CHAPTER 31

3.5K 81 25
                                        

A/N: Ang chapter na to ay dinededicate ko kay "Michaela Gynne Estopedo", hello Michaela! Nag message sa akin ang boyfriend mo na si Luis sa lahat ng accounts ko haha! Sabi nya binabasa nyo daw tong TCS at ikaw daw ang nag sabi na basahin nya din. Salamat sa pag babasa nyo at sana suportahan nyo to hanggang dulo. Nako! Wag ka ng kiligin kay Thomas dahil mas nakaka kilig ang boyfriend mo, sana mapasaya ka nitong munting way nya (at isama mona ako ha hehe). Haha ayun! Stay inlove sa inyong dalawa, Enjoy reading.

-to ALL guys tweet me @LhaieOfficial with this hashtag #ThatCrazyStalker para sa chapter na to! Bukas ulit mag uupdate ako! Kapag madaming comments at votes. hehe pampagana naman aba! hahaha game na?

ZANE POV

Sobrang busy sa buong bahay ngayon, nakita ko na kanina ang mabusising pag aayos nila sa garden namin kung saan gaganapin ang debut ko. Abala din ang mga nag aayos sa akin dahil ilang saglit nalang ay mag sisimula na ang 18th Birthday Celebration ko. Kanina ko pa din hindi hawak ang phone ko at hindi ko alam kung nag tetext na ba sila Thomas sa akin, pero kaninang umaga nabasa ko pa ang text ni Thomas na pag bati nya ulit saakin bago ako pumunta sa bahay dahil kagabi ng matapos ang eksena nyang pag papakilig nanaman sa akin sa secret place namin ay nag pasya ako na sa bahay na tinutuluyan namin nila Max muna ako matutulog. Tinignan ko yung sulat na sabi ni Thomas mamayang after ng event ko na daw basahin, gustng gusto ko ng basahin yun pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil nag promise ako kay Thomas na mamaya ko pa nga yun bubuksan, ano kayang laman nung sulat? Bakit kailangan nakasulat pa? Pwede naman nyang sabihin nalang sakin! Kahit kelan talaga yang si Thomas! 

Mag didilim na at sinilip ko ang set up sa labas mula sa balkonahe ng kwarto ko, kahit malayo ng konti ay tanaw ko ang magagarbong bulaklak, ang mga ilaw, kulay puti ang mga tela dahil gusto ko na ako lang ang naka pink mamaya habang naka beige naman ang mga bisitang babae at suit naman sa mga lalake.

"Miss Zane, isuot na po natin yung gown?" sabi ng isa sa mga crew na nag aayos sakin at tumango naman ako.

Tinulungan nila ako na maisuot yung gown ko, kulay pink ito na ball gown, tube ang cut sa taas nito na kulay light pink na may design na parang mga bulaklak at may mga beeds na dark pink naman ang kulay, habang nag lalaban ang light at dark pink sa bandang palda nito, sa kalagitaan ay may mga lace ito na salitan ang kulay parin sa light at dark pink, at sa bandang gilid ay may parang ribbon na malaki, at suot ko ang sapatos na bigay ni Thomas. (A/N ipopost ko sa side yung gowns at mga itchura nung lugar san ginanap yung debut ni zane) 


Kinuhanan ako ng ilang shot ng pictures at video bago pumasok ang kambal

"Zanie!!!! So perfectie so ganda!!" sabi ni Skye at ngumiti naman ako

"Besty! ang ganda ganda mo talaga!" sabi ni Max

"Salamat, oh nasan si Kristina?" tanong ko

"Nasa labas na kasama si Seanie and Sarah without Ziggy, bawal daw kasi mag go here sa roomie mo but nakita kami ni Tita so pinapunta kami but kami lang ni Twinie" sabi ni Skye

"Si Thomas ba? wala kasi yung phone ko e" tanong ko

"Wala pa besty, si Reaker din e wala pa din at si Ziggy baka sabay sabay sila" sabi ni Max

"Miss Zane picture po kasama friends mo" sabi ng photographer at umentrada na si Skye, oh debut nya ba? sya talaga ata may debut e? moment nya talaga to e. Kumuha ng ilang shots ang photographer at ang videoman naman habang nag uusap kami ng kambal

That Crazy Stalker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon