Chapter 20 "Sweetest Smile"

495K 12.3K 2.2K
                                    

a/n:Dedicated to EbiSnip.Thank you for reading.:)

Saisumi's POV

"EIGHT POINTS FOR THE LUNAAAAA!!!!"

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Second set na at si Matt ang unang tumira samin.

80 meters na ang layo namin sa target at tulad nga ng sinabi ng announcer,naka eight points sya.Sa ganto kalayong pwesto,mahirap makakuha ng ganyang score.

Hindi ko gusto ang presensya nya lalo na ang mga ngiti nya.

Parang bawat tingin at ngiti nya sakin,may kahulugan.

At kung ano mang kahulugan nun,ayoko ng malaman.

"Saisumi Ceres.Neh.....bagay."-Matt

"Girlfriend lang ang usapan,hindi asawa.And one more thing,hindi pa ako talo."-Ako

Pumwesto na ako para sa tira ko.

Bago ko bitawan ang string,nilingon ko muna sya.

Ayan na naman sya.Nakatingin na naman sya sakin habang nakangiti.Ano ba talagang problema ng lalaking to?

"I love you.*smile*"-Matt

Nanindig ang mga balahibo ko at bigla ko na naman nabitawan yung string.

Bwisit!Peste!

"ONE POINT FOR THE MARCUS!!!!LOOKS LIKE ARCHER #13 IS IN TROUBLE!!!"

"*death glare*You're doing it on purpose."-Ako

"Hm...I'm not doing anything,my lady."-Matt

"I have my own name.Stop calling me like that."

"*shrug*Sorry."

Humanda na sya sa pangalawa nyang tira.

Utakan pala ang gusto mong laban ha.

Ibibigay ko sayo kung anong hanap mo.

"Matt,kung magiging tayo,anong gusto mong tawagan?"

Tanong ko sa kanya.

Napatingin sya sakin.

Paglingon nya,nginitian ko sya ng sobrang tamis.

Ngiting hindi ko ipinapakita sa ibang tao.

Nakita kong napaatras sya ng isang hakbang at nabitawan nya yung string.

"OOOWWWW!!!!IT'S A FAILED SHOT!!!"

Ayos.Hindi man lang tumama sa target ang arrow nya.

"Oh,Matt.Anong nangyari?Bakit zero ka ata ngayon?"

"*smile*Hindi na ako nagtataka kung bakit sineseryoso ka nya."-Matt

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.Sinong 'nya' ang tinutukoy ng lalaking to?

"Anong sinasabi mo dyan?"-Ako

"Wala."-Matt

Ngumisi pa sya sakin.Tumingin na lang ako sa target at humanda na ako sa pagtira.

Hinihintay kong magsalita sya bago ako tumira pero ang tahimik nya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Nakatitig lang ulit sya sakin.

"Ano ba talagang problema mo?"-Ako

"Saisumi Morales.....alam mo bang may isang taong baliw na baliw sayo...?"-Matt

For the nth time,napakunot na naman ang noo ko.

"At sino namang 'tao' yang sinasabi mo?"-Ako

"Hindi ko pwedeng sabihin.....pero.....pwede kitang bigyan ng clue...maglaro tayo.Ikaw ang detective at ako ang witness.Ang taong tinutukoy ko.....ang huhulihin mo."

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon