Chapter 37 "Changes"

426K 10.2K 2.7K
                                    

a/n:Pagpasensyahan na ang matagal na ud.Ey,ate Steff,dahil nga sabi mo na 'maganda ka' *with sarcastic voice* at paulit-ulit mong pagsasabi na mag-ud na ako,ayan na oh.Dedicated to UnknownShadeofBlue.I'm starting to read your stories.Keep on writing,lady!

Saisumi's POV

"*frown*Anong problema mo?"

Tanong ko sa kanya habang hinahalo-halo ko ng straw ang chocolate shake na iniinom ko.

Nasa cafeteria ako ngayon at hindi ko gusto ang ideya na may kasama ako.

"Problema?"

Pabalik na tanong nya sakin pero hindi nya pa rin ako tinitignan.Mukha talaga syang si Nicka.Mas mukhang matapang 

nga lang sya at mas makulit.

"Bakit kanina ka pa tingin ng tingin kung saan-saan?"

Dun na sya napatingin sakin.

"Hello?Kasama ko kaya ang talk of the campus.Kailangan kong maging alerto.Baka mamaya,bigla na lang tayong 

dumugin dito ng mga obssessed fans mo."

Sinungaling.

Halata namang may hinahanap sya.

"Bakit ba sumunod ka pa sakin hanggang dito?Di ba,sinabi ko naman na sayo na sasali na ako?"

"Sinabi mo nga pero hindi ka pa rin nagreregister so.....kailangan kong makasigurado na hindi mo kami tatakbuhan."

"*pabulong*Mautak."

"Ano yun?"

"Wala."

Walang kalatoy-latoy na sabi ko sabay inom ng shake.Napahinto lang ako sa pagsipsip sa straw nung may 

naramdaman akong may huminto sa tapat ng lamesa namin.

"Nakita din kita.Alam mo bang kahapon pa ako hanap ng hanap sayo?Bakit absent ka kahapon?"

Napaangat ako ng tingin nung marinig ko ang isang boses ng lalaki na parang galit.

Si Khai...

Seryoso ang mukha nya ngayon at parang galit talaga sya.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon