Epilogue

466K 14K 4.5K
                                    

Epilogue:

"Alam mo Khai.....mabuti na lang at nagkaayos kami ni Cloud bago mahuli ang lahat.Masaya ako....pero nanghihinayang pa rin ako dahil saglit lang yun.Hay....uy Khai.Sumagot ka nga.Nakakainis magsalita mag-isa.Tsk.Kung alam ko lang na gan---"

"Saisumi!Matagal pa ba yan?!"

"Sandali na lang!"

Hinawakan ko ang pangalan ni Khai na nakaukit sa lapida.Napangiti ako.

"Anghel ang kakambal mo,Khai.Dahil sa kanya.....nandito pa ako ngayon at humihinga."

Inilipat ko ang kamay ko sa katabing lapida ni Khai.



Cloud Andreda.....



Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng huling laban namin sa Six Rings.Tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nung gabing hinarang ni Cloud ang balang para sakin.

Iniligtas nya ako.....Bago pa sya mawalan ng buhay,nakuha nya pang ngumiti sakin at sabihing....

'Sorry...'

"Cloud,wag kang mag-alala.Lagi din kitang dadalhan ng bulaklak tulad ni Khai."

Umihip ang malakas na hangin.Hindi ko maiwasang ngumiti.Mukhang pinapanood nila ako.

Nitong mga nakaraang linggo,napapadalas ang pagngiti ko.Madami ng nagbago.Sakin...kay Shun...sa Death Gang...at sa Six Rings...

LALO na sa Six Rings.

"Alam mo,Khai,nasa pangangalaga na ngayon nila Mom sila Melissa,Gray at Matt.Pare-pareho silang nagsisi sa ginawa nila kaya pumayag si Mom na i-train silang tatlo para maging agent.Bukas nga,pupuntahan ko sila dahil yun na ang araw na manunumpa sila sa Strike Organization.Unfortunately,kailangan pa nilang magtrabaho ng kaunti para tanggapin sila ni Dad sa Crown Mafia.But don't worry,Khai.I know that they can do it.Si Zia?*sigh*Walang pagbabago.Hanggang ngayon,tulala pa rin sya...walang imik.Gabi-gabing binabangungot.Kahit na ang pinakamagagaling na doktor sa organisasyon,hindi sya magamot.Mahirap ang sitwasyon nya Khai...Napatay nya ang taong minahal nya ng sobrang tagal....."

Napatahimik ako at tumingala.Ngayon,kapag tumitingin ako sa langit,dalawang tao na ang naalala ko.Si Skhai bilang asul na langit at si Cloud bilang puting ulap.

"Paano ba yan,Khai,Cloud?Wala na akong masabi eh---"

"Saisumi!Naman!Ang init-init dyan!Wala akong payong para payungan ka!Tara na kasi!"

Napalingon ako sa likod ko.Nakatayo sya sa tabi ng kotse nya,di kalayuan sa pwesto ko.Napatawa na lang ako ng mahina ng makita ko ang itsura nya.Nakabulsa ang isang kamay nya habang nagkakamot.Halatang-halata ang pagkainip at pagkainis sa mukha nya.Ibinalik ko ang tingin ko sa puntod nila Khai.

"Nga pala.Nakalimutan ko,Khai.Yun si Liryu.Psychopath kong manliligaw.*chuckle*Oh sya.Nag-aaladragon na si psycho.Sa susunod nalang ulit,Andredas.Sayonara!"

Tumayo na ako sa pagkaka-indian sit ko at pinagpag ang damit ko.Tumakbo ako papunta kay Liryu.

"Buti naman,tapos ka ng kausapin yung kambal na yun.Tss."

"Chill,Ryu.Binabalitaan ko lang sila."

"Bakit pa?"

"Anong bakit pa?Malay mo naiinip sila sa langit kaya gusto ko silang kwentuhan kahit alam kong di na sila magkakapagkwento sakin."

"Tsk.Ang hirap pagselosan ng taong patay na,alam mo ba yun?"

Pinagbuksan nya ako ng pinto sa passenger seat ng kotse nya.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon