Chapter 46 "Kill Me"

372K 10.2K 1.1K
                                    

a/n:Enjoy!

Louie's POV

"Pangatlong araw na....."-Ken

"Mukhang masama na to."-Mirco

"Magigising naman sya,di ba?"

Halos pabulong na sabi ni Nicka.

Yep.Si Nicka.Pinapunta namin sya dito dahil alam naming kailangan nyang malaman ang kondisyon ni Sai.

"Wag kayong masyadong mag-alala.Matinding pahinga lang talaga ang kailangan nya."

Kalmadong pagkakasabi ko.Malakas si Saisumi kaya alam kong magigising din sya.

Tatlong araw na ang nakakaraan simula ng nagpunta si Saisumi dito at tatlong araw na rin syang natutulog.Kung tatanungin nyo ako tungkol kay Liryu....

Ayun.3 days,8 hours,22 minutes at 45 seconds na syang tahimik at seryoso.Ni hindi nga namin makausap ng tama.Ang masama pa nito,kami lagi ang nasusungitan.-_______-

"Pero habang natutulog sya dyan.....may isang taong lalong nalalagay sa panganib ang buhay."-Mirco

"Huh?Sino?"-Ken

"Si Shunrei.Ang kapatid nya."-Ako

"Ah..."-Ken

Sa tatlong araw na nandito kami sa main HQ,wala kaming alam kung ano ng nangyari kay Shunrei.Alam kong araw-araw na nasa panganib ang buhay nya pero sana mahintay nya pa si Saisumi.

"T-teka.....s-sinabi nyo bang.....S-shunrei.....?"

Nauutal na tanong ni Nicka.

Naku,yari.Parang bigla kong nakitang nag-spark yung mga mata nya.Wala pa bang nagsasabi sa kanya nito?

"*ehem*Nicka.....ahm.....wag na sanang makarating kung kanino to....hmm....kakambal ni Saisumi si Shunrei Almante.Fraternal twins sila."-Ako

Natahimik sya at natulala.Unti-unti syang lumapit kay Saisumi at tinitigan ito.

Akala ko,mahinahon nya lang na natanggap ang sinabi ko pero maya-maya lang.....

"KYAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!"

Sabay-sabay kami nila Ken na napatakip sa tenga.Sabi ko na nga ba.Hindi pwedeng hindi sya mag-iingay.=____________=

"OHMYGARSH,SAI!!!!Bakit hindi mo sinabi?!Kyaaaaahhhh!Kapatid mo pala si idol!Kakambal mo pa!Waaaaaahhhhhh!"

Niyugyog-yugyog nya si Sai kaya bigla akong kinabahan.Baka lalong lumala ang kondisyon ni Sai at kapag nangyari yun,siguradong patay kami kay Liryu!

"Nicka!Tigilan mo si Saisumi!"

Nagpapanic na sabi ko sa kanya habang pinipigilan sya sa pagyugyog kay Sai pero hanep!Ang lakas din ni Nicka!Ayaw paawat kaya tinulungan na ako ni Ken.

"Ah,Nicka!Bitaw na!"-Ken

"Iiiiihhhhh!!!!Kyaaaahhhhh!!!!!!Si Shunrei!!!!!!"

"L-louie..."-Mirco

"Naku,naman!Pano ba to?!"-Ako

"Louie."-Mirco

"Baka lalong lumala ang sugat ni Sai,Nicka!"-Ken

"Huwaaaahhhhh!!!!Ang daya mo naman,Sai!Bakit hindi mo kagad sinabi?!"-Nicka

"Stop it,Nicka!"-Ako

"Louie,gumagalaw sya."-Mirco

Napatigil kaming lahat nung unti-unting imulat ni Saisumi ang mga mata nya.Napabitaw si Nicka sa kanya at napaatras ng kaunti.

Kumurap-kurap si Sai ng ilang beses bago dahan-dahang umupo.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon