CHAPTER 6

5.4K 130 29
                                    

"You cannot erase the past

You must let it go

You cannot change yesterday

You must accept it! then learn from it!"


------------------------------------------------

Zane POV

"Pwede ba ako nalang pilin mo?!"  Sabi ng batang lalake na nag mamakaawa sakin

"Pero ayaw ko sayo, ang taba mo, pag nadaganan mo ko mamamatay ako!"  sabi ko sa kausap ko

"Pero pag laki ko! magiging macho din naman ako, ngayon lang ako mataba kasi inuubos ko pa yung chocolates sa bahay. Pag laki ko ubos na yun! Mag gygym ako, mamacho ako!" pag pupumilit ng batang mataba

"Ayoko parin! ayaw ko sayo. May iba na akong gusto" Sabi ko habang takot na takot sa batang kausap ko, na parang baliw na pilit ng pilit sa sarili nya

"Uhmm Creed may nakita akong bulaklak sa garden tignan mo tignan mo"  sabi ng isa pang batang lalake na papalapit sakin, hingal na hingal sya ng makalapit sakin. Pagod na pagod sa pag takbo

"Salamat Thomas, ang ganda naman"  sabi ko sa lalaking kausap ko

"Syempre kasing ganda mo"  sabi nung batang tinawag kong Thomas at napangiti ako na nilagay nya yung bulaklak sa gilid ng tenga ko.

"Creed may napakinggan akong kanta, kinabisado ko para sayo" sabi ulit ng batang lalake na napaka gwapo na nag bigay sakin ng bulaklak

"Talaga?"  nakangiti kong tanong kay Thomas

"Kaya lang hindi ko pa alam mag tugtog ng gitara kasi bata pa ko! pero promise pag laki natin, mag aaral ako" sabi nya at tumango ako at nag smile sakanya

"pakinggan mo ha! ikaw din chubz pakinggan mo ha" sabi ni thomas at tinignan nya yung batang lalake na kanina kinukulit ako. Tumayo sya na akala mo mag peperform. Nandito kami sa Garden ng bahay namin. Malawak to kaya masayang mag laro.

 Let's break away from what we know

Just say the word, just say go

No better time then now to make our move

Lets find a place to leave our shoes

Among the stars, they have no use

When I'm with you, when I'm with you

I feel so weightless.

Parang napaka magical ng kanta, ang sarap sa tenga. Parang gusto ko pumunta sa lugar na sobrang masaya,yung tipong hindi ka mapapagod sa kaka takbo sa kaka laro, walang gabi na kailangan mo matulog. Yung pakiramdam na hindi mo kailangan mag pahinga.

Let's fly where we used to run
Lets go where we've never gone
Lets dream what we've never done
And make a road where there wasn't one
Lets fly, let's fly, let's fly
Where we used to run, where we used to run

Gusto ko lumipad! para makapunta sa mga lugar na makikita ko lahat ng tanawin! Gusto ko lumipad kasama sya! Ang aking first Love

"Aalis na ko! Creed mag iingat ka lagi ha. Promise pag balik ko! hindi na si Thomas ang crush mo! Pag balik ko magugustuhan mo na din ako!" Sabi nung batang tinawag ni Thomas na Chubz?

That Crazy Stalker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon