sa gitna ng ground floor.

Nakita ko syang prenteng nakaupo sa royal chair KO at nakadekwatro pa habang nakahalukipkip.

"San ka ba nanggaling?!"

"Oh relax lang,Dark.Wala man lang ba akong 'welcome hug'?"

I gritted my teeth with disbelief.

"Purple?!"

"Okay,okay.Titigil na."

Tumayo na sya at naglakad papunta sa harap ko.Huminto sya at nag-bow.Nagulat ako sa ginawa nya.

"I'm back,my king."

"A-ano ba yang ginagawa mo?"

Biglang nawala ang nakakatakot na aura ko kanina.

Tumayo na sya ng maayos at huminga ng malalim.

"Dark,hindi na ako magpapaligoy-ligoy.May kailangan ako sayo."

"Huh?"

"Nandito ako dahil may kailangan ako sayo."

"Ibig mong sabihin.....bumalik ka dahil may kailangan ka sakin?"

"Bingo."

Naikuyom ko ang mga kamay ko.

Tsk.Kainis.

"Ano na namang kailangan mo?"

Inis na tanong ko sa kanya.

Walangya.

Manhid!

"Kailangan ko.....ang last favor mo."

Napatingin ako sa kanya ng nagtataka.Napakunot din ang noo ko.

"Last.....favor?"

"Uh-huh.Last favor.Gusto kong malaman ang pangalan ng leader ng Six Rings."

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon