Chapter 43 "Twin Brother"

370K 10.3K 2.3K
                                    

Saisumi's POV

"Z-zia?Zia Alcantara?"

"Sh*t!"-Halo

S-sya si Halo?Ang nakaharap kong si Zia ay si Halo?!

The hell!

"Naku,lagot na!Halo!"

Tatakbo sana papunta samin si Lady pero pare-parehas kaming natigilan nung may narinig kaming paparating.Isang kotse,kung hindi ako nagkakamali.

"Hindi ako papayag na basta na lang ako aalis."

Napaharap ako kay Halo nung magsalita sya.

"May goodbye gift ako."

*Bang!*

Isang putok ng baril ang nagpatumba sakin sa pagkakatayo ko.

Tinamaan nya ako sa tagiliran.

Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng mga mata ko at ang pamamanhid ng buong katawan ko.

Habang unti-unting nanlalabo ang paningin ko ay nakita ko pa sila Halo at Lady na tumatakbo palayo.

Nilabanan ko ang pagpikit ng mga mata ko pero hindi ko na talaga kaya.Ang tanging huling bagay na nakita ko bago ako mawalan ng malay ay.....si Liryu.....

Nicka's POV

Kanina lang,dinala kami nila Louie sa isang malaking mansyon.Sabi nila,dito daw gagamutin si Ken.

Pero ilang saglit lang din pagkarating namin dito,dumating si Liryu buhat-buhat si Sai na walang malay at duguan.

"Anong iniisip mo?"

Napalingon ako.Nakatingin sakin si Ken habang nakahiga sa kama.Ako ang nagbabantay sa kanya ngayon.Ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana at pinagmasdan ang buwan.

"Natatakot ako,Ken.Ano bang nangyayari?Maraming beses na akong muntikang mamatay kanina pero ni isang dahilan,wala akong alam."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya.

"Sorry."

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon